Kalakalang bato:Pananaw at damdamin ng mga piling "Organ seller' mula sa Baseco Compund Tondo,Maynila.

Carumay, Diane Grace A. and Mendoza, Aubrey S. and Rosales, Marissa S. (2011) Kalakalang bato:Pananaw at damdamin ng mga piling "Organ seller' mula sa Baseco Compund Tondo,Maynila. Undergraduate thesis, De La Salle University-Dasmarinas.

[thumbnail of Theses] Text (Theses)
CarumayMendozaRosales ... - OrganSeller.pdf - Submitted Version
Restricted to Registered users only

Download (251MB)
[thumbnail of PSY 1002 2011.pdf] Text
PSY 1002 2011.pdf

Download (12MB)

Abstract

ABSTRACT: Layunin ng pag-aaral na ito na masusing pag-aralan ang mga pananaw at damdamin ng mga taong kinalakal na ang kanilang bato. Hangarin ditn ng pag-aaral na ito ay mabuksan ang isipan ng mga mambabasa na ang kalakalang bato at merkado ng mga organo ay talamak ng lumalaganap. Nais maiparating ng mga mananaliksik na ang usaping ito ay hindi lamang pasanin ng isang indibidwal o ng mga mamamayam mula sa Baseco Compound Tondo Maynila kundi ng buong sangkatauhan. Ito ay isang isyu na maari pang tugunan, nais ng mga mananaliksik na ang pag-aaral na ito ay magsilbing unang hakbang sa pagtugon o pagresolba sa sakit ng lipunan na tinawag ding merkado ng mga organo. SAKLAW AT LIMITASYON: Ang pag-aaral na ito ay kwalitatibong pag-aaral na tumatalakay sa pananaw at damdamin ng mga Pilipinong nagbenta ng organ na bato kapalit ng ipinangakong halag. Sa loob ng ilang araw ay nangalap ng kaukulang datos ang mananaliksik sa pamayan ng Baranggay 649 Bagong Lupa Tondo, Maynila (Baseco Compound). Ang pag-aaral na ito ay mayroon lamang tatlong kalahok mula sa Baseco Compound na kakatawan sa mga nagbenta. Upang matukoy ang pananaw at damdamin ng mga kalahok. Sinasaklaw ng pag-aaral na ito ang isyu ng kalakalang bato at ang pananaw at damdamin ng mga Pilipinong nagbenta. Nakatuon lamang sa pananaw at damdamin ng mga kalahok. METODOLOHIYA: Ang mga mananaliksik ay gumamit ng kwalitatibong pamamaraan ng pagsusuri at pagsasalarawan ng mga natipong datos mula sa mga kalahok. Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng deskriptibong pamamaraan ng pananaliksik. Kung saan ang mga mananaliksik ay iooberbahan ang pag-uugali at ang mga relasyon ng makapagsasalarawan, na hindi minamanipla ang mga variables ng pag-aaral. Ang lohika sa kikod ng deskriptibong pag-aaral ay ang mga sumusunod: kung ang teorya ay tama, upang matukoy ng mananaliksik ang inaasahang katangian sa pag-uugali, kalahok, o sitwasyon. PANGUNAHING RESULTA: 1. Mula sa masusing pagkalap ng mga datos sa mga kalahok, matagupay na natamo at natiyak ng mga mananaliksik ang demograpikong kaatangian ng bawat kalahok sa pag-aaral na ito. Napagalaman na malaki ang naging epekto ng kasarian, estadong ekonomiko, at edukasyon natamo sa pagdedesisyon ng bawat kalahok bago nila ikalakal ang sarili nilang bato. 2. Mayroong dalawang uri ng tansaksyon sa pangangalakal ng bat. Ito ang paggamit ng ahente o kusang pagpunta sa naturang ospital. Paggamit ng ahente dito ang donor ay kusang nagpapatulong sa ahente upang mapadali ang pagbebenta ng naturang bato. Ang ahente mismo ang bahala sa pag-eksamin ng katawan ng magbebenta. Kusang pagpunta sa ospital at doon sumasangguni upang maklahok sa seminar para sa mga magbebenta ng bato.

Item Type: Thesis (Undergraduate)
Additional Information: PSY 1002 2011
Keywords: Subjects: Sale of organs, tissues, etc.; Organ selling.
Subjects: B Philosophy. Psychology. Religion > BF Psychology
Depositing User: Users 4 not found.
Date Deposited: 12 Aug 2015 01:13
Last Modified: 08 Jun 2021 01:32
URI: https://thesis.dlsud.edu.ph/id/eprint/1309

Actions (login required)

View Item View Item