Franco, Paulo Bianca G. and Sanz, Aleesha Nicole C. (2015) Tsismis ng mga macho. Undergraduate thesis, De la Salle University-Dasmarinas.
Text (Theses)
FrancoSanz ... - Macho.pdf Restricted to Registered users only Download (463kB) |
|
Text
PSY 1255 2015.pdf Download (113kB) |
Abstract
Abstrak Sa pag-aaral na ito ay inalam ang konsepto ng tsismis sa kalalakihan. Ang mga mananaliksik ay may nakapanayam ng 10 lalaki sa isang gym sa Imus, Cavite na may kaalaman at karanasan sa tsismis. Gumamit ng Constant Comparative Analysis at Thematic Analysis ang mga mananaliksik upang masuri ang mga ideya ng mga kalahok. Napag-alaman sa pag-aaral na na ito na may dalawang tema ang Tsismis ng kalalakihan; ang Kahulugan at Karanasan. Para sa Kahulugan ng tsismis , ito ay kinapapalooban ng (1.1) Tsismis Bilang Mas Totoo ang Laman, (1.2)Hindi Masyadong Seryoso, at (1.3) Pagkukuwento ng Buhay-buhay. Ang Kategorya ng Karanasan ay kinapapalooban ng (2.1)Pangyayari/Sitwasyon kung saan Nagaganap ang Tsismis at (2.2)Reaksyon/Madalas Ginagawa Habang Nagtsitsismisan. Napag-alaman ‘din na ang tsismis ng mga kalalakihan ay nagsisismula sa pagtitipon-tipon hanggang sa may mapag-uspan ang mga ito. Karaniwan sa kanilang ginagawa ay umiiwas sila magbigay ng masamang komentaryo at kung ano ang mapag-usapan ay hanggang doon na lamang dahil hindi komportable ang kalalakihan na pag-usapan ang personal na buhay ng ibang tao.
Item Type: | Thesis (Undergraduate) |
---|---|
Additional Information: | PSY 1255 2015 |
Keywords: | Rumor. ; Gossip -- Social aspects. |
Subjects: | B Philosophy. Psychology. Religion > BF Psychology H Social Sciences > HT Communities. Classes. Races |
Depositing User: | Users 4 not found. |
Date Deposited: | 01 Feb 2016 08:33 |
Last Modified: | 31 May 2021 07:00 |
URI: | https://thesis.dlsud.edu.ph/id/eprint/1450 |
Actions (login required)
View Item |