Bartolata, Mary Bea Angelica V. and delos Santos, Jenyca P. and Recasas, Ariane N. (2009) Isang paglalapat : ang teorya ng "rootedness" ni Erich Fromm sa relasyon ng mga sabungero. Undergraduate thesis, De La Salle University-Dasmariñas.
Text (Abstract)
Rootedness... - BartolataDelosSantosRecasas_Abstract.pdf Download (224kB) |
|
Text (Full text)
Rootedness... - BartolataDelosSantosRecasas.pdf Restricted to Registered users only Download (5MB) |
Abstract
ABSTRAK Pangalan ng Institusyon: Pamantasang De La Salle – Dasmariñas Lokasyon: Dasmariñas, Bagong Bayan, Cavite Pamagat: Isang Paglalapat: Ang Teorya ng “Rootedness” ni Erich Fromm sa Relasyon ng mga Sabungero Mga Mananaliksik: Mary Bea Angelica Bartolata, Jenyca delos Santos, at Ariane Recasas Pinagkunan ng Pondo: Magulang Halaga: 3, 500 Nagsimula: Hunyo 2008 Natapos: Pebrero 2009 Layuning ng Pag-aaral: A. Pangkalahatang Layunin Malaman kung mayroong naganap na pagkakahiwalay sa pinag-ugatan ang mga kalahok na sabungero kung kaya’t sila’y nakabubuo ng malapit na samahan upang mapunuan ang kakulangang malilikha ng pagkakahiwalay na ito. B. Tiyak na Layunin Ang mga mananaliksik ay nilayong tiyak na makamit ang sumusunod: a. Mailahad ang mga dahilan kung bakit nagsasabong ang mga sabungero b. Maipakita ang kahalagahan ng pagsasabong sa mga kalahok c. Mailahad ang pangunahing ideya ng teorya ng “Rootedness” ni Erich Fromm d. Masuri ang relasyon ng mga sabungero sa kanilang pamilyang pinag-ugatan at sa kanilang kapwa sabungero. Saklaw at Limitasyon Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw lamang sa mga kalahok na pawang mga kalalakihang aktibong nakikilahok sa pagsasabong sa lugar ng Imus, Bacoor, at Dasmariñas. Ang kalahok ay kinapapalooban lamang ng sampung (10) manlalaro ng sabong. Ang resulta ng pag-aaral at hinango at ibinatay sa mga datos na nakalap sa pamamagitan ng isang ginabayang talatanungan at mga katutubong pamamaraan gaya ng pakikipagpalagayang –loob at pakikisama. Metodolohiya Ang mga mananaliksik ay gumamit ng diskriptibong disenyo. Sila ay pumili ng mga kalahok sa pamamagitan ng purposive convenient sampling para sa lahat ng kalahok. Gumamit sila ng maka-Pilipinong pamamaraan ng paglikom ng datos tulad ng pakikipagpalagayang-loob at pakikisama. Pangunahing Natuklasan: a. Ang karaniwang kadahilanan kung bakit nagsasabong ang mga kalahok ay dahil sa impluwensiya ng mga magulang, partikular na ang ama at ang pangangailangan ng pagkakakitaan. b. Natuklasan na ang mga kadahilanan kung bakit nagsasabong ang mga kalahok ay kahalintulad at may tuwirang kaugnayan sa kahalagahan ng pagsasabong sa kanila. c. Ang pangunahing ideya ng teorya ng “Rootedness” ay umiikot sa tatlong kondisyon na kinakailangang mapunuan: ang paglapit ng kalooban ng mga kalahaok sa kanilang pinag-ugatan, ang paglayo ng kalooban ng mga kalahok sa kanilang pinag-ugatan, at ang pagbuo ng samahan ng mga sabungero upang mapunuan ang pangangailangang magkaroon ng bagong pinag-ugatan. d. Natuklasan na ang relasyon ng mga sabungero sa kanilang pamilya at sa kanilang kapwa sabungero ay iba-iba at hindi maaaring isakategoriya bilang isa dahil ang lahat ng kaso ay bukod tangi. Kongklusyon Base sa mga resultang nakalap, ang mga mananaliksik ay nakapagtala ng sumusunod na kongklusyon: a. Hindi lapat ang teorya ng “Rootedness” ni Erich Fromm sa relasyon ng mga kalahok na sabungero. b. Ang pangunahing salik kung paano nagsimulang magsabong ang mga kalahok ay ang impluwensya ng mga ama. c. Hindi maaaring pagsama-samahin at igrupo sa ilalim ng isang kategorya ang samahan ng mga sabungero upang gumawa ng pangkalahatang kongklusyon tungkol sa kanilang pagkatao. Rekomendasyon: Iminumungkahi ang sumusunod: Sa mga mananaliksik sa hinaharap. Iminumungkahi na tuklasin ang posibilidad na ang pagkahilig sa pagsasabong ay maaaring namamana at ang iba pang aspeto ng relasyon ng mga sabungero. Mainam na magsagawa ng pag-aaral na tutukoy lamang sa isang lugar sapagkat may paniniwalang magkaiba ang paraan ng pamumuhay ng mga tao sa iba’t ibang lugar. Sa mga nag-aaral ng teorya ni Erich Fromm. Iminumungkahi na linangin o tuklasin pa ang ibang teorya ni Erich Fromm upang magamit sa mga pag-aaral. Sa mga Sabungero. Mainam na maging maunawain ang mga magulang sa mga bagay na ibinabahagi nila sa kanilang mga anak at maglaan ng sapat na oras sa mga ito upang malaman ang mga bagay na kanilang pinagkakaabalahan.
Item Type: | Thesis (Undergraduate) |
---|---|
Additional Information: | PSY 980 2009 |
Subjects: | B Philosophy. Psychology. Religion > BF Psychology G Geography. Anthropology. Recreation > GV Recreation Leisure H Social Sciences > HT Communities. Classes. Races |
Depositing User: | Users 4 not found. |
Date Deposited: | 28 Jan 2016 01:26 |
Last Modified: | 08 Oct 2024 08:01 |
URI: | https://thesis.dlsud.edu.ph/id/eprint/1288 |
Actions (login required)
View Item |