Faith healing in Cavite: isang pag-aaral sa pagtangkilik.

Aguila, Marriel and Barcelona, Danica (2013) Faith healing in Cavite: isang pag-aaral sa pagtangkilik. Undergraduate thesis, De La Salle University-Dasmariñas.

[thumbnail of Abstract] Text (Abstract)
PSY 1114 2013.pdf

Download (455kB)
[thumbnail of Full text] Text (Full text)
AguilaBarcelonaSernat - FaithHealing.pdf
Restricted to Registered users only

Download (5MB)

Abstract

ABSTRAK Pangalan ng Instistusyon: Pamantasang De La Salle Dasmariñas Address: Dasmariñas City, Cavite Pamagat: Faith Healing Sa Cavite: Isang Pag-aaral sa Pagtankilik May Akda: Aguila, Marriel D. Barcelona, Danica Mae A. Sernat, Grace T. Pinagunan ng Pondo: Mga Magulang Halaga: 15,000 Petsa ng SImula: Hunyo 2012 Petsa ng Pagsumite: Marso 2013 Layunin: Layunin ng pag-aaral na ito na masusing pag-aaral ang mga Pananaw at mga kadahilanan ng mga taong tumatangkilik sa Fait Healing. Hangarin din ng pag- aaral na ito na mabuksan ang isipin ng mga mambabasa na ang Faith Healing ay likas na sa ating kulturang Pilipino. Nais maiparating ng mga mananaliksik na ang usaping ito ay hindi lamang sa mga taong tumatangkilik sa Faith Healing maging sa buong sang katauhan. Ito ay isang isyu na maari pang tugunan, nais ng mga mananaliksik na ang pag-aral na ito ay magsilbing unang hakbang sa pagalam sa Faith healing. Saklaw at Limitasyon: Ang pag-aaral na ito ay kwalitatibong pag-aaral na tumatalakay sa pananaw at mga kadahilanan ng mga tumatangkilik sa faith healing sa Cavite. Sa loob ng ilang araw ay nangalap ng kaukulang datos ang mananaliksik sa pamayanan ngn Naic, Cavite. Ang pag-aaral na ito ay may sampung kalahok. Upang Matukoy ay pananaw at mga kadahilanan ng mga kalahok. Sinasaklaw ng pag-aaral na ito ang isyu ng pagtangkilik ng Faith Healing sa Cavite. Nakatuon lamang sa pananaw at mga kadahilanan ng mga kalahok, Metodolohiya Ang mga mananaliksik ay gumamit ng kwalitatibong pamamaraan ng pagsusuri at pagsasalarawan ng mga natipong datos mula sa mga kalahok. Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng deskriptibong pamamaraan ng pananaliksik. Kung saan ang mga mananaliksik ay inoobserbahan ang pag-uugali at ang mga relasyon na makapagsalarawan na hindi minamanip0ula ang mga variables ng pag-aaral. Ang lohikal sa likod ng deskriptibong pag-aaral ay ang mga sumusunod: kung ang teorya ay tama, upang matukoy ng mananaliksik ng inaasahang katangian sa pag-uugali, kalahok o sitwasyon. Pangunahing Resulta: 1. Mula sa masusing pagkalap ng mga datos sa mga kalahok matagumpay na natamo at natiyak ng mananaliksik ang demograpikong katangian ng bawat kalahok sa pagaaral na ito. Napagalaman na hindi nakaka epekto ang lugar na pinangalingan, relihiyon, edukasyong nakamit at estado ng pamumuhay sa pagtangkilik sa faith healing. 2. Mayroong mga pananaw at mga kagahilanan ang mga kalahok sa pagtangkilik sa faith healing. Ang kanilang mga naging karanasan simula pagkabata hangang sa kasalukuyan na malaki ang na impluwensya sa kanilang patuloy na pagtangkilik sa faith healing. 3. Batay sa maka-sikolohiyang pamamaraan ng pananaliksik at resulta nito ay nagssasabing ang mga kalahok ay gumagamit ng kanilang pananaw at kadahilanan sa sarili, pamilya, kapwa at kumonidad. 4. Bagaman ang mga kalahok ay lubos na tumatangkilik sa faith healing may iilan din sa kanilang gumamit ng mga makabagong medisina laban sa kanilang mga simpleng sakit gaya ng sakit sa ulo, ngipin at iba pa. Malinaw na inilahad ang mga saloobin at sariling pananaw na naturang karanasan sa buhay. Konklusyon Batay sa resulta ng pag-aaral, ang mga mananaliksik ang datos ay nagpapatunay sa mga sumusunod na konlusyon. 