"Awooo.. byaheng langit o lagim ba?" : [electronic resource] paniniwala sa aswang at ang relasyon nito sa saloobin, kilos at relasyong sosyal ng mga taga-Iloilo [computer file].

Bogya, Sheina Sheila T. and Calinao, Ferlene L. and Reynoso, Roblessa Joy P. (2008) "Awooo.. byaheng langit o lagim ba?" : [electronic resource] paniniwala sa aswang at ang relasyon nito sa saloobin, kilos at relasyong sosyal ng mga taga-Iloilo [computer file]. Undergraduate thesis, De La Salle University-Dasmariñas.

[thumbnail of Abstract] Text (Abstract)
PSY 893 2008.pdf

Download (67kB)
[thumbnail of Full text] Text (Full text)
Awooo - BogyaCalinaoReynoso.pdf
Restricted to Registered users only

Download (6MB)

Abstract

ABSTRAK Pangalan ng Intitusyon: De La Salle University – Dasmariñas Address: Dasmariñas Cavite Pamagat: Awooo.. Byaheng langit o lagim ba?! Paniniwala sa aswang at ang relasyon nito sa Saloobin, Kilos at Relasyong Sosyal ng mga taga-Iloilo May Akda: Bogya, Sheina Sheila, Calinao, Ferlene, Reynoso, Roblessa Joy Pinagkuhanan ng pondo: Parents Halaga: P26, 000 Petsa ng simula: August 2007 Petsa ng pagsumite: March 2008 Objektibs ng Pag-aaral Ang pag-aaral na ito ay naghahangad na tuklasin ang paniniwala sa aswang at relasyon nito sa saloobin, kilos at relasyong sosyal ng mga taga- Iloilo. Hinahangad din nito na sagutin ang mga suliraning inilahad ng mga mananaliksik. Saklaw at Limitasyon Ang mga mananaliksik ay kumuha ng mga tagatugon na mayroong edad mula 30–60 taong gulang na Leganes. Dumangas at Tigbauan. Ito ay sa kadahilanang mas higit ang karanasan ng mga ito patungkol sa aswang kaysa sa mga kabataan. Isinaalang–alang din ng mga mananaliksik ang bilang ng taong naging residente ng Iloilo ang mga kinuhang tagatugon. Sa kadahilanang, higit na mapagtitibay at makakapagbigay impormasyon ang mga taong matagal ng naninirahan at lumalagi sa lugar na ito. Ang mga mananaliksik ay kumuha ng mga datos sa pamamagitan ng panayam na naglalaman ng mga katanungan na isasagawa lamang sa mga piling residente ng Iloilo. Hindi kinokonsidera ng mga mananaliksik ang mga taong pinaghihinalaang aswang sa kadahilanang ang pag–aaral ay nagpopokus lamang sa Paniniwala sa aswang at ang relasyon nito sa saloobin, kilos at relasyong soyal ng mga tagaIloilo Metodolohiya Sa disenyo ng saliksik nakasaad ang uri ng disenyo na ginamit sa saliksik na makakatulong sa pagkalap ng mga datos. Deskriptib na disenyo ang ginamit sa saliksik at ginabayan din ang saliksik na ito ng aklat ni Rogelia Pepua na Sikolohiyang Pilipino teorya, metodo at gamit. Ang kagamitang ginamit sa saliksik upang makakalap ng datos ay ang panayam na binuo ng mga mananaliksik. Ang panghuli ay ang pamamaraan sa saliksik kung saan nakasaad kung paano nangalap ng impormasyon ang mga mananaliksik. Mga Kasagutan Unang Suliranin. Anu–ano Demograpikong Profayl ng mga kalahok sa pag–aaral. Sa unang suliranin ay inilahad ang pangalan ng mga tagatugon, ang kanilang edad, hanapbuhay at bilang ng taon ng kanilang paninirahan sa Iloilo. Ang mga tagatugon ng mananaliksik ay ang 10 residente ng Iloilo na ang edad ay mula 30 hanggang 60 taong gulang. Lima sa tagatugon ay nananatili lamang sa kanilang tahanan o tinatawag na housewife sa salitang banyaga. Dalawa naman sa kanila ay magsasaka, isa ang guro, isa ay negosyante at nalalabing isa ay isang manggagawa. Kasama din sa unang hanayan ang tagal o bilang ng taon ng paninirahan ng mga tagatugon sa Iloilo. At ang sampung tagatugon na nakapanayam ng mga mga mananaliksik ay naninirahan na sa Iloilo magmula pa ng kanilang pagsilang. Ikalawang Suliranin. Anu–ano ang paniniwala ng mga tagaIloilo na kalahok sa saliksik hinggil sa aswang? Ang ikalawang suliranin naman ay tumatalakay sa kung ano ang paniniwala ng mga tagaIloilo hinggil sa aswang. Walo sa sampung tagatugon ay nakaranas di-tuwiran na karanasan na nagpapahayag ng kanilang paniniwala hinggil sa aswang. Ang nalalabing dalawang taga– tugon naman ay nakaranas ng tuwiran na karanasan. Ang bawat kategorya ay may apat nakapaloob–kategorya at ito ay ang mga sumusunod: Pinagmulan ng aswang, uri ng aswang, ginagawa ng aswang at pananggalang sa aswang. Ikatlong Suliranin. Anu–ano saloobin, kilos at relasyong sosyal ng mga kalahok? Ang ikatlong suliranin ay nagsasaad ng saloobin, kilos, at relasyong sosyal ng mga tagaIloilo. Ito ay nahahati sa dalawang kategorya: Aktibo at Pasibo. 