Relasyon at istilo ng pagiging magulang ng isang ina sa kanyang mga anak na may magkaibang ama.

Pangan, Sharmaine. and Phi, Dannilene. (2011) Relasyon at istilo ng pagiging magulang ng isang ina sa kanyang mga anak na may magkaibang ama. Undergraduate thesis, De La Salle University-Dasmariñas.

[thumbnail of Abstract] Text (Abstract)
PSY 1033 2011.pdf

Download (183kB)
[thumbnail of Full text] Text (Full text)
PanganPhi ... - Relasyon.pdf
Restricted to Registered users only

Download (6MB)

Abstract

ABSTRAK Pangalan ng Insstitusyon: Pamantasang De La Salle – Dasmariñas Lugar: Bagong Bayan, Dasmariñas City, Cavite Pamagat: Relasyon at Istilo ng Pagiging Magulang ng Isang Ina sa kanyang mga Anak na may Magkaibang Ama Mga Mananaliksik: Pangan, Sharimaine Phi, Dannilene C. Pinagkukunan ng Pondo: Mga Magulang Halaga: Php 7,000.00 Sinimulan: June 2010 Natapos: March 2011 Layunin ng Pag-aaral: 1. Anu-ano ang demograpikong katangian ng mga ina na nagkaroon ng anak na may magkaibang ama: edad ng anak at ina, estado sa buhay, edukasyon, bilang ng anak, trabaho ng ina at asawa o karelasyon, bilang ng naging asawa o karelasyon, at relihiyon. 2. Ano ang istilo ng pagiging magulang ng mga ina sa kanyang mga anak na may magkaibang ama. 3. Ano ang relasyon ng ina sa kanyang mga anak na may magkaibang ama. Saklaw: Ang pag-aaral na ito ay nais na malaman ang relasyon at istilo ng pagiging magulang ng isang ina sa kanyang mga anak na may magkaibang ama. Ang bilang ng mga kalahok sa pag-aaral na ito ay sampu. Ang mga kalahok ay nakatuon lamang sa mga ina na nagkaroon ng anak sa magkaibang ama. Kinakailangang ang mga nasabing ina ay nagkaroon ng hindi bababa sa dalawang asawa o karelasyon sa magkaibang panahon. Nasasaklawan ng pag-aaral na ito ang mga ina na maaaring hindi kasal sa kanilang asawa at ang mga ina na hiwalay na o namatayan ng kanilang asawa. Metodolohiya: Ang pag-aaral na ito ay sinimulan noong June 2010 hanggang March 2011 sa Dasmariñas City, Cavite kung saan nagmula ang mga kalahok para sa pag-aaral na ito. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng disenyong deskriptibo upang malaman ang kasalukuyang kalagayan tungkol sa relasyon at istilo ng pagiging magulang ng isang ina sa kanyang mga anak na may magkaibang ama. Purposive sampling ang ginamit sa pagpili ng kalahok para sa pag-aaral na ito. Ginamit ang sarbey (tingnan sa 6 Apendiks B) upang malaman ang demograpikong datos ng mga kalahok; talatanungan (tingnan sa Apendiks B) naman para malaman ang kanilang relasyon at istilo ng pagiging magulang sa kanilang mga anak mula sa magkaibang ama; obserbasyon para makita kung tugma ang mga isinagot ng mga kalahok mula sa talatanungan; at interbyu naman para itanong ang follow-up question (tingnan sa Apendiks B) na kung bakit ganon ang kanilang sagot. Konklusyon: 1. Magkapareho lamang na authoritative ang istilo ng pagiging magulang ng mga kalahok sa kanilang mga anak sa una at pangalawang asawa o karelasyon. 2. Nalaman ng mga mananaliksik na ang authoritative na istilo ng pagiging magulang ay mayroong pinakamataas na bilang ng pagiging “konsistent” na ginagamit ng mga kalahok sa kanilang mga anak na parehong mula sa una at pangalawang asawa o karelasyon. 