Busil, Erica Claire G. and Caringal, Kenn Lawrence R. and Estrada, lemuel Joy R. and Santos, Louise Elaine J. (2013) "Tayo na ba? Magsing-irog o magkasintahan": isang komparatibong pag-aaral tungkol sa estilo ng panliligaw ng kabataan noong dekada 80 at ng kasalukuyang kabataan. Undergraduate thesis, De La Salle University-Dasmarinas.
Text (Full text)
BusilEtal ... - Panliligaw.pdf Restricted to Registered users only Download (8MB) |
|
Text (Abstract)
BusilEtal ... - Panliligaw_Abstract.pdf Download (547kB) |
Abstract
ABSTRAK Pangalan ng Institusyon: De La Salle University- Dasmariñas Lokasyon: Dasmariñas, Cavite Pamagat: “Tayo na ba? Magsing-irog o Magkasintahanâ€: Isang Komparatibong Pag-aaral Tungkol sa Estilo ng Panliligaw ng Kabataan noong 80’s at ng Kasalukuyang Kabataan. May Akda: Busil, Erica Claire G., Caringal, Kenn Lawrence R., Estrada, Lemuel Joy R., Santos, Louise Elaine J. Pinagkuhanan ng Pondo: Mga Magulang Halaga: P 10,000.00 Petsa ng Simula: Hunyo 2012 Petsa ng Pagsumite: Marso 2013 Layunin ng Pag-aaral: Upang malaman ang estilo ng kabataan noong dekada ‘80 at ng kabataan ngayon. Upang malaman ang pagkakaiba at pagkakatulad ng estilo ng panliligaw ng dalawang pinagkukumparang henerasyon ng kabataan. Saklaw at Limitasyon: Ang pag-aaral na ito ay binubuo sa pamamagitan ng mga mananaliksik ang pamamaraan ng patanong-tanong sa kung ano ang persepsyon ng mga Pilipino sa kasanayan sa panliligaw noong dekada ’80 at sa kabataan ngayon. Ito ay magsisilbing batayan, upang malaman ang mga estilo ng panliligaw noong dekada ‘80 at kasalukuyang panahon. Ginamit ang metodong pagtatanung-tanong upang higit na maintindihan kung ano ang mga karaniwang estilo ng panliligaw 4 noon at ngayon. Ang pag-aaral na ito ay hindi tungkol sa paglalagay ng kahulugan kung sino ang may pinakamahusay na proseso ng panliligaw sa halip, ang pag-aaral na ito ay nagbibigay-daan sa mga mananaliksik upang higit na malaman ang tungkol sa kultura, kasaysayan, at tradisyon ng Pilipinas. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa Brgy. San Nicholas II Area C, sa lungsod ng Dasmariñas, Cavite. Ang mga mananaliksik ay bumuo ng mga katanungan at pakikipagpanayam sa animnapung (60) tao, tatlumpu (30) dito ay kabataan na may edad na labingsiyam (19) hanggang dalawampu’t limang (25) taong gulang at tatlumpu (30) rin dito ay matatanda na may edad na limampu’t isa (51) hanggang limampu’t pitong (57) taong gulang lamang. Ito ay limitado lamang sa mga mamamayan ng Lungsod ng Dasmariñas. Ang mga kalahok na ito ay dapat din na may malawak na karanasan sa nasabing paksa patungkol sa panliligaw upang masagot ang mga katanungan ng maayos at maiwasan ang mga pagkiling sa magkabilang panig. Metodolohiya: Ang pag-aaral na ito ay isang komparatibong pag-aaral dahil mayroon itong layuning paghambingin ang dalawang henerasyon ng estilo ng panliligaw. Ang una ay ang dekada ‘80 at ang ikalawa naman ay ang kasalukuyang panahon. Ang komparatibong pananaliksik ay may layuning paghambingin lamang ang dalawa o higit pang bagay na may layuning tuklasin ang isang bagay tungkol sa mga bagay na ipagkukumpara (Clasen, 2004). 5 Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito ay nakatira sa Brgy. San Nicholas II, Area C, sa Lungsod ng Dasmariñas, Cavite. Mayroong dalawang grupo ng mga kalahok; ang una ay mula edad limamput isa (51) hanggang limamput pito (57) na nanirahan sa lungsod ng Dasmariñas mula sa kanilang kabataan hanggang sa kasalukuyan nilang edad; at ang ikalawang grupo naman ay magmumula pa rin sa Lungsod ng Dasmariñas ngunit sila ay kinakailangang hindi bababa sa edad na labinsiyam (19) hanggang dalawamput lima (25). Ang inaasahang kabuuang bilang ng mga kalahok ay animnapu (60); tatlumpu (30) dito ay magmumula sa mga kalahok na may edad limamput isa (51) hanggang limamput pito (57) at tatlumpu (30) dito ay magmumula sa mga kalahok na may edad labinsiyam (19) hanggang dalawamput lima (25). Konklusyon: Ang mga pangunahing konklusyon sa pananaliksik na ito ay nakalap mula sa mga resulta ng pag-aaral na ito at ito ay ang mga sumusunod: Naging sentro din ng paraan ng pagliligawan ng mga kabataan ngayon ay ang paggamit ng mga gadgets o kaya naman ng kompyuter. 1. Hanggang ngayon, ang mga lalaki ay mas gusto pa rin na bumibisita sa bahay ng mga babae bilang respeto nito sa babae at pati na rin sa mga magulang nito. 2. Ang pangunahing ginagamit na paraan sa panliligaw ng mga kabataan ngayon ay ang pagte-teks sa babaeng gusto nila. Dahil gusto nila na ito ay kanilang laging nakakausap. 