Bungay, Katrin Erika and Salta, Maria Janina and San Juan, Ana Katrina (2012) Sour grapes at sweet lemons:rationalization bilang defense mechanism ng mga piling mag-aaral ng AB Psychology at AB Communication Arts. Undergraduate thesis, De La Salle University-Dasmariñas.
Text (Abstract)
PSY 1046 2012.pdf Download (189kB) |
|
Text (Full text)
BungaySaltaSanJuan - SourGrapes.pdf Restricted to Registered users only Download (4MB) |
Abstract
ABSTRAK Pangalan ng Institusyon: Unibersidad ng De La Salle - Dasmariñas Address: Dasmariñas, Cavite Pamagat: Sour Grapes at Sweet Lemons May Akda: Bungay, Katrin Erika G. Salta, Maria Janina G. San Juan, Ana Katrina E. PinagkuhananngPondo: MgaMagulang Halaga: Php 3,438.50 PetsangSimula: Hunyo 2011 PetsangPagsumite: Marso 2012 Saklaw at Limitasyon: Ang pananaliksik na ito ay isang komparatibong pag-aaral na nakatuon lamang sa paghahambing ng rationalization bilang isang defense mechanism ng mga piling mag-aaral sa ika-apat na taon ng AB Psychology at AB Communication Arts sa Kolehiyong Malalayang Sining – Pamantasan ng De La Salle, Dasmariñas, at hindi sa ibang kolehiyo. Ang rationalization ayon sa teorya ni Sigmund Freud lamang ang pagbabasehan ng pag-aaral na ito. Nilalayon din lamang ng pag-aaral na ito na makita kung alin sa dalawang grupo ng kalahok ang mas positibo ang pananaw sa mga suliraning personal, sosyal at akademiko, base sa kanilang pag gamit ng rationalization technique na sour grapes at sweet lemons, sa pag papalagay ng mga mananaliksik na negatibong uri ng rasyonalisasyon ang sour grapes at positibong rasyonalisasyon naman ang sweet lemons. Ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa paghahambing ng rationalization technique ng dalawang grupo ng kalahok; ang pagkakapareha at pagkakaiba ng mga kalahok sa pananaw nila sa kanilang suliraning personal, sosyal at akademiko base sa ginamit na uri ng rationalization. Hindi na ninanais na malaman pa ang iba pang implikasyon ng mga nakuhang datos maliban sa mga nabanggit. Ito ay dahil sa limitadong oras at material na magagamita ng mga mananaliksik. Hindi na rin aalamin ng mga mananaliksik ang kahalagahan ng mga makukuhang kasagutan mula sa paggamit ng korelasyon at iba pang statistical techniques dahil taliwas na ito sa layunin ng pag-aaral. Metodolohiya: Ang pananaliksik na ito ay gagamit ng descriptivecomparative na pamamaraan sa paglalahad.Pipiliin ng mga mananaliksik na maging kalahok ang mga mag-aaral ng AB Psychology na nasa ika apat na taon sa pagpapalagay na malawak na ang kanilang kabatiran sa defense mechanism. Mula sa unang taon pa lamang, ang defense mechanism ay malalim na nilang napag-aralan kaysa sa ibang kurso. Pipiliin din ng mga mananaliksik ang mga magaaral ng AB Communication Arts sa Kolehiyo ng Malalayang Siningng Pamantasan ng De La Salle – Dasmariñas sa pagpapalagay na hindi masusing pinag-aaralan ang defense mechanism at may kaunti o walang kaalaman sa paggamit nito. Purposive convenience sampling ang paraang gagamitin sa pagpili ng mga kalahok. Dalawa lamang sa mga kursong ito ang pipiliin ng mga mananaliksik. Sa isang daan siyamnapu’t walo (198) ng mag-aaral ng Sikolohiya, limampu’tsiyam (59) sa kanila ang kukuhanin bilang kalahok sa pananaliksik na siyang bumubuo sa 30% ng kabuuang bilang ng mga magaaral mula s kursong nabanggit. Sa isang daan at anim (106) ng mag-aaral mula sa kursong AB Communication Arts, tatlumpu’t dalawa (32) na mag-aarala ng isa sa mga bumubuo sa 30% ng mga mag-aaral sa kursong ito. Ang mga instrumentong gagamitin sa pag-aaral ay ang sarbey at isang talatanungan na bubuuin ng mga mananaliksik para sa pagtatanong-tanong sa mga piling kalahok. Mula sa makukuhang mga datos mula sa sarbey at pagtatanung-tanong ng mga mananaliksik sa mga kalahok, susuriin ang mga ito upang masagot ang mga suliraning nailahad at upang malaman kung alin sa dalawang uri ng rationalization ang ginagamit ng mga kalahok, kung ito ba ay sour grapes o sweet lemons, upang malaman kung alin sa dalawang grupo ang mas positibo sa pagharap ng kanilang suliranin sa buhay. Konklusyon: Hindi man nagkakalayo sa paggamit ng uri ng rationalization, na iba ang mga mag-aaral mula sa kursong AB Psychology dahil sa kanilang kamalayan sa uri ng defense mechanism na kanilang ginamit sa pagsagot. Mapapansin ito sa ilang mga pahayag ng mga kalahok mula sa kursong AB Psychology na nag banggit ng mga katagang “siguro ang defense mechanism ko dun…” at iba pa. Bilang estudyante ng Sikolohiya, wala sa kamalayan o consciousness ang pagpili nang kung anong defense mechanism ang gagamitin sa pagharap sa mga problema, bagkus, nababatid lamang ng mga mag-aaral ng kursong ito kung anong defense mechanism ang kanilang ginagamit sakanilang mga problema. Masasabi rin na ang paggamit ng rationalization ay naka-depende sa aspeto at pananaw sa mga bagay-bagay at hindi naka-depende sa malalim na kaalaman o pag-aaral sa rationalization ng mga kalahok. Hindi nakabatay sa kung anong kurso ang dinadalubhasa ng isang estudyante ang uri ng rationalization na gagamitin bilang pananggalang o defense mechanism sa mga suliraning haharapin sa personal, sosyal at akademikong aspeto ng buhay. Rekomendasyon: Magdagdag ng mga variables tulad ng frustration tolerance at maturity at suriin kung paano ito nakakaepekto sa paggamit ng rasyonalisyason; Huwag limitahan sa dalawang pangkat lamang ang mga kalahok at kung maaari ay mas palawakin pa ang sakop nito; Alamin kung ano ang implikasyon ng nakuhang datos o mga dahilan kung bakit ito ang napiling sagot; Gumawa o mag buo ng isang instrumentasyon upang mas masusing mapag-aralan at matuklasan ang rasyonalisasyon ng mga kalahok; Maaaring gumamit ng Psychological Well-Being Scale upang mas mapalalim ang implikasyon ng datos sa pagkakaroon ng malusog na mentalidad ng tao; Maglaan ng mas maraming oras sa pakikipanayam upang mas mapalawig ang kaalamang makakalap; Magdagdag ng pamamaraan kung saan mas mapapalalim ang kaalaman sa karanasan ng bawat indibidwal.
Item Type: | Thesis (Undergraduate) |
---|---|
Additional Information: | PSY 1046 2012 |
Subjects: | B Philosophy. Psychology. Religion > BF Psychology H Social Sciences > HT Communities. Classes. Races |
Depositing User: | Users 4 not found. |
Date Deposited: | 28 Jan 2016 07:11 |
Last Modified: | 05 Nov 2024 02:46 |
URI: | https://thesis.dlsud.edu.ph/id/eprint/1352 |
Actions (login required)
View Item |