Tatay na, nanay pa: isang pag-aaral kaugnay sa mga karanasan ng mga piling single fathers sa Imus, Cavite.

del Rosario, Marjie Rita C. and Herrera, Ariane Mae C. and Marcelino, Sarah Judith D. (2012) Tatay na, nanay pa: isang pag-aaral kaugnay sa mga karanasan ng mga piling single fathers sa Imus, Cavite. Undergraduate thesis, De La Salle University-Dasmariñas.

[thumbnail of Abstract] Text (Abstract)
PSY 1054 2012.pdf

Download (104kB)
[thumbnail of Full text] Text (Full text)
delRosarioHerreraMarcelino ... - SingleFathers.pdf
Restricted to Registered users only

Download (8MB)

Abstract

ABSTRAK Pangalan ng Institusyon De La Salle University – Dasmariñas Lugar Bagong Bayan, Dasmariñas City, Cavite Pamagat Tatay na, Nanay pa: Isang pag-aaral kaugnay sa mga karanasan ng mga Piling Single Fathers sa Imus, Cavite Mga May-akda Marjie Rita C. del Rosario Ariane Mae C. Herrera Sarah Judith D. Marcelino Taga-pondo Mga magulang ng mga mananaliksik Halaga Php 7, 000.00 Petsa ng Magsimula Hunyo 2011 Petsa ng Pagtatapos Marso 2012 Saklaw at Limitasyon Ang pag-aaral na ito ay nakasentro sa karanasan ng sampung piling single father na nasa edad 34-63 taong gulang sa Imus, Cavite. Ang pagiging single father ay maaaring bunga ng pagkakabiyudo at pagkakahiwalay sa asawa sa legal na paraan o napagkasunduan. Kabilang sa pagaaral na ito ang mga single father na tumatayo at nagpapakita ng pangangalaga at suporta o di kaya’y umako ng responsibilidad bilang magulang sa isang bata/mga bata kadugo man ito o hindi. Hindi kabilang dito ang mga tatay na muling ikinasal o may bagong babaeng kinakasama. Hindi tinatalakay sa pag-aaral na ito ang mga naging epekto sa pagkatao ng mga anak ng single father. Bagkus, ito ay nakasentro lamang sa karanasan ng mga single father bilang isang magulang. Ang resulta ng pagaaral ay limitado lamang sa antas ng pagpapahayag ng mga kalahok sa pananaliksik na ito sa kanilang pagsagot sa mga instrumentong ginamit. Pamamaraan Ang pag-aaral na ito ay isang kwalitatibong pananaliksik na gumagamit ng makapilipinong pamamaraan. Ang layunin ng kwalitatibong pag-aaral na ito na bumuo ng isang malalim na pagkaunawa at paglalarawan sa partikular na karanasan ng tao sa lipunan at pisikal na kapaligiran, at kung paano nito hinuhubog ang kanilang kaisipan at kilos (Furlong, Lovelace, Lovelace, 2000). Ang mga mananaliksik ay gumamit ng makaPilipinong pamamaraan sa pagkuha ng datos sapagkat naniniwala ang mga mananaliksik na mas magiging mabisa at malaman para sa ating lipunan ang pag-aaral na ito kung gagamitan ng pamamaraang naaayon at angkop sa oryentasyon ng mga Pilipino. Ang makapilipinong pananaliksik ay naglalayong makapangalap ng kaalamang ukol sa diwang Pilipino sa pamamagitan ng paggamit ng mga metodong naaayon sa pag-iisip, damdamin, at kilos ng Pilipino (Antonio at Rubin, 2003). Konklusyon Batay sa nakalap na impormasyon mula sa mga piling single fathers mula sa Imus, Cavite, ang konklusyon ng pag-aaral na ito ay ang mga sumusunod: 1. Isang hamon ang pagiging ama sa loob ng single-parent family sapagkat pareho niyang kailangan tugunan ang pansariling pangangailangan at ang emosyunal na pangangailangan ng kaniyang mga anak. 2. Mahirap ang pagiging single father lalo na pagdating sa usaping pinansyal. 3. Bagamat ang mga single parents ay walang katuwang sa pagpapalaki ng anak, bahagyang napupunan ang kakulangang ito ng ibang miyembro ng pamilya o ibang kamag-anak. 4.Kapakanan pa rin ng anak ang isinasaalang-alang ng mga single fathers sa kabila ng kanilang pag-iisa. Rekomendasyon Matapos isagawa ang pag-aaral na ito, ang mga rekomendasyon ng pag-aaral na ito ay ang mga sumusunod: Sa mga single fathers. Base sa mga nakalap na datos, iminumungkahi ng pag-aaral na ito sa mga single fathers na madalas na walang panahon sa mga anak na pag-ibayuhin pa ang pagbibigay ng oras para sa mga anak upang matugunan ang mga emosyunalna pangangailangan ng anak nang sa gayon maiwasan ang hindi magandang relasyon sa pagitan ng ama at anak. Makakatulong din ito upang mabawasan ang pagrerebelde ng mga kabataan sa ating lipunan. Marapat din na gabayan maigi ang mga anak upang maiwasan ang isa pang kasawian sa pamilya. Sa mga anak ng single fathers. Bagamat hindi nakuha ang panig ng mga anak ng single fathers sa pagaaral na ito, iminumungkahi ng pananaliksik na ito na tingnan sa positibong pananaw ang kanilang sitwasyon bilang pamilyang mag-isang itinataguyod ng ama at magbigay ng malawak na pag-unawa para sa kanilang ama upang hindi na makadagdag sa suliranin ng magulang. Sa mga mananaliksik. Sa pagsasagawa ng kaparehong pagaaral, mainam na pumili ng mga kalahok na taos pusong magbibigay kooperasyon at hindi sapilitan. Mas mabuti din kung pumili ng mas nakababatang mga kalahok sapat upang ganap na madiskubre ang layon ng pananaliksik. Iminumungkahi din na maghanap pa ng mas maraming kalahok na magmumula sa iba’t ibang lugar nang sa gayon lumawak pa ang kaalaman ukol sa mga single fathers at sa pamilyang single fathers. Sa mga guro ng sikolohiyang Pilipino. Gamitin ang natuklasang impormasyon sa pag-aaral na ito ukol sa iba’t ibang karanasan ng single fathers upang palawakin pa ang sikolohiyang Pilipino at sikolohiyang panlipunan. Sa Pamahalaan. Bumuo ng mga organisasyono samahan ng mga single fathers sa Pilipinas. Makakatulong ang pagbibigay ng suporta sa aspetong pisikal, ispiritwal at pinansyal na makatulong para mapagtagumpayan ng mga single fathers ang kanilang kinakaharap ng sitwasyon.

Item Type: Thesis (Undergraduate)
Additional Information: PSY 1054 2012
Subjects: B Philosophy. Psychology. Religion > BF Psychology
H Social Sciences > HQ The family. Marriage. Woman
H Social Sciences > HT Communities. Classes. Races
Depositing User: Users 4 not found.
Date Deposited: 28 Jan 2016 08:26
Last Modified: 05 Nov 2024 06:52
URI: https://thesis.dlsud.edu.ph/id/eprint/1360

Actions (login required)

View Item View Item