6 3. Ang mga kabataan sa kasalukuyan ay naniniwala pa rin sa paraan ng panunuyo sa nililigawan kung saan mas madalas pa rin ang pagdalaw, pagbibigay ng regalo, paghahatid-sundo at marami pang iba. 4. May mga nanliligaw pa rin sa panahon ngayon na umaabot pa ng apat hanggang limang taon ngunit mas madami pa rin ang tumatagal lamang ng isa hanggang anim na buwan lamang. 5. Noong dekada ‘80, ang paggawa ng sulat para sa babaeng nagugustuhan ng lalaki ang pangunahing estilo ng panliligaw noon. 6. Sa kasalukuyan, ang pangunahing paraan ng pagliligawan naman ay ang pakikipagkaibigan muna sa babae bago ito ligawan ng lalaki upang ito ay kanilang lubos na makilala. 7. Naniniwala ang kabataan sa kasalukuyan na ang mga magulang pa rin ang unang dapat ligawan bago ang babaeng gustong ligawan. 8. Ayon sa mga kalahok noong dekada ‘80, hindi importante ang pagkakaroon ng gadget katulad ng pager para maligawan ang isang babae ngunit sa kasalukuyan, halos karamihan sa mga kalahok ay mayroon ng cellphone na hawak o gamit o kaya naman ay telepono sa kanilang mga bahay. 9. Mas gusto ng mga kabataan noong dekada ‘80 na estilo ang panliligaw ay ang personal na pagdalaw sa kanila ng lalaking nais manligaw sa kanila. Rekomendasyon: Ang mga mananaliksik ay inirerekomenda ang sumusunod mula sa mga naging resulta ng pag-aaral: 7 Para sa Kabataan ng Bagong Henerasyon. Maging sensitibo sa mabilis na pagbabago ng panahon kasabay ng pagbabago sa estilo ng panliligaw. Ang mabilis na proseso ng panliligaw sa kasalukuyan kumpara noon na dumadaan pa sa mga kamay ng mga magulang muna bago ligawan ang kanilang ninanais. Huwag magpadalos-dalos sa mga desisyon at sa mga kinikilos na maaaring mauwi din naman sa hindi pagkakasundo at paghihiwalay. Maaaring maging sanhi ng pagmamadali ang hindi maayos na pagkakakilala sa isang tao at hindi rin tumagal ang relasyon. Para sa mga Mambabasa. Magkaroon ng mulat na kaisipan tungkol sa pagkakaroon ng pagbabago sa estilo ng panliligaw sa kasalukuyan ayon sa nabasang mga resulta sa pag-aaral na ito. Ang nasabing pag-aaral tungkol sa estilo ng panliligaw ay mayroong kaugnayan sa kulturang Pilipino. Para sa mga Magulang. Gabayan ang mga anak sa wastong pag-uugali sa panliligaw. Dumaan din ang karamihan ng mga magulang sa pagliligawan noong sila ay magkasintahan pa at alam ng mga magulang kung ano dapat ang mga gawin nila para sa magandang pag-uugali sa panliligaw. Turuan ang mga anak na respetuhin ang kanilang mga nililigawan at ang pamilya nito. Dapat din nilang ituro na ang tunay na panliligaw ay ang pagdalaw sa bahay ng babae upang mas makilala ng mga magulang ang manliligaw. Para sa mga Guro. Para sa mga pangalawang mga magulang ng kabataan sa eskwelahan, dapat nilang bigyan ng gabay ang kabataan sa ngayon kaugnay sa mga posibleng pagkakaroon ng pagbabago sa panahong ito ukol sa estilo ng kanilang 8 panliligaw. Maaaring maging aktibo ang mga Guidance Counselor sa kanilang mga eskwelahan para magkaroon ng bukas na komunikasyon sa pagitan ng mga guro at ng mga estudyante. Para sa mga Sikolohista. Maaaring mapag-aralan pa ang emosyonal, pangkaasalan at kognitibong aspekto sa pagliligawan ng isang babae at isang lalaki, upang malaman kung ano ang mga maaaring isipin, maramdaman o ikilos ng isang tao kapag sila ay dumaraan sa proseso ng pagliligawan na makatutulong para lubos na maunawaan kung bakit nagbabago ito sa bawat henerasyon. Para sa mga Susunod na Mananaliksik. Maaaring magsagawa ng iba pang pagaaral tungkol sa ugnayan ng modernong teknolohiya at pagliligawan sa kasalukuyang panahon o kaya naman ay magsagawa ng parehong pag-aaral na may mas malaking sukat ng populasyon upang makakuha ng mas magandang resulta at mas detalyadong talakayan tungkol sa pag-aaral na ito. Maaari ding pag-aralan ang mga dahilan kung bakit nga ba nagbabago o bumibilis ang proseso ng panliligaw.
Item Type: | Thesis (Undergraduate) |
---|---|
Additional Information: | PSY 1085 2013 |
Subjects: | B Philosophy. Psychology. Religion > BF Psychology G Geography. Anthropology. Recreation > GT Manners and customs H Social Sciences > HT Communities. Classes. Races |
Depositing User: | Users 4 not found. |
Date Deposited: | 30 Jan 2016 04:32 |
Last Modified: | 17 Mar 2022 05:41 |
URI: | https://thesis.dlsud.edu.ph/id/eprint/1393 |
Actions (login required)
View Item |