1. Ang pag-aaral na ito ay nagpapakita na sasampung partisepante ay tumatangkilik sa faith healing na kahit modern na ang ating panahon sa ngayon ay patuloy pa din sila sa pagtangkilik sa mga faih healers dahil narin sa mga ginagamit o pamamaraan ng kanilang panggagamot tulad ng herbal medicine na mas mabisa ito dahil walang anumang halong kemikal. At hindi nagging hadlang ang kanilang edad, estadong pamumuhay, relihiyon, lugar at ang kanilang edukasyong nakamit sa pagtangkilik sa faith healers mula pa noon sila ay nagpapagamot na ito na ang kanilang kinagisansapamilya o angbuongangkan kaya patuloyparinangpagtangkiliknilasa faith healers. 2.Ang mga nagging karananasan ng mga kalahok ay isa rin sa kadahilanan kung bakit patuloy pa rin ang kanilang pagtangkilik sa faith healers tulad ng pag-inom nila ng mga halamang gamot na walang halong kemikal, ang mabilis na pagginhawa ng kanilang pakiramdam sa katawan lalo na sa may sakit at ang pag-papaalis ng elementong hindi mapaliwang ng sensiya. 3. Ang naging pananaw ng mga kalahok sa mga faith healers ito ay isang talent na ibinigay ng diyos para sa kanila upang makapaggamot sa nanga-gailangan lalo’t na ang mga taong sapat lamang ang kanilang kinabubuhay at ang kanilang kaalamanan sa buhay sapagkat ito ay instrumento lamang sila upang manggamot sa taong may sakit sa diyos parin ang pananalig at nagbibigay lakas upang patuloy parin ang ating buhay rito sa mundong ito kaya mas mainam na hindi pa rin mawawala ang ating pananalig sa diyos. Rekomendasyon: Inirerekumenda ng mga mananaliksik ang mga sumusunod: Sa mga Faith Healer. Ang pag-aral na ito ay magbibigay kaalaman sa kanila ng iba’t ibang paniniwala mga kadahilanan patungkol sa Faith healing. Iminumungkahi ng mga mananaliksik na magkaroon ng oras na maihayag o maisulat ang kanilang saloobin na karanasan sa panggamot upang sa mga susunod na pag-aaral. Sa mga tumatangkilik. Bilang dagdag na pag-aaral, ito ay magiging isang kontribusyon sa mga bagong tuklas na kaalaman sa larangan ng SIkolohiyang Pilipino. Namaslalo pa bigyanngimporamasyonangmgatum atangkiliksakanilangpamamaraanng kanilangpanggagamot. Sa mga guro at mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay nilalayong mapalawak at hindi ilimita ang maaring paniniwala ng mga tumangkilik sa uri ng pangga-gamot ng mga faith healer. Sa mga mananaliksik sa hinaharap. Maaring maging batayan para sa mga susunod na pag-aaral na may kaugnayan sa paksang ito. Maaring magamit ang mga datos nanakalap sa hinaharap lalo na sa paglalapat ng makakanluraning teorya sa katutubong konsepto. Magsisilbi din itong ehemplo para sa ibang mananaliksik upang payabungin pa ang Sikolohiyang Pilipino.Inirerekomendang mga mananaliksik sa mga susunod na magsasagawa ng kapaherong pagaaral na magsasagawa ng interbyu maglaan ng mas mahabang panahon sa pagkuha ng datos upang makakuha sila ng mas madaming bilang ng tagatugon na magbibigay ng sapat na impormasyon na susuporta sa pag-aaral na ito.

Item Type: Thesis (Undergraduate)
Additional Information: PSY 1114 2013
Subjects: B Philosophy. Psychology. Religion > BF Psychology
G Geography. Anthropology. Recreation > GR Folklore
H Social Sciences > HT Communities. Classes. Races
Depositing User: Users 4 not found.
Date Deposited: 01 Feb 2016 00:26
Last Modified: 09 Nov 2024 04:47
URI: https://thesis.dlsud.edu.ph/id/eprint/1421

Actions (login required)

View Item View Item