Aure, Mary Ann G. and Descallar, Hannah L. and Matel, Mary Ann C. (2008) Ang karanasang sekswal ng mga "babaeng-basa" sa Naic, Cavite. Undergraduate thesis, De La Salle University-Dasmariñas.
Text (Abstract)
Babaeng-basa ... - PacresDescallarMatelAure_Abstract.pdf Download (167kB) |
|
Text (Full text)
Babaeng-basa ... - PacresDescallarMatelAure.pdf Restricted to Registered users only Download (3MB) |
Abstract
Abstrak Pangalan ng Institusyon: Pamantasang De La Salle- Dasmariñas Titulo: Karanasang Sekswal ng mga “Babaeng- basa” sa Naic, Cavite Mga mananaliksik: May Ann G. Aure, Hannah L. Descallar, Mary Ann C. Matel at Carina Lorena C. Pacres Pinagmulan ng pondo: Magulang Badyet: Php 20,000 Sinimulan: Hunyo, 2008 Natapos: Marso, 2009 Layunin ng pag-aaral Nilalayon ng pananaliksik na ito na maisaayos at matapos ang pag-aaral na ito upang makapagbahagi ng mga impormasyon na maaaring makatulong sa mga susunod pang mananaliksik. Ito rin ay magsisilbing linaw sa isyu ng prostitusyon sa Naic, Cavite. Ang pag-aaral na ito ay isang pagtupad sa mga pangangailangan para sa titulong Batsilyer ng Sining sa Sikolohiya upang makapagtapos ng pag-aaral ang mga mananaliksik at ang tesis na ito ang siyang magsisilbing huling kontribusyon ng mga mananaliksik sa departamento ng sikolohiya. iii Metodolohiya Ito ay tumatalakay sa metodolohiya ng pag-aaral na ito. Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay upang malaman at mabigyang-linaw ang trabaho o gawain ng mga babaeng-basa at ang kanilang mga kanilang mga karanasang sekswal. At para sa disenyo ng pananaliksik ay ginamit ng kuwalitatibong pagsusuri sa mga natipong datos o impormasyon mula sa kanilang mga kalahok. Sa pamamagitan ng pakikipanayam ng mga mananaliksik sa mga kalahok, nakakuha ng resultang nagpapakilala kung ang kanilang karanasang sekswal ay nakakatulong talaga sa kanilang pamumuhay at kung ano ang pangunahing dahilan at kung ano ang nagtulak sa kanila upang mapasok sa trabaho ng pagiging babaeng-basa. Ito ay isang kuwalitatibong pag-aaral kung saan ginamit ng mga mananaliksik ang maka-sikolohiyang pilipinong pag-aaral, kumuha ang mga mananaliksik ng mga impormasyon sa pamamagitan ng mga kwento na nagmula sa mga karanasan ng mga kalahok. Gumamit ang mga mananaliksik ng maka-sikolohiyang pilipinong pananaliksik. Sila ay gumamit ng metodong pakapa-kapa, patanungtanong, pakikipagkwentuhan at pagdalaw at pakikipagpalagayang- loob. Ang mga iskala ng ginamit ng mga mananaliksik ay ang una at ikalawang iskala, sa unang iskala ang mga mananaliksik ay gumamit ng iv pagmamasid, pagtatanung-tanong, pagdalaw-dalaw at pakikialam. Sa ikalawang iskala naman sila ay gumamit ng pakikitungo, pakikisalamuha at pakikipagpalagayang-loob. Resulta Napatunayan sa pag-aaral na ito na sa murang edad nagkaroon iba’t ibang karanasang sekswal ang mga kalahok, ginagawa nila ito upang mabuhay. Wala silang mga pinagaralan kung kaya’t napasok sila sa ganitong trabaho, ito na lamang ang nakikita nilang paraan upang kumita ng pera. Dahil sa prostitusyon sila ay napariwara at sila ay nahaharap sa panganib. Sa kabila nito ay ginugusto pa rin nilang bumalik sa ganitong trabaho at wala na sa kagustuhan nilang bumalik sa pag-aaral.
Item Type: | Thesis (Undergraduate) |
---|---|
Additional Information: | PSY 941 2009 |
Subjects: | B Philosophy. Psychology. Religion > BF Psychology H Social Sciences > HN Social history and conditions. Social problems. Social reform H Social Sciences > HT Communities. Classes. Races |
Depositing User: | Users 4 not found. |
Date Deposited: | 25 Jan 2016 08:13 |
Last Modified: | 03 Oct 2024 04:39 |
URI: | https://thesis.dlsud.edu.ph/id/eprint/1189 |
Actions (login required)
View Item |