Karanasan ng mga miyembro ng grupong haring bakal sa lalawigan ng Cavite.

Malagase, Angelica A. and Mojica, Princess Joy C. (2013) Karanasan ng mga miyembro ng grupong haring bakal sa lalawigan ng Cavite. Undergraduate thesis, De La Salle University-Dasmarinas.

[thumbnail of Theses] Text (Theses)
MalagaseMojicaPaz ... - HaringBakal.pdf
Restricted to Registered users only

Download (1MB)
[thumbnail of PSY 1115 2013.pdf] Text
PSY 1115 2013.pdf

Download (262kB)

Abstract

ABSTRAK PANGALAN NG INSTITUSYON: De La Salle University-Dasmarinas LOKASYON: Dasmarinas, Cavite TITULO: Karanasan ng mga Miyebro ng Grupong Haring Bakal sa Lalawigan ng Cavite MGA MAY-AKDA: Angelica A. Malagase Princess Joy C. Mojica Rizaley F. Paz PINAGKUNANG PINASYAL: Magulang GASTOS: P 15,000 PETSANG SINIMULAN: Hunyo, 2012 PETSANG NATAPOS: Marso, 2013 Mga Layunin: Ninais ng mga mananaliksik na malaman ang demograpikong propayl ng ilang piling miyembro ng grupong Haring Bakal sa Bayan ng De La Salle University–Dasmariñas x Cavite, ang mga paniniwala ng mga miyembrong napili at ang karanasan ng bawat isa sa aspetong pagkilos, pag-iisip at pakiramdam. Saklaw at Delimitasyon: Ninais ng mga mananaliksik ang lugar ng bayan ng Kabite sa dahilang may kakilala ang mga ito sa lugar na nabanggit at ito lamang ang may pinakamalapit na lokasyon upang makatagpo ang mga mananaliksik ng kakapanayamin na grupo ng mga Haring Bakal. Lumikom ang mga mananaliksik ng sampung kalahok bilang kinatawan ng buong grupo ng Haring Bakal. Minarapat ng mga mananaliksik na kapanayamin ang bawat miyembro ng grupong Haring Bakal upang malaman ang paniniwala sa paggamit ng anting-anting ng grupo ng Haring Bakal sa bayan ng Cavite. Ngunit hindi nakalikom ang mga mananaliksik ng sampung kalahok, walong kalahok lamang ang kanilang nakapanayam sapagkat ang ibang miyembro ng grupo ay nagsilipat na ng ibang lugar at malayo na sa Kabite. Nagtanung-tanong ang mga mananaliksik kung may maibibigay at may maipapakilalang iba pang miyembro ang mga kalahok na maaari ring makapanayam, ngunit ang dahilan na kanilang ibinigay ay ang nabanggit sa itaas. De La Salle University–Dasmariñas xi Metodolohiya: Isinagawa ang pag-aaral na ito sa pamamagitan ng pakikipagkuwentuhan, pakikipanayam at pagtatanong-tanong sa mga kalahok. Dumaan sa pagsusuri ng isang ekspertong guro sa pananaliksik ng Sikolohiyang Pilipino ang mga gagamiting katanungan sa pakikipanayam ng mga mananaliksik. Ang mga mananaliksik ay gagamit ng gabay sa pagkuha ng mga mahahalagang datos sa pamamagitan ng pakikipagkuwentuhan, pakikipanayam, at pagtatanong-tanong. Upang maisakatuparan ang pagaaral na ito ang mga mananaliksik ay gumamit ng katutubong metodo tulad ng isinaad ng dalawang iskala nina Carmen Santiago at Dr. Virgilio Enriquez, 1975 (Pepua,1995) Iskala ng mananaliksik ang unang sinundan bilang gabay sa paglikom ng mga datos mula sa mga kalahok sa dahilang ito ay subok na ang kakayahang lumikom ng mga mahahalagang datos hinggil sa katutubong kultura at ito ay nababagay sa pag-uugali at panga-araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino. Kabilang dito ang pagmamasid, pakikiramdam, pakikialam at pagtatanong-tanong. Pangalawa ang Iskala ng Patutunguhan ng Mananaliksik at Kalahok, ginamit din ito bilang gabay sa interaksiyon na inayos mula sa pinakasimple hanggang sa pinakakomplikado – pakikitungo, De