3. Nalaman ng mga mananaliksik na disorganized attachment ang klase ng relasyon na mayroon ang mga kalahok na ina sa kanyang mga anak sa unang asawa o karelasyon at secure attachment naman ang klase ng relasyon na mayroon ang mga kalahok na ina sa kanyang mga anak sa pangalawang asawa o karelasyon. 4. Nalaman din ng mga mananaliksik na kaya nabibigyan ng mas maraming atensyon ang mga anak na nagmula sa pangalawang asawa o karelasyon ay dahil ayaw ng kanilang bagong asawa sa kanilang anak na mula sa una nilang asawa o karelasyon. Rekomendasyon Pagkatapos ng masusing pagsusuri ng mga mananaliksik sa mga datos, ang mga sumusunod na mga rekomendasyon ay ginawa: 1. Para sa komunidad - Magkaroon o magplano ng mga aktibidad na tulad ng seminar ang komunidad na kinabibilangan ng mga pamilyang ito na para sa mga magulang at para sa mga anak na nasa ganitong kalagayan upang magkaroon sila ng kaalaman at pag-unawa tungkol sa pag-aasawang muli at sa epekto nito sa kanilang mga anak. 2. Para sa paaralan - gumawa ng programa para sa mga bata na nasa ganitong kalagayan o sitwasyon upang magabayan sila at makagawa ng mga hakbang para mapaintindi sa mga batang wala sa ganitong sitwasyon ang nararamdaman at pinagdaraanan ng mga batang nakararanas ng nasabing problema patungkol sa pamilya. 3. Para sa mga magulang - makatutulong ang pag-aaral na ito upang mabigyan sila ng kaalaman na nagkakaroon ng epekto sa bata kapag nag-aasawang muli ang kanilang magulang lalo na kung ina ang nag-asawang muli. 4. Para sa mga anak – para sa mga anak na nasa ganitong sitwasyon, maaaring gawing gabay ang pag-aaral na ito para mas lalong mabigyang linaw ang isyung ito sa kanilang pamilya. Maaari rin itong makapagbigay ng 8 impormasyon sa mga kabataan na wala sa ganitong sitwasyon at maging bukas ang kanilang isipan sa paksang pag-aasawang muli ng isa o parehong magulang. 5. Para sa mga susunod na mananaliksik, ipagpatuloy ang pananaliksik na ito sa pamamagitan ng pagdadagdag ng bilang ng mga kalahok upang mas lalong mapagtibay ang resulta ng pananaliksik at para magkaroon ng mas malawak na sakop ang pag-aaral tungkol dito. 6. Maaari din na ikonsider ng mga susunod na mananaliksik ang panig ng mga anak ng mga ina na nasa ganitong kalagayan upang magkaroon ng mas malalim na pagsusuri tungkol sa mga ina na mayroong mga anak na mula sa magkaibang ama. 7. Ang pagkonsider sa panig ng mga ama na kasalukuyang karelasyon o asawa ng mga ina na nasa ganitong kalagayan ay maaari din na makatulong sa mga susunod na mananaliksik upang magkaroon ng mas malalim na pagunawa sa dahilan kung bakit mayroong pagkakaiba sa relasyon at istilo ng pagiging magulang ng mga ina na nagkaroon ng anak sa magkaibang ama.

Item Type: Thesis (Undergraduate)
Additional Information: PSY 1033 2011
Subjects: B Philosophy. Psychology. Religion > BF Psychology
H Social Sciences > HQ The family. Marriage. Woman
H Social Sciences > HT Communities. Classes. Races
Depositing User: Users 4 not found.
Date Deposited: 28 Jan 2016 05:48
Last Modified: 18 Oct 2024 09:26
URI: https://thesis.dlsud.edu.ph/id/eprint/1340

Actions (login required)

View Item View Item