Anak for sale: karanasan ng mga ina na nagbenta ng anak at ang implikasyon nito sa kanilang pang-kaisipan, pang-kalooban at pagkilos.

Medina, Isel Len May M. and Pacumio, Mc Alan P. and Sta. Ana, Julie Fe J. (2012) Anak for sale: karanasan ng mga ina na nagbenta ng anak at ang implikasyon nito sa kanilang pang-kaisipan, pang-kalooban at pagkilos. Undergraduate thesis, De La Salle University-Dasmarinas.

[thumbnail of Theses] Text (Theses)
MedinaPacumioStaAna ... - AnakForSale.pdf
Restricted to Registered users only

Download (2MB)
[thumbnail of PSY 1049 2012.pdf] Text
PSY 1049 2012.pdf

Download (177kB)

Abstract

ABSTRAK Pangalan ng Institusyon: De La Salle University - Dasmarinas Titulo: Anak For Sale : Karanasan ng mga Ina na nagbenta ng kanilang anak at ang implikasyon nito sa aspetong pang-kaisipan, pangkalooban at pagkilos. Mga mananaliksik: Isel Len May M. Medina Mc Allan Pacumio Julie Fe J. Sta. Ana Pinagmulan ng Pondo: Mga Magulang Badyet: 3000 Piso Sinimulan: Hunyo 2011 Natapos: Marso 2012 Layunin ng pag-aaral: Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa mga Ina na nagbenta ng kanilang anak. Aalamin ng mga mananaliksik ang demograpikong profayl ng mga kalahok na posibleng may kaugnayan sa pagbenta ng kanilang anak. Tutukuyin din sa pag-aaral na ito ang proseso ng pagbebenta ng Ina sa kanilang mga anak na maaaring nag-ugat mula sa karanasan nila sa kanilang sarili, relasyon sa pamilya, pakikitungo sa kapwa at sa komunidad na kanilang kinabibilangan bago nila ibenta ang kanilang mga anak. Ang mga karanasan ng mga Ina ay x maaaring may implikasyon sa aspetong pang-kaisipan, pang-kalooban, at sa pagkilos ng mga ina pagkatapos magbenta ng anak. Metodolohiya Ang pananaliksik na ito ay deskriptibong kwalitatibong disenyo na gagamit ng makasikolohiyang-Pilipinong pamamaraan ng pananaliksik. Ang pamamaraan na kwalitatibo ay gagamitin upang makakalap ng datos na makakasagot sa suliranin ng pag-aaral. Ang kwalitatibong pamamaraan ay bahagi ng deskriptibong pamamaraan ng pananaliksik na isang metodong pang-agham na kung saan ang mga mananaliksik ay oobserbahan at ilalarawan ang pag-uugali ng isang paksa na walang anumang pagmamanipula na isasagawa sa mga variables (Shuttleworth, 2008). Ang pag-aaral na ito ay gagamit din ng makasikolohiyang-Pilipinong pamamaraan ng pananaliksik sa pamamagitan ng mga unang iskala gamit ang mga sumusunod: pagmamasid, pagtatanong-tanong, pagdalaw-dalaw, at ikalawang iskala gamit ang pagsubok at pakikipagpalagayang-loob sa pamamagitan ng metodong pakikipagkwentuhan. xi Konklusyon Ang mga sumusunod na konklusyon ang nabuo base sa mga resulta na ginawan ng buod ng mgamananaliksik base sa nakalap na datos. Ayon sa mga resulta na nakalap, ang mga mananaliksik ay dumating sa konklusyon na: 1. Katulad ng ibang mga pag-aaral sa mga naging problema ng mga Pilipino, kahirapan din ang rason ng mga ina upang maibenta o maipaampon ang kanilang mga anak na may kapalit na pera. 2. Patuloy pa ring nananampalataya at naniniwala ang mga kalahok sa Panginoon kahit sila’y nakakaranas ng kahirapan sa buhay. 3. Isa sa mga kadahilanan ng pagpapa-ampon na may kapalit na pera ay ang maaga at hindi inaasahang pagbubuntis ng mga kababaihan sa murang edad. 4. Ang pagkakaroon ng madaming anak ay isa sa mga dahilan upang maibenta ng isang ina ang kanyang anak na may kapalit na pera. 5. Hindi nakabase sa kung pang-ilan ang anak na ipapaampon o ibebenta, nagkataon lamang na gipit sila sa panahon na iyon. Ngunit nakita na kadalasan, bunso ang naipapaampon ng may kapalit na pera sa kadahilanang hindi na inaasahan ng mga ina na masusundan pa ito. 6. Karaniwan sa mga kakilala lamang ipinaampon ng mga ina ang kanilang anak na may kapalit na pera. xii 7. Sa panig ng mga kalahok na ina, hindi nila kinokonsidera na pagbebenta ang ginawa nilang pagpapa-ampon na may kapalit na pera kundi isang tulong lamang. Ngunit sa kabilang banda, ito ay itinuturing na pagbebenta ng anak. 8. Walang naging gabay sa naging desisyon na ibenta o ipaampon ang anak na may kapalit na pera ang mga kalahok. 9. Tunay na nakakapagdulot ng negatibo at positibong implikasyon ang pagpapaampon na may kapalit na pera sa buhay at pagkatao ng ina. 10. Ang pagbebenta o pagpapaampon sa mga anak ng may kapalit na pera ay ginawa ng mga ina upang magkaroon ng magandang kinabukasan at para sa kapakanan ng kanilang anak. 11. Mas matimbang ang naging implikasyon sa pangkaisipan ng mga kalahok dulot ng mga naging karanasan ng mga ito matapos nilang maibenta o maipaampon ang kanilang anak na may kapalit na pera kaysa sa pangkalooban at pagkilos na aspeto. 12. Mas madaming positibo kaysa sa negatibong implikasyon sa mga naging karanasan ng mga kalahok batay sa aspetong pangkaisipan, pangkalooban at pagkilos.

Item Type: Thesis (Undergraduate)
Additional Information: PSY 1049 2012
Subjects: B Philosophy. Psychology. Religion > BF Psychology
H Social Sciences > HN Social history and conditions. Social problems. Social reform
H Social Sciences > HQ The family. Marriage. Woman
H Social Sciences > HT Communities. Classes. Races
Depositing User: Users 4 not found.
Date Deposited: 28 Jan 2016 07:23
Last Modified: 07 Jun 2021 03:29
URI: https://thesis.dlsud.edu.ph/id/eprint/1355

Actions (login required)

View Item View Item