Cadiz, Michelle and Decena, Cherry Pink and Herbolario, Allan Andrew (2011) Kaloobang "loob" ng mga pulubing may kapansanan isang penomenohikal na pag-aaral. Undergraduate thesis, De La Salle University-Dasmariñas.
Text (Abstract)
PSY 1038 2011.pdf Download (281kB) |
|
Text (Full text)
CadizDecenaHerbolario ... - Pulubi.pdf Restricted to Registered users only Download (7MB) |
Abstract
ABSTRAK Pangalan ng Institusyon: De La Salle University “ Dasmariñas Address: Bagong Bayan, Dasmariñas City, Cavite Pamagat: Kaloobang •loob – ng mga pulubing may kapansanan ayon sa kanilang Karanasan: Isang Penomenolohikal na pag-aaral. Mga may-akda: Cadiz, Michelle Decena, Cherry Pink Herbolario, Allan Andrew Pinansyal na Pinagkukunan: Mga Magulang Halaga: 9,000 Sinimulan: Hunyo 2010 Natapos: Marso 2011 Saklaw at Limitasyon: Ang pananaliksik ay nakatuon lamang sa penomeno ng Karanasang Loob ng mga Pulubing may Kapansanan. Ang mga 6 kalahok ng pag-aaral na ito ay tatlong pulubing may kapansanan na matatagpuan sa Pasay City, Brgy. Baclaran. Metodolohiya: Gumamit ang mga mananaliksik ng Non Probability - Purposive Sampling procedure upang makuha ang kailangang kalahok sa pag-aaral na ito. Gumamit din ng camera at video recorder ang mga mananaliksik sa pagkuha ng mga datos. Sa ikalawa at ikatlong kalahok, ang paggamit sa mga ito ay hindi pinahintulutan ng kalahok. Kalakip rin ng pananaliksik na ito ang metodong pagmamasid, pagtatanung-tanong, pakikipagkwentuhan at pakikisangkot upang makalap ang mga mahahalagang impormasyon. 7 Buod ng Pag-aaral: Sa resulta ng pag-aaral, ang demograpikong datos ng tatlong kalahok ayon sa pagkakasunod-sunod ng edad ay mula 14-53 anyos. Ang mga sumusunod na resulta ayon sa edad ay: 14 na taon (1), 51 na taon (1) at 53 na taon (1). Ang mga sumusunod na resulta naman ayon sa tirahan ay: Rizal (1), Dimasalang (1) at Kalye malapit sa Baclaran Simbahan (1). Nagkaroon ng epekto sa pinansyal, emosyonal, pisikal at soyal na aspeto ng pulubing may kapansanan ang kanilang karanasan. Ang positibong kalooban ang kalakasan ng mga kalahok sa pagharap sa kahirapan at kapansanan. Ang positibong kalooban ng mga kalahok ay tumulong na patibayin ang pagkatao sa pagharap ng mahihirap na pangyayari sa buhay, pamumuhay at pagtangap ng katotohanan. Inirerepresenta ng basahan 8 ang pag-aaral na ito dahil ang mga pulubing may kapansanan ay katulad nito na mababa ang halaga, marumi at hindi kapansin-kapansin pero may silbi at nakakatulong sa iba. Sa kabila ng hindi kaaya-ayang kaayusan ay bahagi pa rin ng lipunan ang mga pulubing may kapansanan. Konklusyon ng pag-aaral: Ayon sa mga datos na nakalap at natuklasan ng mga mananaliksik, ang pagaaral na ito ay nagkaroon ng mga sumusunod na konklusyon: 1. Anuman ang edad, kasarian at tirahan, ang mga kalahok ay nakaranas ng magkakatulad na suliraning pinansyal, emosyonal, pisikal at sosyal. 2. Lumitaw ang emosyonal na kalooban o damdaming ‖loob‖ na masaya at masama ang loob ng mga pulubing 9 may kapansanan. Sa kabila ng kahirapan at kapansanan ay masaya pero masama ang loob sa mga nagdulot o nagdagdag ng hirap sa kanilang karanasan. Kapwa sila nabubuhay sa •awa – ng iba. Kapwa din sila may mga positibong etikal na kalooban na magandang loob at utang na loob. Rekomendasyon: Ayon sa mga datos na nakalap at natuklasan ng mga mananaliksik, ang pag-aaral na ito ay nagkaroon ng mga sumusunod na rekomendasyon: Para sa Lipunan. Iwasan ang panghuhusga sa mga pulubing may kapansanan. Maipapayong tumulong sa pagpapatupad ng mga batas para sa mga may kapansanan at pulubi at makiisa bilang volunteer worker sa mga programa para sa kanila. 10 Para sa Lokal na Pamahalaan at iba't ibang sektor. Maipapayong ibalik ang mga programa noong panahon ni Marcos katulad ng scholarship program, job oppurtunities at allowance para sa mga pulubi at may kapansanan. Ang mga batas ay pag-ukulan ng pansin, irebisa at maipapayong bigyang pansin ang kakulangan sa badget upang maipasatupad ito. Bagamat hindi kaayaaya ang gawain ng mga pulubi, hangat maari ay iwasan ang negatibong aksyon sa kanila. Sa halip na itaboy o ikulong ay bigyan ng counseling at livelihood program ang mga pulubing may kapansanan. Maaari ring magbuo ng matatag na samahang may magaling na lider at magandang plataporma. Para sa mga susunod na mananaliksik. Maari nilang ituloy sa mas malalim na 11 pag-aaral para sa mas komprehensibong resulta. Sapagkat ang mga mananaliksik ay mayroong mga limitasyon sa pagaaral, maaring dagdagan ang bilang ng mga kalahok at mas tagalan ang pakikisangkot sa pagkalap ng mga impormasyon tungkol sa kaloobang karanasan sa panlilimos. Maari ding gawan ng pananaliksik ukol sa aspetong behavioral, cognitive at social. Para sa mga guro. Maipapayong bigyan ng inspirayon na magsumikap ang mga may kapansanan at mahihirap. Bigyan ng mas malawak na oryentasyon ang mga mag-aaral sa mga maralita tulad ng mga pulubing may kapansanan.
Item Type: | Thesis (Undergraduate) |
---|---|
Additional Information: | PSY 1038 2011 |
Subjects: | B Philosophy. Psychology. Religion > BF Psychology H Social Sciences > HT Communities. Classes. Races H Social Sciences > HV Social pathology. Social and public welfare |
Depositing User: | Users 4 not found. |
Date Deposited: | 28 Jan 2016 06:03 |
Last Modified: | 18 Oct 2024 01:12 |
URI: | https://thesis.dlsud.edu.ph/id/eprint/1345 |
Actions (login required)
View Item |