Paredes, Anna Leah R. and Saquilayan, Anna Larina S. (2014) Mga saloobin at pananaw ng mga anak ng OFW hinggil sa relasyong pamilya. Undergraduate thesis, De La Salle University-Dasmarinas.
Text (Theses)
ParedesSaquilayan ... - OFW.pdf Restricted to Registered users only Download (1MB) |
|
Text
PSY 1182 2014.pdf Download (248kB) |
Abstract
Name of Institution: De La Salle University - Dasmariñas Address: Bagong Bayan, Dasmariñas City, Cavite Pamagat: Mga Saloobin at Pananaw ng mga Anak ng OFW Hinggil sa Relasyong Pamilya May-akda: Anna Leah R. Paredes Anna Larina S. Saquilayan paghahanap ng mga pinagmulan: Mga magulang Gastos: 5,000 Php Petsa nagsimula: June 2013 Petsa natapos: March 2014 Paglalahad ng Suliranin Ang mga sumusunod na katanungan ay ang mga suliranin na naglalayong hanapan ng kasagutan ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito: 1. Anu-ano ang mga pananaw ng mga anak sa kanilang magulang na OFW? 2. Paano nakakaapekto sa relasyon sa mga anak ang pangingibang bansa ng magulang? 3. Sa paanong paraan nabibigyan ng kahalagahan ng anak ang hirap ng kanilang mga magulang na nangingibang bansa? Saklaw at Limitasyon Ang nais mapagaralan ng mga mananaliksik sa pag- aaral na ito ay malaman ang relasyon ng mga nangingibang bansa sa kanilang nawalay na pamilya. Ang pag-aaral na ito ay pumapalibot lamang sa relasyon ng mga magulang na nangingibang bansa sa kanilang mga anak na naiwan nila sa kanilang bansa at kung paano pinapahalagahan ang pagkawalay ng mga magulang upang magibang bansa. Bukod dito ay hindi na sisiyasatin ng mga mananaliksik ang iba pang personal na buhay ng mga respondante. Metodolohiya Ang pag-aaral na ito ay gagamit ng kwalitatibong pananaliksik, partikular na ang descriptibong desenyo. Para naman sa sampling teknik na gagamitin sa pag –aaral na ito ay ang purposive sampling teknik. Kukuha ang mga mananaliksik ng mga respondante na may labing anim hanggang labing siam na taong gulang lamang. Ang nais ng mga mananaliksik ay magkaroon ng anim na kalahok: (2) Anak na may ina na OFW, (2) anak na may ama na OFW at (2) anak na may ina at ama na parehas na OFW. Sa paraan na ito ay kukunin din ang opinyon ng mga magulang ng nakuhang respondante kaya ang bilang na total ay labing apat (14) na respondante ang kalahok sa pag-aaral na ito. Konklusyon Ang konklusyon sa bawat tanong sa paglalahad ng suliranin ay ang mga sumusunod: (1) Ayon sa datos na nakalap ng mga mananaliksik, tanggap ng mga anak ang pag alis ng kanilang mga magulang upang magtrabaho dahil naipaliwanag naman ito sa kanila ng mabuti kung bakit nila kailangan umalis. (2) Gamit ang bagong teknolohiya, Pinipilit ng kani-kanilang mga magulang na patuloy na dumadaloy ang komunikasyon sa kanilang mga anak bagamat malayo sila sa isa't isa. (3) Sa anim na kalahok, iisa lamang ang sagot ng mga kalahok kung paano pinapahalagahan ng mga anak ang pangingibang bansa ng kanilang mga magulang. Pinapahalagahan nila ang hirap ng kanilang mga magulang sa pagkakaroon ng matataas na grado sa eskwelahan at sa pag sunod ng mabuti sa mga utos ng kanilang mga magulang. Rekomendasyon Nais ibahagi ng mga mananaliksik ang mga sumusunod na rekomendasyon: Para sa anak ng mga OFW. Ayon sa resultang lumabas ng saliksik na ito. Mainam na nauunawaan ng mga kalahok ang dahilan ng pangingibang bansa ng kanilang mga magulang. Upang gawing inspirasyon at pahalagahan ang lahat ng sakripisyong ginawa ng kani-kanilang mga magulang. Kaya iminumungkahi ng mga mananaliksik na butihing buksan ang mga posibilidad na mga kadahilanan ng pangingibang bansa ng kanilang mga magulang at unawin ang mga ito. Nang sa gayon hindi man sila magkasama ay manatiling buo ang presensya ng kanilang mga magulang at maging maayos ang kanilang relasyon sa bawat isa. Para sa mga magulang na OFW. Batay sa mga nakalap na pag-aaral at sa reaulta ng pag-aaral na ito. Andg mga magulang ay may sapat na kakayahan upang maging mabuting magulang at mapanatili ang kanilang maayos na pagsasama kahit na magkalayo ang mga ito sa isa't isa. Gaya nalang ng pagintindi ng mga kadahilanan ng kanilang pag-alis o pag-iwan sa kanilang pamilya. Nang sa gayon mas higit na iintindihin ng kanilang mga anak ang mga paghihirap na ginagawa nila upang mapabuti ang buong pamilya. Para sa mga susunod na mananaliksik. Sa kabuoang resulta ng pag-aaral na ito, ay lumalabas na maayos ang relasyon ng bawat meyembro ng pamilya at higit na nauunawaan ng mga anak ang mga dahilan sa likod ng mga paghihirap ng kanilang mga magulang sa pangingibang bansa. Samakatuwid, iminumungkahi ng pag-aaral na ito na maghanap ng pamilyang may hindi pagkakaunawan sa pag-alis ng mga magulang, upang mas higit na maintindihan ng mga manbabasa na may iba't ibang uri ng persepsyon ang mga tao sa pangingibang bansa. Nang sa gayon makatulong ito sa relasyon ng kanilang pamilya.
Item Type: | Thesis (Undergraduate) |
---|---|
Additional Information: | PSY 1182 2014 |
Subjects: | B Philosophy. Psychology. Religion > BF Psychology H Social Sciences > HM Sociology |
Depositing User: | Users 4 not found. |
Date Deposited: | 16 Nov 2015 02:02 |
Last Modified: | 02 Jun 2021 01:57 |
URI: | https://thesis.dlsud.edu.ph/id/eprint/133 |
Actions (login required)
View Item |