Calderon, Eufracio S. Jr. and Dimalibot, Arianne B. (2014) Mga pag-uugali at pagkatao ng mga piling drayber sa Dasmarinas, Cavite at ang kaugnayan nito sa self-actualization. Other thesis, De La Salle University-Dasmarinas.
This is the latest version of this item.
Text (Theses)
CalderonDimalibot ... - Drayber.pdf Restricted to Registered users only Download (4MB) |
|
Text
PSY 1179 2014.pdf Download (444kB) |
Abstract
Layunin ng Pag-aaral: 1. Ano-ano ang mga nangibabaw na Pag-uugali at Pagkatao ng mga piling drayber sa Dasmariñas, Cavite gamit ang Panukat ng Pag-uugali at Pagkatao? 2. Ano ang antas ng mga iskala ng Self-Actualisation ng mga piling drayber sa Dasmariñas, Cavite gamit ang Personal Orientation Inventory? 3. Mayroon bang signipikong kaugnayan ang mga nangibabaw na Paguugali at Pagkatao ng mga piling drayber sa Dasmariñas, Cavite sa iskala ng Self- Actualisation? Saklaw at Limitasyon Sa pag-aaral na ito, ang pagkalap ng datos ay isinagawa tuwing Martes, 10:00 ng umaga hanggang hapon. Ang mga kalahok ay nagmula sa bayan ng Dasmariñas na pinili nang naaayon sa batayan ng mga mananaliksik: (1) may edad 30 pataas, (2) limang taon o higit pa bilang drayber, (3) hindi pagmamay-ari ang ginagamit sa pamamasada, (4) kumikita ng Php 400 – Php 600 kada araw at, (5) ang ruta o destinasyon ng mga drayber ay nagmumula sa bayan ng Dasmariñas. Ang naging resulta ay limitado lamang sa relasyon ng PUP at POI na siyang sinukat sa pag-aaral. Ang naging kongklusyon at rekomendasyon ay para sa napiling kalahok lamang at hindi para sa lahat ng drayber sa Cavite o sa buong Pilipinas. Metodolohiya Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng korelasyonal na pag-aaral upang tukuyin ang relasyon ng Pag-uugali at Pagkatao ng mga drayber sa kanilang antas ng Self- Actualisation. Ang napiling kalahok sa pag-aaral na ito ay 30 drayber na napili sa pamamagitan ng purposive sampling. Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng Panukat ng Ugali at Pagkatao (PUP) at Personal Orientation Inventory (POI) para makalap ang mga impormasyon ukol sa mga baryabol. Supervised-Administration Instrument ang ginamit ng mga mananaliksik upang makakalap ng datos dahil sa kakulangan sa oras at lugar. Gumamit naman ng mean ang mga mananaliksik upang bigyan ng kuwantitatibong datos ang mga impormasyong nakalap at gumamit naman ng Pearson-r upang tukuyin ang signipikong kaugnayan ng dalawang baryabol. Base sa resultang nakalap, ang mga mananaliksik ay nakapagtala ng mga sumusunod na kongklusyon: 1. Mga positibong Pag-uugali at Pagkatao pa rin na ipinapakita ang mga piling drayber sa kanilang trabaho lalong-lalo na sa mga taga Dasmariñas, Cavite. Lumalabas lamang ang mga negatibong katangian nila tuwing sila ay nagigipit sa isang sitwasyon. 2. May mga bagay pa na kailangang alamin o malaman ang mga drayber sa kanilang sarili na maaaring tumukoy sa kanilang pangangailangan na siyang maghahatid sa kanila upang maabot nila ang antas ng pagiging Self-Actualising na tao. 3. Hindi man masasabing Self-Actualising na tao ang mga piling drayber sa Dasmariñas, Cavite, may ilang bahagi pa rin sa kanilang Pag-uugali at Pagkatao ang makakatulong sa kanila upang marating ang antas ng Self- Actualisation. Rekomendasyon Mula sa buod at kongklusyon ng pag-aaral na ito, narito ang mga rekomendasyon mula sa mananaliksik: 1. Para sa mga Drayber. Bigyan sila ng seminar o oryentasyon upang mas maunawaan nila ang kanilang sarili kung ano ba talaga ang nais nila sa kanilang buhay. 2. Para sa mga Guro ng Sikolohiyang Pilipino. Mula sa resulta ng pag-aaral, magiging basehan ito upang magamit sa diskusyon sa loob ng silid-aralan bilang halimbawa sa Sikolohiyang Pilipino sa katauhan ng mga drayber. 3. Para sa Sikolohiyang Pilipino. Ang resultang nakalap ay magbibigay daan sa mas malawak o palawigin ang pang-unawa sa mga normal na indibidwal kagaya ng mga drayber. 4. Para sa mga mananaliksik. Dahil sa maikling panahon na nailaan para sa pananaliksik, maaaring mas marami pa ang populasyong ng mga kalahok at mas mapalawak ang sakop ng kuwalipikasyon ng mga kalahok sa pagaaral.
Item Type: | Thesis (Other) |
---|---|
Additional Information: | PSY 1179 2014 |
Keywords: | Self-Actualization. ; Drivers -- Attitudes. |
Subjects: | B Philosophy. Psychology. Religion > BF Psychology H Social Sciences > HT Communities. Classes. Races |
Users: | College of Business Administration and Accountancy > Business Management College of Business Administration and Accountancy > College of Business Administration Graduate Studies |
Depositing User: | Users 4 not found. |
Date Deposited: | 20 Jan 2016 08:31 |
Last Modified: | 02 Jun 2021 02:01 |
URI: | https://thesis.dlsud.edu.ph/id/eprint/1043 |
Available Versions of this Item
-
Mga pag-uugali at pagkatao ng mga piling drayber sa Dasmarinas, Cavite at ang kaugnayan nito sa self-actualization. (deposited 08 Oct 2014 09:02)
- Mga pag-uugali at pagkatao ng mga piling drayber sa Dasmarinas, Cavite at ang kaugnayan nito sa self-actualization. (deposited 20 Jan 2016 08:31) [Currently Displayed]
Actions (login required)
View Item |