Diaz, Rachealle Loraine G. and Emberga, Maria Eliza Jane S. and Medina, Maria Olivia Cecilia M. and Verdad, Lovely Rose R. (2013) Impluwensiya ng pagmumura sa pag-uugali ng mga piling mag-aaral sa mababang paaralan ng San Gabriel III na may edad 9-12. Undergraduate thesis, De La Salle University-Dasmariñas.
![]() |
Text (Abstract)
PSY 1120 2013.pdf Download (248kB) |
![]() |
Text (Full text)
Diaz etal - Paguugali.pdf Restricted to Registered users only Download (5MB) |
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay sumailalim sa pamamaraang deskriptibo o pamamaraang palarawan na isang metodong siyentipiko kung saan ay naglalarawan at nag-oobserba ng mga pag-uugali nang hindi pinakikialaman ang mga baryabol sa kahit anong paraan (Shuttleworth, 2008). Ang pagkuha ng mga datos ay maaaring gawin sa pamamagitan ng mga opinyon at karanasan ng mga kalahok at mga obserbasyon ng mga mananaliksik upang maipaliwanag ang penomenon ng paksang pinag-aaralan – ang pagmumura. Kaugnay ng batayang konseptwal, ang pag-aaral na ito ay ginabayan ng sumusunod na konsepto: Social Cognitive Theory at Observational Learning (Bandura, 1997) at Nature vs. Nurture (Galton, 1874). Pangunahing pinagkunan ng mga datos ang naging tugon ng apatnapu’t tatlong (43) kalahok sa isinagawang panayam ng mga termino mula sa siyam (9) hanggang labindalawang (12) taong gulang na mga batang mag-aaral ng San Gabriel III Elementary School na karaniwang nasa ikaapat (4) hanggang ikaanim (6) na baitang sa pag-aaral. Ayon sa kinalabasan ng pag-aaral, mayroong malaking impluwensiya ang kapaligiran ng isang indibidwal sa maaari nitong matutunan o malaman gaya na lamang ng pagmumura. Mula sa naging resulta at konklusyon sa isinagawang pag-aaral, inirekomenda ng mga mananaliksik na magkaroon ng higit na pagtugon ng ibayong-pansin sa penomenon na ito ng pagmumura ang mga nakatatanda gaya ng mga magulang, guro, punong-guro, guidance counselor at maging ang mga taong nasa paligid ng mga bata. Higit lalo sa mga magulang na itinuturing na may pinakamalaking impluwensiya sa kanilang mga anak.
Item Type: | Thesis (Undergraduate) |
---|---|
Additional Information: | PSY 1120 2013 |
Subjects: | B Philosophy. Psychology. Religion > BF Psychology G Geography. Anthropology. Recreation > GT Manners and customs H Social Sciences > HN Social history and conditions. Social problems. Social reform H Social Sciences > HT Communities. Classes. Races |
Depositing User: | Users 4 not found. |
Date Deposited: | 01 Feb 2016 00:56 |
Last Modified: | 21 Nov 2024 01:37 |
URI: | https://thesis.dlsud.edu.ph/id/eprint/1427 |
Actions (login required)
![]() |
View Item |