Pakikipagpalagayang-loob at pakikipagkwentuhan : karanasan ng piling tao na nag-aalaga ng isang matandang nag-uulyanin.

Ariola, Angelica and Telan, Jheremiah (2008) Pakikipagpalagayang-loob at pakikipagkwentuhan : karanasan ng piling tao na nag-aalaga ng isang matandang nag-uulyanin. Undergraduate thesis, De La Salle University-Dasmarinas.

[thumbnail of Theses] Text (Theses)
Pakikipagpalagayang-Loob ... - AriolaTelan.pdf
Restricted to Registered users only

Download (1MB)
[thumbnail of PSY 978 2008.pdf] Text
PSY 978 2008.pdf

Download (463kB)

Abstract

ABSTRAK Pangalan ng Institution: De La Salle University – Dasmariňas Address: Dasmariňas, Cavite Titulo: PAKIKIPAGPALAGAYANG-LOOB AT PAKIKIPAGKWENTUHAN: KARANASAN NG MGA PILING TAO NA NAG-AALAGA NG ISANG MATANDANG NAG-UULYANIN May –akda: Angelica Ariola Jheremiah Telan Pinagkuhanan ng Pondo: Mga magulang Petsang Sinimulan: July 2008 Petsang Natapos: February 2009 Mga layunin ng Pag-aaral Pangkalahatang layunin Ninais ng mga mananaliksik na malaman ang karanasan ng mga taong nag-aalaga ng mga kaanak na nag-uulyanin at kung paano nakakaapekto sa kanilang pagkatao. Partikular na layunin 1. Matukoy ang demograpikong katangian ng mga sumusunod: a. Taon ng pag-aalaga b. Edad c. Estado sa buhay d. Relasyon sa matandang nag-uulyanin e. Trabaho 2. Mabatid ang karanasan ng mga piling tao na nag-aalaga ng matandang nag-uulyanin. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral v Ang pananaliksik ay nakatuon lamang sa pag-aaral sa pamilya ng matandang nag-uulyanin na may edad na 60 pataas at sa mga posibleng paraan ng pakikipagpalagayang-loob ng mga pamilya sa ganitong kondisyon. Kalakip ng pananaliksik na ito ang pakikisama at pakikipagkwentuhan sa kapamilya na nag-aalaga sa mismong matanda upang makakalap ng mga datos. Hindi saklaw ng pananaliksik ang pagaaral ng pag-uulyanin at ang mga epekto nito sa may matanda at sa mga katuwang na nag-aalaga sa mga ito. Metodolohiya Ang mga mananaliksik ay gumamit ng maka-Pilipinong pamamaraan na mas malapit sa karanasang Pilipino. Sa unang iskala ng mananaliksik ginamit ang paraang Pakikipagkwentuhan kung saan nagsilbi itong paraaan ng pagkuha ng datos at daan upang mapalagay ang loob ng mga kalahok sa mga mananaliksik. Ang Pakikipagpalagayang-loob na mula sa iskala ng patutunguhan ng mananaliksik at kalahok ay ang paraan na napili upang matukoy ang tunay na saloobin ng mga kalahok na siyang pokus ng pag-aaral. Para sa iskala ng patutunguhan ng mananaliksik at kalahok, ginamit ng mga mananaliksik ang patunguhang pakikipagpalagayang-loob na ayon kay Rogelia Pe-Pua ay ang mga kilos, saloobin at salita ng isang tao na vi nagpahiwatig na panatag ang kanyang kalooban sa kanyang kapwa. Napagdesisyonan ng mga mananaliksik na hindi gumamit ng kahit anong uri ng gadgets tulad ng tape recorder o videocamera at ang masinsinag pagsulat ng gma sagot ng mga kalahok sa pangangalap ngdatos dahil naniniwala ang mga mananaliksik na hadlang ang mga ito sa sagot na ibibigay ng mga kalahok na makakaapekto sa resulta ng pag-aaral. Konklusyon 1. Ang resultang lumabas sa pag-aaral na ito ay kadalasang mga babae ang naatasan na mag-alaga sa mga kaanak na naguulyanin at may mga edad na di bababa sa 30. Ang ibang tagapag-alaga naman ay kalimitang mga kapatid o di naman kaya ay mga pamangkin kung saan binibigyan sila ng pera bilang kapalit sa pag-aalaga nila. 2. Lumabas sa mga pagsusuri ng mga mananaliksik na ang Relasyon sa Matandang nag-uulyanin ay ang may pinakamataas na korelasyon kung bakit inaalagaan ng kalahok ang matandang nag-uulyanin. Kung kaya binibigyan ito ng kahulugan ng mga mananaliksik bilang tugon sa pagtanaw ng vii utang na loob o pagganti pag-aalaga na ginawa ng mga magulang sa mga ito. 3. Pumapangalawa ang bilang ng taon sa pag-aalaga sa pagkakaroon ng malalim na pag-aaruga sa matandang ulyanin kung saan nagkakaroon ng pagkakataon na Makita ang kahalagahan ng mga matatandang nag-uulyanin sa buhay ng mga ito. Dito nakita ng mga mananaliksik na ang tagal ng pinagsamahan ng kalahok at ng inaalagaan ay nakakapagdulot ng mas malalim na pagkakakinlan at pananawa sa pag-aalga, hindi bilang pabigat at responsibilidad kundi bukal sa loob at kagustuhan na alagaan at mahalin ang matandang nag-uulyanin. 