80% sa sampung tagatugon ay mayroong aktibo na pamumuhay, samantalang ang 20% naman sa sampung tagatugon ay mayroong pasibong pamumuhay. Ikaapat na suliranin. Epekto ng Paniniwala sa aswang sa saloobin, kilos at relasyong sosyal ng mga taga–Iloilo. Ang ikaapat na suliranin ay tumutukoy sa epekto ng paniniwala sa aswang sa sa saloobin, kilos at relasyong sosyal ng mga tagaIloilo. Ang sampung tagatugon ng saliksik na ito ay nagpahayag ng kanya–kanyang saloobin, kilos at relasyong sosyal na maaaring nagbunga dahil sa kanilang paniniwala sa aswang. Konklusyon Ayon sa kinalabasan ng saliksik na ito, may mga tagatugon na hindi naniniwala na may nabubuhay na aswang. Ang ilan sa kanila ay nagmula lamang sa mga kwentong bayan ang kaalaman hinggil sa aswang, At ang mga kwentong ito ay naging sapat na upang maapektuhan ang kanilang saloobin, kilos at relasyong sosyal. v Ang mga pangyayaring naranasan ng mga tagatugon na kinapapalooban ng aswang ay nagdulot ng malaking epekto sa kanilang pamumuhay. Sila ay naging takot ng mapadaan sa mga lugar na may aswang at ang iba naman sa kanila ay naging mapaghinala at iwas sa mga taong pinaghihinalaan nilang aswang. Ang mga tagatugon ng saliksik na ito ay mayroong kanya–kanyang paniniwala hinggil sa aswang. Ilan sa mga ito ay ang iba’t ibang uri ng aswang na naglipana sa Iloilo, ang mga bagay na ginagawa ng mga aswang at ang mga paraan upang maiwasan ang mga ito. Ang bilang ng taon ng paninirahan sa Iloilo ay malaking bagay upang makapagbigay ng sapat na impormasyon at mga datos hinggil sa aswang. Ang ilan sa mga tagatugon ay nakakalap ng iba’t ibang kwento hinggil sa aswang mula sa kanilang pagkabata hanggang sa kanilang pagtanda. Rekomendasyon Iminumungkahi ng mga mananaliksik sa mga residente ng Iloilo na sikapin nilang maging mas malawak ang kanilang pang–unawa at pag–iisip sa mga kwentong bayan na kanilang naririnig. Upang sa kabila ng pinaniniwalaang kultura ay hindi nito nakokontrol ang pansariling damdamin at magkaroon sila ng pamumuhay na malaya sa takot na dulot ng paniniwalang aswang. Sa kadahilanang kakaunti lamang ang mga naisulat o naitalang katotohanan tungkol sa aswang. Iminumungkahi ng mga mananaliksik sa mga tagatugon na nakaengkwentro na ng aswang na ilathala ang kanilang personal na karanasan sa mga kinauukulan. Ito ay upang magkaroon ng nasusulat na katunayan hinggil sa aswang na maaaring gamitin ng mga susunod na magsasagawa ng kaparehong saliksik. Inirerekomenda ng mga mananaliksik sa mga susunod na magsasagawa ng kaparehong pag-aaral na maglaan ng mas mahabang panahon ng pagkuha ng mga datos upang makakuha sila ng mas madaming bilang ng tagatugon na magbibigay ng sapat na impormasyon ukol sa kanilang pag-aaral. Inirerekomenda ng mga mananaliksik na maghanap mismo ng mga taong napaghihinalaang aswang at kanilang pag-aralan kung anong epekto sa kanila na sila ay napaghihinalaang aswang. Inirerekomenda ng mga mananaliksik na magsagawa ng mas komprehensibong pag-aaral sa mga lugar na mas kilala sa pagkakaroon ng aswang tulad ng Siquijor, Aklan at Capiz. Ang paggamit ng talatanungan at pag-iinterbyu bilang paraan ng pagkuha ng datos ay inirerekomenda din ng mga mananaliksik upang mas mapagtibay nito ang susunod na pagaaral patungkol sa saloobin ng mga tagaIloilo sa aswang.

Item Type: Thesis (Undergraduate)
Additional Information: PSY 893 2008
Subjects: B Philosophy. Psychology. Religion > BF Psychology
G Geography. Anthropology. Recreation > GR Folklore
G Geography. Anthropology. Recreation > GT Manners and customs
H Social Sciences > HT Communities. Classes. Races
Depositing User: Users 4 not found.
Date Deposited: 27 Jan 2016 09:54
Last Modified: 04 Oct 2024 01:55
URI: https://thesis.dlsud.edu.ph/id/eprint/1261

Actions (login required)

View Item View Item