Ang pag-aaral ng konsepto ng altruismo bilang basehan ng Lasalyanong volunterismo ng Students' Extension of Resources through Voluntary Efforts (SERVE) [computer file].

Canlas, Jose Luis N. and Perito, Monalisa Joy A. (2007) Ang pag-aaral ng konsepto ng altruismo bilang basehan ng Lasalyanong volunterismo ng Students' Extension of Resources through Voluntary Efforts (SERVE) [computer file]. Undergraduate thesis, De La Salle University-Dasmariñas.

[thumbnail of Abstract] Text (Abstract)
CanlasPerito ... - Altruismo_Abstract.pdf

Download (200kB)
[thumbnail of Full text] Text (Full text)
CanlasPerito ... - Altruismo.pdf
Restricted to Registered users only

Download (3MB)

Abstract

ABSTRAK Pangalan ng Institusyon: Pamantasang De La Salle- Dasmariñas Lokasyon: Dasmariñas, Cavite Pamagat: Ang Pag-aaral ng Konsepto ng Altruismo Bilang Basehan ng Lasalyanong Volunterismo ng Students’ Extension of Resources through Voluntary Efforts (S.E.R.V.E.) Mga Mananaliksik: Jose Luis N. Canlas at Monalisa Joy A. Perito Pinagkunan ng Pondo: Magulang Halaga: P 7, 000.00 Nagsimula: Oktubre, 2006 Nagtapos: Pebrero, 2007 Layunin: Ang pananaliksik na ito ay naglayong malaman ang konsepto ng Altruismo bilang basehan ng Lasalyanong Boluntersimo ng Students’ Extension of Resources through Voluntary Efforts (S.E.R.V.E.). Gayundin, ang pag-aaral na ito ay naglayon na sagutin ang mga sumusunod na katanungan: 1. Ano ang konsepto ng Altruismo ayon sa mga kasapi ng S.E.R.V.E.? 2. Anu-ano ang indikasyon ng Altruismo sa Lasalyanong Voluntir? 3. Ano ang kahalagahan ng Altruismo sa Lasalyanong Volunterismo? 4. Ano ang implikasyon ng Altruismo sa Lasalyanong Voluntersimo ayon sa mga mga voluntir ng S.E.R.V.E.? 3 Saklaw Ang pag-aaral na ito ay umikot sa pagtalakay ng konsepto ng altruismo batay sa mga datos na nakuha mula sa mga kasapi ng S.E.R.V.E at sa iba pang tao na may kaalaman upang maglahad ng mga ideya tungkol sa paksa. Napili ng mga mananaliksik na ang mga boluntir ng S.E.R.V.E ang gawing mga participant ng pag-aaral na ito dahil kanilang napag-alaman na ang mga boluntir ay isa sa mga maaaring grupo na pwedeng tumalakay sa paksang Altruismo. Gayundin, ang S.E.R.V.E ang may pinakamataas na bilang ng mga boluntir sa loob ng pamantasan. Metodolohiya Sa pananaliksik ng mga impormasyon ukol sa paksang tinatalakay, nalaman ng mga mananaliksik na mayroon na ring iilang mga pag-aaral na maaaring maiiugnay sa paksa, bagamat ang konsepto ng Altruismo sa organisasyon ay hindi pa nagawang talakaying mabuti. Sa ganitong kadahilanan, nagdesisyon ang mga mananaliksik na gumamit ng kwalitatibong-disenyo. Sa pamamagitan nito, mabibigyang linaw ang konsepto ng Altruismo sa pananaw ng mga boluntir ng S.E.R.V.E. Gumamit ang mga mananaliksik ng kwestyuner, upang matugunan ang mga suliranin sa pag-aaral. Nakapaloob sa pagtalakay ang kahalagahann ng pag-aaral at ang paraan ng pagsusuri ng mga datos na 4 nalikom. Ang mga hakbangin sa metodong ginamit ay ang “focus group discussion� o pakikipagkuwentuhan at pagtatanung-tanong. Konklusyon Mula sa mga datos na nakuha, napag-alaman ng mga mananaliksik na ang konsepto ng altruismo ay hindi pamilyar sa mga partisipant, ang mga boluntir ng SERVE. Bagamat hindi pamilyar ang mga partisipant sa konsepto, lumabas pa rin na nagawa nila ito. Maaaring ang salitang altruismo para sa mga partisipant ay isang malalim na salita, at hindi nila masyadong makilala ang ibig sabihin nito. Kung nailagay ang salita sa isang mas mababaw na termino ay maaring napagtanto ng mga partisipant na alam nila ang konsepto na sinasabi ng mga mananaliksik.

Item Type: Thesis (Undergraduate)
Additional Information: PSY 884 2007
Subjects: B Philosophy. Psychology. Religion > BF Psychology
H Social Sciences > HM Sociology
H Social Sciences > HT Communities. Classes. Races
H Social Sciences > HV Social pathology. Social and public welfare
Depositing User: Users 4 not found.
Date Deposited: 27 Jan 2016 08:52
Last Modified: 26 Sep 2024 07:12
URI: https://thesis.dlsud.edu.ph/id/eprint/1252

Actions (login required)

View Item View Item