Antonio, Joanna Rose B. and Buhain, Tracy Anne B. and Miriam, Martin R. (2012) Lansangan ang aming mumunting paraiso:isang pag-aaral sa mgabatang lansangan. Undergraduate thesis, De La Salle University-Dasmariñas.
Text (Abstract)
PSY 1043 2012.pdf Download (101kB) |
|
Text (Full text)
AntonioBuhainMiriam ... - BatangLansangan.pdf Restricted to Registered users only Download (6MB) |
Abstract
Abstrak Pangalan ng Institusyon: Pamantasang De La Salle – Dasmariñas Titulo: Lansangan ang Aming Mumunting Paraiso: Isang Pag-aaral sa mga Batang Lansangan Mga Mananaliksik: Joanna Rose B. Antonio, Tracy Anne B. Buhain, at Miriam R. Martin Pinagmulan ng Pondo: Mga Magulang Badyet: 10, 000 Sinimulan: Hunyo 2011 Natapos: Marso 2012 Layunin ng Pag-aaral: Layunin ng pag-aaral na ito ay ang makapagdulot ng isang mahalagang kontribusyon sa pangkalahatang kaalaman tungkol sa batang lansangan. Gayundin, sagutin ang mga sumusunod na katanungan: 1. Sinu- sino ang mga batang lansangan? 2. Ano ang mga dahilan ng pananatili sa lansangan? 3. Anu-ano ang suliranin na nararansan ng isang batang lansangan? 4. Paano nila nalalagpasan ang mga kinakaharap nilang problema? Saklaw at Delimitasyon Ang pag-aaral na ito ay ginawa sa iba’t ibang lugar sa Dasmariñas, City. Ilan dito ay ang Baranggay Sta. Fe, Pala-pala at sa paligid ng Walter Mart. Ang mga batang lansangan na madalas nakikita sa matataong lugar ang piniling kalahok ng mga mananaliksik. Ang mga kalahok ay may edad lamang na walo hanggang labing apat na taong gulang. Ibinatay ng mga mananaliksik ang ilang mga datos sa pagsusuri sa mga sagot na ibinigay ng mga kalahok. Hindi kabilang dito ang datos ng kanilang tunay na pangalan o pag kakakilanlan. Makikita sa paligid ng Dasmarinas City ang mga batang lansangan, na may mga bitbit na sako na naglalaman ng plastic na bote, bakal at iba pa. Ang mga batang ito ay Madudungis, may mga sugat at maliliit ang pangangatawan. Madalas silang nanghihingi ng pera at pagkain sa ibang tao. Metodolohiya Isinagawa ang pag-aaral na ito ayon sa disenyo ng pamaraang kwalitatibo-deskriptong pananaliksik. Ang kwalitatibong pananaliksik ay paraan upang mailarawan at masuri ang damdamin at kalagayan ng mga batang lansangan sa Dasmariñas City, Cavite. Ito din ay isang pag-aaral na nakabatay sa mga salita sa halip na mga numero. Ito ay nakapokus sa pag-aaral ng inihahayag na damdamin at kaisipan ng isang kalahok. Samantalang ang deskriptong disenyo ng pananaliksik ay ginagamit din upang maging malalim ang pakikipanayam sa mga kalahok. Ang mga kalahok na ito ay may mga edad na walo hanggang labing apat na taong gulang. Pumili lamang ng sampu hanggang labing limang bata ang mga mananaliksik sa iba’t ibang lugar ng Dasmarinas City upang sa kanila isagawa ang pag-aaral. KONKLUSYON Ang patuloy na paglawak ng kahirapan sa bansa ay isa lamang mapait na katotohanan habang lumalakad ang panahon ay padami ng padami ang mga batang nananatili sa lansangan. Ang mga batang nananatili sa lansangan ay ang mga batang walo hanggang labing apat na taong gulang. Karamihan sa kanila ay mga lalaki. Sila ang mga batang nakakaranas ng kahirapan, problema sa pamilya, at pang-aabuso. Ang mga batang lansangan sa Dasmariñas City ay ang mga batang naghahanap buhay lamang sa lansangan upang makatulong sa kani-kanilang pamilya. Hindi rin sila gumagawa ng masasamang gawain tulad ng pagnanakaw na kung saan ay normal na lang sa mga batang lansangan ng ibang syudad. Kung ihahambing sa mga naunang pag-aaral ang pag-aaral na ito ay naiiba dahil minabuti ng mga mananaliksik na sadyain ang mga batang lansangan upang makapanayam sa mismong lugar kung saan sila naghahanap-buhay at na nanalagi. Hindi katulad ng ibang mga naunang pagaaral na kung saan ay nakapokus lamang sa isang institusyon na nangangalaga sa mga batang lansangan. REKOMENDASYON Iminumungkahi ng mga mananaliksik ang mga sumusunod: 1. Huwag husgahan ang mga makikitang bata sa lansangan. Nararapat na mabuksan ang isipan ng mga tao na ang bawat batang ito ay nalagay sa ganoong sitwasyon ng hindi lubusang ginusto. 2. Ang pamahalaan ay nararapat na higit pasulungin ang mga proyekto tulad ng tuloy tuloy na pagbibigay ng libreng pagkain, libreng pagtuturo, at libreng pagkunsulta tungkol sa kalusugan ng mga batang lansangan at makapagbigay ng libreng pagtuturo tungkol sa salita ng Diyos. 3. Imulat ang mga tao tungkol sa mga batang lansangan na dapat silang tulungan, huwag pandirihan o matahin, pansinin, unawain, at pakinggan. Sila ay mga repleksiyon ng tunay na kalagayan ng bansa, ang realidad na ang bansang Pilipinas ay naghihirap. 4. Ipadama na sila ay bahagi pa rin ng lipunan. Sila ay dapat din pagukulan ng respeto bilang mga taong may dignidad at marangal na namumuhay sa lansangan. 5. Pag-aralan ng puspusan ang impluwensya ng magulang o pamilya sa isang batang lansangan. Dahil ang magulang ay may malaking parte sa paghubog ng katauhan ng isang bata.
Item Type: | Thesis (Undergraduate) |
---|---|
Additional Information: | PSY 1043 2012 |
Subjects: | B Philosophy. Psychology. Religion > BF Psychology H Social Sciences > HN Social history and conditions. Social problems. Social reform H Social Sciences > HT Communities. Classes. Races H Social Sciences > HV Social pathology. Social and public welfare |
Depositing User: | Users 4 not found. |
Date Deposited: | 28 Jan 2016 07:06 |
Last Modified: | 30 Oct 2024 04:32 |
URI: | https://thesis.dlsud.edu.ph/id/eprint/1350 |
Actions (login required)
View Item |