Mga karanasan ng pagbangon ng mga Ayta mula sa pagsabog ng Bulkang Pinatubo.

Ameng, Larni Abigail S. and Pablo, Fatima Patricia L. (2009) Mga karanasan ng pagbangon ng mga Ayta mula sa pagsabog ng Bulkang Pinatubo. Undergraduate thesis, De La Salle University-Dasmariñas.

[thumbnail of Abstract] Text (Abstract)
PSY 958 2009.pdf

Download (63kB)
[thumbnail of Full text] Text (Full text)
Ayta - AmengPabloVedar.pdf
Restricted to Registered users only

Download (4MB)

Abstract

ABSTRAK Pangalan ng Institusyon: Pamantasang De La Salle- Dasmariñas Adres: Dasmariñas, Cavite Pamagat: Mga Karanasan ng Pagbangon ng mga Ayta Mula sa Pagsabog ng Bulkang Pinatubo Mga Mananaliksik: Larni Abigail S. Ameng, Fatima Patricia L. Pablo, Valerie B. Vedar Sinimulan: July 2008 Natapos: Abril 2009 Halaga: P30,000 PAGLALAHAD NG SULIRANIN: Tuklasin at malaman ang mga karanasan ng mga katutubong Ayta matapos ang pagsabog ng Bulkang Pinatubo at bigyan ng deskripsyon ang paglalarawan ng istraktura ng mga karanasan ng muling pagbangon. SAKLAW AT LIMITASYON: Ang fokus ng pag-aaral na ito ay ang pagbangon ng mga Ayta matapos ang kanilang naranasan matapos ang pagputok ng bulkang Pinatubo. Tatalakayin ng mga mananaliksik kung anu-ano ang mga sanhi at epekto ng trahedya. Pati na rin ang pagbangon at pagtanggap nila sa mga pangyayari. Hindi rin pagtutuuan ng pansin sa pag- aaral na ito ang mga ilang pang maseselang pangpersonal na impormasyon ukol sa kanilang pagkatao. Metodoloji: Ang mga mananaliksik ay gumamit ng katutubong metodo ng pananaliksik tulad ng pakikipagkwentuhan. Ginamit din ang metodo sa Iskala ng Patutunguhan ng Mananaliksik at Kalahok tulad ng pakikipagpalagayang loob at pagmamasid. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng kolektibong pamamaraan ng katutubong pananaliksik. Purposive sampling ang ginamit ng mga mananaliksik. Ang naging kalahok ay sampu (10) na may edad 30 hanggang 40 taong gulang na kung babalikan ang nasabing trahedya, sila ay edad 15 hanggang 25 taong gulang at masasabing sila ay nasa tamang pag-iisip upang makapanayam at makapagbigay nang sapat na impormasyon sa mga mananaliksik. Konklusyon ng Pag-aaral: Base sa pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik, ang sumusunod na mga konklusyon ay napag-alaman: Ang mga pahayag sa pag-aaral ay napatunayang totoo base sa pahayag ng mga katutubong Ayta tungkol sa kanilang mga karanasan matapos ang pagsabog ng Bulkang Pinatubo. (a) Lumabas na ang pinakamalaking tulong na naibigay ay si Sen. Dick Gordon at ang kanyang maybahay. Ginawang lahat ni Sen. Dick Gordon ang kanyang makakaya upang kahit papaano ay maibsan ang kalungkutan at ang kawalan ng pagasa ng mga Ayta sa pamamagitan ng pagbibigay ng lupa upang magamit nilang tirahan at mataniman. Tumatanaw ang komunidad ng Ayta nang malaking utang na loob sa pamilya ni Sen. Dick Gordon sapagkat ginawan niya ng paraan upang mapadali ang pagsasaayos at pagkakaroong muli nila ng panibagong buhay sa panibagong lugar. (b) Ang pagkakaroon din ng matibay na pananampalataya ng mga Ayta sa kanilang Diyos ang mas lalong nagpadali para sa kanila na matanggap ang kalumo lumong pangyayari sa kanilang komunidad. Dahil sa kanilang matibay na pananampalataya nagiging positibo ang pagtingin nila sa trahedya. Para sa kanila ang nangyaring iyon ay hudyat para sa mga tao na maging maingat na sa kalikasan at pahalagahan ang mga ito, sapagkat sila ay naniniwalang ito ay nangyari upang parusahan ang mga taong hindi nagpapahalaga sa kalikasan. Ang pagdadasal ang isa pang naging lagusan ng mga Ayta upang kahit papaano ay mabawasan ang kalungkutan nila at mapabilis ang pagtanggap nila sa trahedyang sinapit nila. (c) Ang isa pa sa nag-udyok sa mga Ayta na muling bumangon ay ang kanilang sari-sariling mga pamilya. Ito ang patuloy na nagbibigay magpahanggang ngayon ng lakas ng loob hanggang sa kasalukuyan upang sila ay normal na mamuhay. Masasabi ring naging bukas ang mga Ayta para sa mga tulong mula sa gobyerno at sambayanan. Hindi sila nag-alinlangang tanggapin ang suporta ng iba sapagkat para sa kanila hindi sila naiiba kahit pagbasihan pa ang kanilang kaanyuan. Mga Rekomendasyon 1. Para sa mga katutubong Ayta iminumungkahi ng mga mananaliksik na panatiliin ang magandang relasyon sa mga kinauukulan o gobyerno upang sa ganoon ay maiparating nila ang mga daing at nasis nilang suporta mula rito. 2. Para sa Gobyerno at Non Government Organization iminumungkahi ng mga mananaliksik na ipagpatuloy pa ang pagtulong sa mga kababayang nangangailangan ng matinding suporta at magsagawa pa ng mga programang makatutulong sa mga taong biktima ng mga hindi inaasahang trahedya. 3. Sa mga sikolohistang ninanais pag-aralan ang ganitong klaseng pananaliksik, iminumungkahi ng mga mananaliksik na pag-aralan din ang mga naging biktima ng Lahar na hindi mga katutubong Ayta upang malaman din ang mga naging paraan ng kanilang pagbangon mula sa nasabing trahedya

Item Type: Thesis (Undergraduate)
Additional Information: PSY 958 2009
Subjects: B Philosophy. Psychology. Religion > BF Psychology
G Geography. Anthropology. Recreation > GF Human ecology. Anthropogeography
H Social Sciences > HT Communities. Classes. Races
Depositing User: Users 4 not found.
Date Deposited: 26 Jan 2016 05:15
Last Modified: 10 Oct 2024 00:47
URI: https://thesis.dlsud.edu.ph/id/eprint/1206

Actions (login required)

View Item View Item