Impluensiya ng panghuhula sa kaisipan, damdamin at pagkilos ng mga nagpapahula sa Quapo.

Boluso, Shane O. and Colico, Jascel Mae R. and Lotivio, Jalyzza Kamille B. (2013) Impluensiya ng panghuhula sa kaisipan, damdamin at pagkilos ng mga nagpapahula sa Quapo. Undergraduate thesis, De La Salle University-Dasmariñas.

[thumbnail of Abstract] Text (Abstract)
PSY 1092 2013.pdf

Download (264kB)
[thumbnail of Full text] Text (Full text)
BolusoColicoLotivio - Panghuhula.pdf
Restricted to Registered users only

Download (3MB)

Abstract

ABSTRAK Pangalan ng Institusyon: Pamantasang De La Salle – Dasmariñas Titulo: Impluwensiya ng Panghuhula sa Kaisipan, Damdamin at Pagkilos ng mga Nagpapahula sa Quiapo Mga Mananaliksik: Boluso, Shane O. Colico, Jascel Mae R. Lotivio, Jalyzza Kamille B. Pinagmulan ng Pondo: Mga Magulang Halaga: 10, 000 Piso Sinimulan: Hulyo 2012 Natapos: Marso 2013 Layunin ng Pag-aaral: Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa impluwensiya ng panghuhula sa mga tao. Layunin ng mga mananaliksik na alamin ang demograpikong katangian ng mga kalahok at ang impluwensiya ng panghuhula sa kanilang kaisipan, damdamin at pagkilos. Metodolohiya: Ang mga mananaliksik ay gumamit ng disenyong deskriptibo sa pangangalap ng mga datos. Ayon kay Jamie Hale, isa sa mga minimithi ng siyensiya ng metodong deskriptibo ay ang paglalarawan ng isang sitwasyon. Ang disenyong ito ay hindi nagpapaliwanag ng eksaktong prediksyon at ng sanhi at bunga ng isang pangyayari. Ito rin ay pang-agham na pamamaraan na kung saan inoobserbahan at inilalarawan ang pag-uugali o kilos ng indibidwal na hindi iniimpluwensyahan sa anumang paraan, ito ay ayon kay Martyn Shuttleworth. Ang pag-aaral na ito ay ginamitan ng purposive sampling, ayon kay Anne Myers at Christine Hansen, ginagamit ito sa pagpili ng iba‟t-ibang kalahok na may partikular na dahilan ayon sa pangnagailangan na binubuong pag-aaral. Ito rin ay ginagamit sa pagtukoy ng isang eksaktong sitwasyon at ang isa pa ay ang pagpili ng mga iba‟t ibang suliranin upang mapalalim ang pag-aaral na ito. Ang paraan din na ito ayon kay Paul Oliver ay isang uri ng non-probability sampling kung saan ang mga kalahok na isasali ng mga mananaliksik sa pag-aaral ay base sa iba‟t ibang pamantayan tulad ng kaalaman sa isyu ng pag-aaral at kapasidad o kagustuhan na lumahok sa pananaliksik. Gumamit ng metodong pakikipagkuwentuhan ang mga mananaliksik, sapagkat nakikita ng mga mananaliksik na ito ang angkop sa ginagawang pag-aaral dahil sa ganitong paraan ay hindi malilimitahan ang mga sagot ng mga kalahok at makakakuha pa ng mga karagdagang impormasyon tungkol sa pag-aaral na ito. Ang pakikipagkuwentuhan ay isang epektibong paraan ng pagkuha ng datos tungkol sa mga bagay na mahirap aminin ng tao, sapagkat dito, nagiging malaya ang bawat isa na maipahayag ang anumang opinyon o karanasan. Konklusyon: Napagalaman sa pag-aaral na ito, na maraming mga tao ang pumupunta at kumokonsulta sa mga manghuhula kapag sila ay may problema katulad ng mga nawawalang bagay, pera at kung mayroong mahal sa buhay na may sakit o nawawala. Kalahati sa mga nakuhang kalahok ay matagal nang nagpapahula at nagpapabalik-balik. Masasabi na ang panghuhula ay nakakaimpluwensiya sa kaisipan, damdamin at pagkilos ng mga taong nagpapahula. Ang mga tao ay nagpapaulit-ulit sa pagpapahula kapag ang mga unang hula sa kanila ay nakikita nilang totoo o positibo. Ito rin ay nagsisilbing gabay at inspirasyon para sa kanila, at ang hula din ay nagbibigay pag-asa sa buhay ng ilan. Mayroong mga nakapanayam na unang beses pa lamang nagpapahula at napag-alaman na ito ay dahil sa kanilang kuryosidad. Sa mga taong ito, hindi masasabi na may epekto ang panghuhula sa kanilang kaisipan, damdamin o pagkilos sapagkat hindi pa nila naisasabuhay ang mga hula sa kadahilanang ito ay unang beses pa lamang nila sa pagpapahula, hindi pa nila masasabi kung ang hula ba ay magkakatotoo o hindi, tanging panahon na lamang ang makakapagsabi. Ayon din sa mga nakapanayam na unang beses pa lang magpahula ito raw ay hindi na mauulit.

Item Type: Thesis (Undergraduate)
Additional Information: PSY 1092 2013
Subjects: B Philosophy. Psychology. Religion > BF Psychology
G Geography. Anthropology. Recreation > GR Folklore
H Social Sciences > HT Communities. Classes. Races
Depositing User: Users 4 not found.
Date Deposited: 30 Jan 2016 05:14
Last Modified: 12 Nov 2024 07:46
URI: https://thesis.dlsud.edu.ph/id/eprint/1400

Actions (login required)

View Item View Item