4. Ang edukasyon ay ang pumapangatlong kadahilanan na nakakaapekto sa pag-aalaga ng matandang nag-uulyanin. Nakita ng mga mananaliksik na ang mga kalahok na may mas mataas na antas ng pinag-aralan ay nag may kakayahang makapaghanap ng matinong trabaho kung ikukumpara sa mga tagapangalaga na hinid nagkaroon ng pagkakataong makapagtapos ng kolehiyo na pang apat na nakakaapekto sa pag-aalaga. viii Rekomendasyon Ang mga rekomendasyon ay batay sa resulta ng pag-aaral na isinagawa at nakalap. Karamihan sa mga rekomendasyong ito ay nanggaling mismo sa mga nangangalaga para sa mga nag-aalaga rin. Ang mga sumusunod na rekomendasyon ay hindi nangangahulugan ng kahinaan ng pag-aaral kundi batay sa limitasyon na inilahad sa kaligiran ng pag-aaral: Para sa mga pamilya. Inirerekumenda ito sa mga anak na nagaalaga o sa mga anak na nagtratrabaho at hindi nag-aalaga ng mga kaanak na nag-uulyanin upang mag-karoon ng ideya o kaalaman sa kung ano ang mga mahahalagang karanasan ng mga taong nag-aalaga ng mga kaanak na nag-uulyanin, makapag-handa na rin sa kahaharaping pag-aalaga sa mga kaanak na nag-uulyanin at upang malaman na rin ang mga kadahilanan kung bakit inaalagaan o dapat alagaan ang mga kapamilyang matandang nag-uulyanin. Para sa mga nag-aalaga ng matandang nag-uulyanin. Igalang at pahalagahan ang mga matatandang nag-uulyanin sapagkat hindi natin alam kung kailan sila mawawala. Huwag din iparamdam na pabigat sila dahil nakakaragdag ito pakiramdam nila na pagiging pabigat at kawalan ng silbi. Habaan ang pasensya at mahalin sila bilang pagpapakita ng ix respeto at pagtanaw ng utang na loob. Pumunta at makinig sa mga seminar tungkol sa pag-aalaga ng matandang nag-uulyanin. Humingi ng gabay mula sa mga nakakaalam sa ganitong suliranin. Mga susunod na mananaliksik at mag-aaral. Mas maagang maghanap ng kalahok ng maisagawa ng mas mahabang panahon ang pananaliksik upang mas mapagtibay ang resulta na makukuha sa pananaliksik. Magpokus sa isang katangian ng mga nangangalaga at pagaralan ang lohika nito batay sa kultura at silohikang Pilipino. Bigyan ng mas malalim na pagtalakay ang pag-aaral sa pag-aalaga ng matandang nag-uulyanin. Departamento ng Sikolohiya at Sikolohiyang Pilipino. Magsagawa ng mas malalim na pag-aaral kaugnay ng mga mtatandang nag-uulyanin para sa ikakatuklas ng mga bagong konsepto ng Sikolohiyag Pilipino para sa ikakaambag sa bagong sibol na sikolohiya, ang Sikolohiyang Pilipino. Magbigay ng seminar tungkol sa pag-aalaga at pag-intindi sa matandang nag-uulyanin bilang tulong sa mga pamilyang nakakaranas ng suliranin sa pag-aalaga. Sa mga lokal na pamahalaan. Bigyang-pansin ang mga mamamayang nakakaranas ng paguulyanin at nagaalaga sa mga ito. Bigyan ng pinansyal na suporta ang mga mag-anak na nasa ganitong x sitwasyon. Hinihikayat din na magkaroon ng programa na mag-aasikaso at magbibigay tulong sa ganitong penomena sa komunidad.

Item Type: Thesis (Undergraduate)
Additional Information: PSY 978 2008
Subjects: B Philosophy. Psychology. Religion > BF Psychology
H Social Sciences > HQ The family. Marriage. Woman
H Social Sciences > HT Communities. Classes. Races
Depositing User: Users 4 not found.
Date Deposited: 28 Jan 2016 01:24
Last Modified: 08 Jun 2021 02:48
URI: https://thesis.dlsud.edu.ph/id/eprint/1287

Actions (login required)

View Item View Item