La Salle University–Dasmariñas xii pakikisalamuha, pakikilahok, pakikibagay, pakikisama, pakikipagpalagayang-loob, pakikisangkot, pakikiisa at pakikipamuhay. Ang mga pangunahing metodo na ginamit ng mga mananaliksik ay ang pakikitungo, pakikibagay at pakikipagpalagayang-loob. Ang batayan nito ay ang paniniwalang ang datos ng patutunguhan ay siya ring antas ng impormasyong makukuha. Ang pagdadala ng camera, voice recorder at iskedyul ng panayam bilang gabay ay naging isang malaking tulong upang makakuha ng mga datos. Ginamit ang mga ito upang makapagtala ng wasto at tumpak na datos, at upang masiguradong walang mahalagang bahay na makaligtaan. Sa pakikipanayam ng mga mananaliksik sa mga kalahok, wikang Filipino ang kanilang ginamit upang hindi mahirapang maunawaan ang mga katanungan at madaling maipahayag ang saloobin ng mga kalahok. Isinagawa ang pag-aaral na ito sa pamamagitan ng mga katutubong metodo na ibinalangkas nina Santiago at Enriquez kung saan ang mga mananaliksik ay nagmasid, nakiramdam, nagtanong-tanong, at nakipagkuwentuhan sa mga kalahok upang makapangalap ng datos tungkol sa kanilang paniniwala sa anting-anting. De La Salle University–Dasmariñas xiii Ang paraan ng pagkalap ng datos ay ang sumusunod: 1. Naghanap ng mga libro, dokumentasyon tungkol sa grupong Pulahan o Haring Bakal sa ilang aklatan tulad ng Aklatang Emilio Aguinaldo sa Pamantasang De La Salle Dasmarinas at Pambansang Aklatan. 2. Kinunsulta at nagtanong ng ilang propesyonal na may kaalaman ukol sa gagawing pag-aaral. 3. Ang mga mananaliksik ay nakipag-ugnayan sa mga kalahok at nagtungo sa mga tahanan ng bawat miyembro ng Haring Bakal. 4. Ginamit ng mga mananaliksik ang purposive sampling sa paglikom ng kalahok. 5. Nagsagawa ng indibiduwal na talakayan, interbyu at pakikipagkuwentuhan. 6. Ang mga mananaliksik ay nakipagpalagayang-loob sa mga kalahok upang maging palagay sila sa mga inihandang katanungan. 7. Pinagsama-sama at sinuri ang lahat ng nakalap na datos. Mga natuklasan sa Pag-aaral: Nalaman ng mga mananaliksik na ang pagkakroon ng anting-anting ay pinaniniwalaang isang debusyon at hindi isang obligasyon. Ang pagkakaroon ng anting-anting ay dapat gamitin sa tama at dapat na sundin ang lahat ng katungkulan. Sa bawat ginagawa ng mga may De La Salle University–Dasmariñas xiv nakabaong anting-anting sa katawan, kasama nila ang Diyos. Pinaniniwalaan nila na ang kapangyarihang dumadaloy sa katawan nila ay hindi nanggaling sa amulet na nasa katawan nila kundi nagmula mismo sa Panginoon. Natuklasan din ng mga mananaliksik ang mga paraan kung paano gumagana ang anting-anting at ang mga ritwal na ginagawa nila. Ang ritwal ay isinasagawa tuwing Biyernes Santo o kaya naman ay tuwing unang Biyernes ng buwan (first Friday). Upang gumana ang anting-anting, sinusubukan ang mga ito. Ang pagsubok na ginagawa nila ay hindi pangkaraniwang. Tinataga ng ilang beses ang kanilang mga katawan upang malaman kung epektibo na ang anting-anting na ibinaon sa tkatawan nila. Pinaniniwalaang nawawala ang bisa ng anting-anting sa oras na gumawa ang mayroon nito ng labag sa kautusan at kalooban ng Diyos. Ang grupong Haring Bakal ay hindi katulad ng ibang mag-aanting-anting. Dahil ang kanilang amulet ay nakabaon sa katawan pero mayroon din silang mga amulet na nakasabit sa kanilang mga leeg at mga nasa bulsa. Konklusyon: Sa pagsasagawa ng malawakang