Ang konsepto ng pikon sa mga kalahok ng isang fliptop battle.

Abapo, Ken Cristopher and Cruz, Jeremiah Nicolson and Javier, John Patrick and Olivay, Alvin (2013) Ang konsepto ng pikon sa mga kalahok ng isang fliptop battle. Undergraduate thesis, De La Salle University-Dasmarinas.

[thumbnail of Full text] Text (Full text)
Abapo etal ... - FliptopBattle.pdf
Restricted to Registered users only

Download (6MB)
[thumbnail of Abstract] Text (Abstract)
Abapo etal ... - FliptopBattle_Abstract.pdf

Download (387kB)

Abstract

ABSTRAK Pangalan ng Institusyon: De La Salle University - Dasmariñas Address: Dasmariñas, Cavite Pamagat: Ang Konsepto ng Pikon sa mga Kalahok ng Isang Fliptop Battle May Akda: Abapo, Ken Cristopher; Cruz, Jeremiah Nicolson; Javier, John Patrick at Olivay, Alvin Pinagkuhanan ng Pondo: Magulang Halaga: 12,000.00 Petsa ng Simula: Hulyo 2012 Petsa ng Pagsumite: Marso 2013 Layunin ng Pag-aaral: Upang bigyan sagot ang nagkukubling tanong sa pagkapikon ng mga kalahok sa fliptop battle at mapalawak pa ang kaalaman tungkol sa konsepto ng pikon kaugnay ng kasalukuyang panahon. Saklaw at Limitasyon: Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw lamang sa konsepto ng pagkapikon ng mga kalahok sa isang Fliptop Battle. Limitado lamang ito sa sampung kalahok ng fliptop battle na hinanap sa pamamagitan ng iskedyul na nakapaskil sa blog at account sa internet. Sa kasamaang palad ay siyam lamang ang nakapanayam dahil sa kakulangan ng oras at kahirapan sa paghahanap ng event ng fliptop battle. Walang eksaktong lokasyon o limitasyon ng lugar na paggagaganapan bagkus ang tanging layon ng mga mananaliksik ay mahanap ang target na kalahok ng fliptop battle. Gayunpaman ay naging kumbinyente ang mga mananaliksik sa paghahanap ng mga naturang kalahok sa pag-aaral. De La Salle University – Dasmariñas COLLEGE OF LIBERAL ARTS AND COMMUNICATION 2 Metodolohiya: Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng kwalitatibong pagsusuri at makapilipinong pamamaraan bilang basehan sa paglikom ng datos. Ito ay ginamit sapagkat nakapokus ang pananaliksik sa pagkalap ng mga pahayag ng mga ideya at nararamdaman ng isang kalahok. Mas masusuri ang mga nakalap na mga datos sa kwalitatibong pagsusuri dahil mas maipapaliwanag ang mga karanasan ng mga kalahok sa pananaliksik. Ginamit na partikular na katutubong pamamaraan ay ang pagmamasid, pagtatanong-tanong at pakikibagay. Sa paraang ito ay malayang makakakuha ng datos ang mga mananaliksik. Upang magkaroon ng maayos na daloy ang isinagawang pagtatanong-tanong ay gumamit ng Gabay Katanungan (Apendiks A). Napiling gamitin ang purposive sampling sapagkat ang mga kalahok na kinuha ay pumapasok sa saklaw na hinihingi ng pag-aaral. Narito ang mga sumusunod: (1) kabilang sa fraternity o organisadong grupo; (2) may edad labing-anim hanggang tatlumpu (3) isa hanggang dalawang taong ekspirensya o karanasan sa fliptop battle. Mga Kasagutan: Unang Suliranin: Inilarawan edad 16 hanggang 18 ang pagnanais ng mga kalahok na magkaroon ng relasyong pangsosyal na pinatunayan ng teorya ni Erikson ang psychosocial development. Bagkus tinukoy ang sakop ng pagiging kabataan ay nasa edad 15 hanggang 30 taong gulang batay sa National Youth Commissions. Sinasabing sa edad na ito lalong-lalo na edad mula 19 hanggang 40 ay may mataas na memorya at pag-iisip na kinakailangan sa fliptop. Karaniwan naman sa fliptop ang maraming bilang ng mga kalalakihan kaysa kababaihan sapagkat sinasabing mas agresibo at may pagkakataon na gumamit ng direktang anyo ng agresyon. Hindi naman batayan ang ekspirensya sa De La Salle University – Dasmariñas COLLEGE OF LIBERAL ARTS AND COMMUNICATION 3 pagfifliptop bagkus nakadepende ito sa kagalingan ng isang manlalaro at diskarte sa pagtanggap ng panlilibak. Ikalawang Suliranin: Ang konsepto ng pikon sa fliptop battle ay nagkaroon ng pagsalungat sa ipinahayag na pagpapakahulugan ng ilan sa mga may-akda. Lumalabas na ang pagkapikon sa naturang laro ay karaniwang hindi naisisiwalat at kinikimkim lamang ng bawat kalahok. Ikatlong Suliranin: Lumalabas na nagkakaroon ng cognitive blocking ang bawat kalahok, na ang ibig sabihin ay nagkakaroon ng kasanayan o pagkamanhid ang mga ito sa mga mura, insulto at panlilibak na matatanggap. Nagkakaroon ng pagkukusa sa pagpigil sa tuluyang pagkapikon ang mga kalahok ng fliptop sa kadahilinang hindi katanggaptangap ito sa senaryo ng fliptop at maging sa grupong kinabibilangan nito na nailapat kaugnay ang social norm theory. Rekomendasyon: Kalahok ng fliptop battle. Sumailalim sa isang katarsis na may layuning turuan na maibalik ang pagiging sensitibo ng bawat kalahok ng fliptop battle dahil sa kasanayan na nila sa pagtanggap ng agresyon na labis na nakababahala. Mga magulang. Gabayan at palawakin ang pang-unawa ukol sa mga aktibidades na kinasasangkutan ng mga indibidwal. Mga mambabasa. Kinakailangan na maging kritikal sa paglalahad ng salaysay o komento tungkol sa fliptop battle. De La Salle University – Dasmariñas COLLEGE OF LIBERAL ARTS AND COMMUNICATION 4 Mga mananaliksik na nagsusulong ng Sikolohiyang Pilipino. Mas palawakin pa ang pag-aaral patungkol sa pagkapikon lalong-lalo na sa pagpapakahulugan nito ng mga naunang akda at ang pagpapakahulugan nito sa kasalukuyang panahon.

Item Type: Thesis (Undergraduate)
Additional Information: PSY 1101 2013
Subjects: B Philosophy. Psychology. Religion > BF Psychology
H Social Sciences > HT Communities. Classes. Races
Depositing User: Users 4 not found.
Date Deposited: 30 Jan 2016 06:19
Last Modified: 24 Feb 2022 06:04
URI: https://thesis.dlsud.edu.ph/id/eprint/1409

Actions (login required)

View Item View Item