"Isang eksploratoryong pag-aaral tungkol sa persepsyong ng tahanan ng mga taong grasa gamit ang pagguhit ng bahay,puno at tao (H-T-P Test)"

Rojas, Kristine Marie C. and Mape, Mary Ann Q. and Elamparo, Maureen Anne A. and Vicente, Maria Edralyn C. (2012) "Isang eksploratoryong pag-aaral tungkol sa persepsyong ng tahanan ng mga taong grasa gamit ang pagguhit ng bahay,puno at tao (H-T-P Test)". Undergraduate thesis, De La Salle University-Dasmariñas.

[thumbnail of Abstract] Text (Abstract)
PSY 1058 2012.pdf

Download (265kB)
[thumbnail of Full text] Text (Full text)
Rojas etal - TaongGrasa.pdf
Restricted to Registered users only

Download (12MB)

Abstract

ABSTRAK Ang pag-aaral na ito ay isang ekploratoryo na tumutukoy sa pagkuha ng persepsyon ng tahanan ng walong taong grasa gamit ang pagguhit ng bahay, puno at tao (HTP Test). Kinapapalooban ang pag-aaral na ito ng limang lalaki at tatlong babaeng kalahok na natagpuan sa mga lansangan ng Dasmariñas at Tanza, Cavite. Mula sa mga nakalap na datos, ang mga kalahok ay nasa edad na 21-43 taong gulang. Karamihan sa mga kalahok na natagpuan ng mga mananaliksik ay lalaki na may bilang na lima kumpara sa mga babae na tatlo lamang. Ang kasalukuyan nilang pinaglalagian ay hindi nalalayo sa kanilang dating tirahan. Masasabing ang karamihan ng mga kalahok ay mayroong hindi magandang relasyon sa kanilang pamilya. Ito ay pinatuyan na ang naging resulta base sa pagguhit ng bahay, puno at tao (HTP Test) ay kinakitaan ng posibilidad na maaaring makaranas ng kondisyon kung saan ang mga karamdaman ay nasa isip lamang ngunit tunay ang sakit na nararamdaman o psychosomatic condition, pagkabalisa at pakiramdam na nililimitahan ang sarili ng kanyang kapaligiran. Ang lumutang na persepsyon ng tahanan ng mga kalahok ay nahahati sa dalawang aspeto: negatibo at positibo. May mga pagkakataon na sila ay nakakaranas ng labis na pagiging emosyonal pagdating sa tahanan at sitwasyon sa pamilya. Nakakaramdam din sila ng pagka-aligaga at labis na pag-iwas sa isang bagay na nagreresulta sa pagkabalisa. Dagdag pa riyan, ang kanilang pagkabaliw na sanhi ng mahinang oryentasyon sa reyalidad at pag-alis ng sarili sa reyalidad na maaaring ituring na naging resulta ng pagkawala ng kanilang identidad. Masasabing ang mga taong grasa ay maaari pa rin makabuo ng persepsyon ng isang bagay sa kabila ng kanilang kondisyon. Taliwas ito sa paniniwala ng karamihan sa knila ay walang emosyon at walang kakayanan na magbigay kahulugan sa mga bagay-bagay.

Item Type: Thesis (Undergraduate)
Additional Information: PSY 1058 2012
Subjects: B Philosophy. Psychology. Religion > BF Psychology
H Social Sciences > HT Communities. Classes. Races
Depositing User: Users 4 not found.
Date Deposited: 28 Jan 2016 08:42
Last Modified: 06 Nov 2024 04:41
URI: https://thesis.dlsud.edu.ph/id/eprint/1364

Actions (login required)

View Item View Item