pag-aaral tungkol sa antinganting at grupong Haring Bakal sa Lalawigan ng Cavite, nagkaroon ng mas malawak na kaalaman ang mga mananaliksik tungkol sa mga kultura De La Salle University–Dasmariñas xv at paniniwalang mayroon ang mga Pilipino. Sa pagkakaalam ng nakararami, ang anting-anting ay proteksiyon, nagbibigay-lakas at kung ano pa ang maaaring ibigay na kahulugan dito. Pero para sa grupong Haring Bakal, ito ay sagrado, isang debosyon at nagmula sa Diyos. Ang pagkakaroon nito ay isang mabigat na responsibilidad pero hindi pahirap sa buhay. Nakakatuwang malaman na mayroong ganitong paniniwala ang mga Pilipino. Hindi man ito laganap sa buong Pilipinas, pero lahat ng tao ay may sariling kaalaman tungkol dito na sa tulong ng pag-aaral na ito ay mas mapag-iibayo pa nila ang munting kaalaman na iyon. Sa pag-aaral tungkol sa karanasan at paniniwala ng grupong Haring Bakal sa Cavite, masasabi ng mga mananaliksik na talagang may mayamang kultura at paniniwala ang mga Pilipino at ang mga ito ay mas lalo pang pinagyayaman ng mga Pilipino. Sa pagkakaalam tungkol sa anting-anting, maraming natutunan ang mga mananaliksik. At ang malaman ang mga ito ay isang malaking oportunidad na maaaring maging simula sa pagbubukas ng isip ng mga kabataan sa panahon ngayon. Sa kabuuan, masarap sa pakiramdam na malaman ang mga natatagong paniniwala ng ganitong klase ng grupo. Kahanga hanga ang mga karanasan na kanilang naranasan sa tulong ng kapangyarihan ng anting-anting. Sila ang mga taong may itinatagong kapangyarihan pero sa De La Salle University–Dasmariñas xvi kabila noon ay nagiging mapagpakumbaba, mabuting tao at mapagmalasakit pa din sa kapwa. Sa lahat ng pagkakataon ay nagiging mabuti lamang sila. Ang paniniwala ng bawat miymebro ng gruong Haring Bakal ay nakaapekto sa lahat ng aspekto nila sa buhay, sa pag-iisip, pagkilos, pakiramdam, pamumuhay at pati na rin sa espirituwal na aspekto. Rekomendasyon: Sa pag-aaral tungkol sa karanasan ng mga miyembro ng grupong haring bakal, may ilang rekomendasyon ang mga mananaliksik na maaring makatulong lalo na sa mga susunod pang mga mananaliksik. Miyembro ng Haring Bakal. Para mapalalim pa nila ang kanilang kaalaman patungkol sa grupong kinabibilangan nila at higit pang pagaralan ang kanilang karanasan upang maibahagi pa ito sa ibang tao. Komunidad na kinabibilangan ng grupo. Upang maging bukas ang kanilang isipan na may grupong katulad ng Haring Bakal at bigyan sila ng respeto patungkol sa katutubong paniniwala na noon pa man ay kaakibat na ng mga ninuno at iyon ay ang malakas na paniniwala sa anting-anting. Sa mga Susunod pang Mananaliksik. Para sa mga susunod pang mga mananaliksik, inirerekomenda ng mga mananaliksik na pag-aralan pang De La Salle University–Dasmariñas xvii mabuti ang mga paniniwala, kaalaman at karanasan ng mga babaeng kasapi sa grupong Haring Bakal.

Item Type: Thesis (Undergraduate)
Additional Information: PSY 1115 2013
Subjects: B Philosophy. Psychology. Religion > BF Psychology
H Social Sciences > H Social Sciences (General)
H Social Sciences > HN Social history and conditions. Social problems. Social reform
H Social Sciences > HT Communities. Classes. Races
Depositing User: Users 4 not found.
Date Deposited: 01 Feb 2016 00:32
Last Modified: 02 Jun 2021 05:12
URI: https://thesis.dlsud.edu.ph/id/eprint/1422

Actions (login required)

View Item View Item