Colina, Rose Bryan O. and Layugan,, Maria Jasmin P (2013) Kabuluhan ng pagpapagamot sa albularyo : sa pakiramdam at paniniwala. Undergraduate thesis, De La Salle University-Dasmariñas.
Text (Abstract)
PSY 1102 2013.pdf Download (203kB) |
|
Text (Full text)
ColinaLayugan - Albularyo.pdf Restricted to Registered users only Download (5MB) |
Abstract
Nais ng mga mananaliksik na mapag-alaman sa pamamagitan ng pag-aaral na ito kung ang Pagpapagamot nga ba sa mga albularyo ay may kabuluhan sa Pakiramdam at Paniniwala ng mga taong nagpapagamot dito. Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa mga taong nagpapagamot sa albularyo sa bayan ng Silang, Cavite. Ang mga kalahok ay bubuohin ng mga nakakatanda o mga magulang na nagpapagamot sa albularyo. Kaugnay din nito ang pagpapagamot nila sa kahit sinong miyembro ng pamilya sa paniniwalang nakakagaling ang uri ng panggagamot ng mga albularyo, Metodohiya: Konklusyon: gayundin kung kailan nila sinimulan ipagamot ang kanilang mga anak. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng Deskriptibong pamamaraan ng pananaliksik sa pag-aaral na ito. Ang mga mananaliksik ay nakipagpalagayang-loob sa mga kalahok upang matanong o mainterbyu ang mga ito tungkol sa mga katanungang makakasagot sa nais alamin ng pag-aaral na ito. Batay sa pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito, napag-alaman na hindi lamang ang mga nasa mababang antas ng lipunan ang mga nagpapagamot sa albularyo, mayroon ring mga may kayang nagpapagamot dito, kaya‘t makikita ang pagkakalapit at kawalan ng pagkakaiba sa antas ng pamumuhay sa kanilang pagnanais o desisyong magpagamot sa albularyo. Habang ang mga mananaliksik ay nangangalap ng mga datos, kapansin-pansin na karamihan sa mga pinapagamot ay mga bata, na ang mga magulang o ang mga nakakatanda ang naging kalahok o ang nakapanayam sa pananaliksik. Gayundin naman sinalaysay ng mga kalahok na ang mga kaibigan, pamilya at mga kamag-anak ang pangunahing nakakaimpluwensya sa isang tao upang magpagamot sa albularyo. Rekomendasyon: Nagpapakita lamang ito na ang Immediate Family ang may pinaka-malaking bahagi sa paghubog ng paniniwala at pag-iisip ng isang tao. Makabuluhan sa paniniwala ng isang tao ang magpagamot sa albularyo sa kadahilanang nakapagbibigay ito ng ―peace of mind‖, panatag na kalooban, atbp. Sa kabilang banda, Walang naming kabuluhan o epekto ang pagpapagamot sa albularyo sa Paniniwala ng mga taong nagpapagamot rito. Para sa mga nagpapagamot sa albularyo. Marami sa mga Pilipinno ang pinipiling magpagamot sa albularyo sa tuwing sila ay may sakit, hindi naman masamang sumubok o maniwala na gagaling ngunit kapag ang sitwasyon ay hindi naman kayang solusyonan ng mga albularyo, maari rin naming sumangguni at pumunta sa ospital. Para sa mga Guro. Inirerekomenda ng mga mananaliksik na palawakin pa ang patuloy ng pag-aaral na ito para mas palawigin at makapagdagdag ng kaalaman ukol sa paksang ito. Para sa mga mag-aaral ng Sikolohiya. Sa iskala ng Pagtatanungan ng mananaliksik at kalahok, ang pakikipagpalagayang-loob ang inirerekomenda ng mga mananaliksik na gamitin sa pag-aaral sapagkat makakatulong ito upang makakuha ng mga kinakailangang datos sa pag-aaral. Para sa mga susunod na pag-aaral. Inirerekomenda ng mga mananaliksik na ang mga susunod na magsasagawa ng kaparehong pag-aaral na maglaan ng mahabang panahon o oras sa pagkuha ng datos gayundin ang pagsasaayos ng buong pananaliksik upang magkaroon ng mas magandang resulta at mas maraming kalahok na mas makakapagbigay ng maraming kasagutan na makakatulong sa pag-aaral.
Item Type: | Thesis (Undergraduate) |
---|---|
Additional Information: | PSY 1102 2013 |
Subjects: | B Philosophy. Psychology. Religion > BF Psychology R Medicine > RZ Other systems of medicine |
Depositing User: | Users 4 not found. |
Date Deposited: | 30 Jan 2016 06:30 |
Last Modified: | 20 Nov 2024 07:50 |
URI: | https://thesis.dlsud.edu.ph/id/eprint/1410 |
Actions (login required)
View Item |