Konsepto ng maturity ng mga batang magpapalay batay sateorya ni Gordon Allport.

Barit, Francis Clair S. and Bauyon, Ma. Anna Odessa and de Jesus, Manette C. (2012) Konsepto ng maturity ng mga batang magpapalay batay sateorya ni Gordon Allport. Undergraduate thesis, De La Salle University-Dasmariñas.

[thumbnail of Abstract] Text (Abstract)
PSY 1053 2012.pdf

Download (100kB)
[thumbnail of Full text] Text (Full text)
BaritBauyondeJesus ... - Maturity.pdf
Restricted to Registered users only

Download (6MB)

Abstract

ABSTRAK Pangalan ng Institusyon Pamantasan ng De La Salle – Dasmariñas Lokasyon Dasmariñas, Cavite Pamagat Konsepto ng Maturity ng mga Batang Magpapalay Batay sa Teorya ni Gordon Allport May Akda Barit, Francis Clair S. Bauyon, Ma. Anna Odessa D. de Jesus, Manette C. Pinagkuhanan ng Pondo Magulang ng mga mananaliksik Halaga Php 18,000.00 Petsa ng Simula Hunyo 2011 Petsa ng Pagsumite Marso 2012 Saklaw at Limitasyon Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw lamang sa paglalahad ng konsepto ng maturity ng kabataang magpapalay sa Banana St., Nasugbu, Batangas sa pamamagitan ng pitong dimensyon ng maturity ayon kay Gordon Allport. Sampung batang magpapalay ang kalahok sa pag-aaral na ito na may edad na labing-tatlo hanggang labing-anim na gulang. Metodolohiya Gumamit ang mga mananaliksik ng kwalitatibong pagsusuri sa mga natipong impormasyon gamit ang pakikipanayam sa kanilang mga kalahok. Gumamit ng purposive sampling ang mga mananaliksik sa pagkuha ng kalahok sa pag-aaral. Ang ginamit na iskala ng patutunguhan ng mananaliksik ay pakikisalamuha, pakikibagay, at pakikipagpalagayang-loob. Ang ginamit na iskala ng mananaliksik sa pag-aaral ay pagtatanung-tanong, pakikipagkwentuhan, at pakapa-kapa. Mga Kasagutan Unang Suliranin: Ano ang demograpikong katangian ng mga kabataang magpapalay ayon sa kasarian, edad, bilang ng miyembro ng pamilya at antas ng edukasyon? Ang mga kalahok ng pag-aaral ay kinabibilangan ng walong lalaki at dalawang babae lamang. Tatlo sa mga kalahok ay may edad na labing anim, tatlo din ang may edad na labing lima, tatlong kalahok din ang may gulang na labing apat at isang kalahok ay labing tatlong gulang. Lahat sila ay mayroong ama’t ina sa kanilang pamilya. Ang pinakamataas na bilang na miyembro ng pamilya ay labing-isa at ang pinakamababa naman ay anim. Ang anim sa kanila ay nag-aaral dalawa sa kanila ay magtatapos na ng pag-aaral sa sekondarya at tatlo ay magtatapos sa elementarya. Nag-aaral sila ngunit hindi lahat ay akma sa edad ng taon ng kanilang pag-aaral dahil hindi tuluy-tuloy ang pagpasok nila sa eskwela. Mayroong apat na batang magpapalay na tumigil sa pag-aaral, dahil ito sa pinansyal na estado ng kanilang pamilya. Ikalawang Suliranin: Ano ang konsepto ng mga batang magpapalay sa pitong dimensyon ng maturity ayon kay Gordon Allport: Pagpapalawig sa Sarili, Pakikipag-ugnayan sa Kapwa, Kapanatagan ng Emosyon, Makatotohanang Persepsyon, Angking Abilidad at Kakanyahan, Kaalaman sa Sarili at Pagtatag ng Pinag-isang Pilosopiya sa Buhay? Lumabas na sa pagpapalawig sa sarili ang mga batang magpapalay ay mayroong pagpapahalaga sa pamilya, pakialam sa ibang tao at nakikilahok sila sa mga gawaing panlabas. Ang nabuong konsepto nila sa pakikipag-ugnayan sa kapwa ay magandang pakikisama sa kapwa kahit kaiba ang ugali sa kanila at ang iba sa kanila ay nagkaroon na ng mas malalim na relasyon sa kapwa. Tanggap nila at pinagmamalaki ang kanilang mga sarili. Kulang sila ng mature na konsepto sa makatotohanang persepsyon. Kapag sila ay nagkakaroon ng problema, ang karamihan sa kanila ay sinasarili ang problema at sinisi ang sarili dahil sa pagkakaroon ng problema. Gayunpaman, naniniwala silang matalino sila, kaya ang ibang gawain na kaya ng iba at tanggap ang kamalian nila. Mayroon silang mga plano sa buhay ngunit ang ilan sa kanila ay inaasa pa rin sa kanilang magulang kung ano ang mangyayari sa kanilang mga buhay. Ikatlong Tanong: Ano sa pitong dimensyon ng maturity ang mayroon ng mature na konsepto ang mga batang magpapalay? Mula sa pitong dimensyon ng maturity, apat sa mga ito ang masasabing mayroon na ang mga batang magpapalay. Ang apat na ito ay ang pagpapalawig sa sarili, pakikipag-ugnayan sa kapwa, angking abilidad at kakanyahan, at kaalaman sa sarili. Konklusyon Hindi lahat ng mga batang nagtatrabaho ng maaga ay mabilis nararating ang maturity. Nangangailangan pa na mabigyan ng edukasyon ang mga batang magpapalay upang mapalawak pa nila ang kanilang kaalaman sa kanilang kapwa at paligid. Makakatulong ng malaki kung hindi patigil-tigil sa pag-aaral ang mga bata upang tuloy-tuloy ang magkatuto nila sa eskwelahan, sa pamamagitan nito, magkakaroon sila ng mas matatag na plano sa buhay at maniniwala silang kaya nilang makamit ang mga pangarap nila sa buhay. Rekomendasyon Hangga’t maaari ay iiwas magtrabaho ang mga bata sa kanilang murang edad. Bigyan ng pagkakataong maipagpatuloy ang pag- aaral ng mga anak upang maabot nila ang mga pangarap sa buhay. Gabayan sila sa pagbuo ng kanilang plano sa buhay. Para sa mga batang magpapalay, dapat piliting makapagtapos ng pag-aaral upang magkaroon sila ng mature na konsepto sa tatlong dimensyon: ang makatotohanang persepsyon, kapanatagan ng emosyon at pagtatag ng pinag-isang pilosopiya sa buhay. Marapat din na huwag nilang alisin ang pagiging bata sa kanilang mga sarili.

Item Type: Thesis (Undergraduate)
Additional Information: PSY 1053 2012
Subjects: B Philosophy. Psychology. Religion > BF Psychology
H Social Sciences > HS Societies secret benevolent etc
H Social Sciences > HT Communities. Classes. Races
Depositing User: Users 4 not found.
Date Deposited: 28 Jan 2016 08:24
Last Modified: 30 Oct 2024 05:56
URI: https://thesis.dlsud.edu.ph/id/eprint/1359

Actions (login required)

View Item View Item