Alvaro, Hannah Eliza S. and Catarroja, Emma Carmina M. and De Guzman, Kristin L. and Reyes, Maria Cecilia P. (2009) Isang komparatibong pag-aaral hinggil sa estilo ng pakikibagay ng mga Pilipinong nasa kasibulang edad na bumibisita sa mga bar sa Maynila at Dasmariñas. Undergraduate thesis, De La Salle University-Dasmarinas.
Text (Theses)
Pakikibagay ... - AlvaroCatarrojaDeGuzmanReyes.pdf Restricted to Registered users only Download (271kB) |
|
Text
PSY 951 2009.pdf Download (54kB) |
Abstract
ABSTRAK Pangalan ng Institusyon: Pamantasang De La Salle – Dasmariñas Address: Dasmariñas, Cavite Pamagat: Isang Komparatibong Pag-aaral Hinggil sa Estilo ng Pakikibagay ng mga Pilipinong nasa Kasibulang Edad na Bumibisista sa mga Bar sa Maynila at Dasmariñas May Akda: Hannah Eliza S. Alvaro Kristin L. De Guzman Emma Carmina M. Catarroja Maria Cecilia P. Reyes Pinagkuhanan ng Pondo: Mga Magulang Halagang Nagastos: Php 5,000 Petsa na Nagsimula: July 2008 Petsa na Natapos: March 2009 Saklaw at Limitasyon Ang pag aaral na ito ay nakapokus sa mga nasa kasibulang edad na nabibilang sa edad na 16-19. Ang mga mananaliksik ay mangangalap ng mga kalahok sa mga piling bar sa Dasmariñas at Maynila na iuugnay sa paghahambing ng rural at urban na pook. Isasaalang-alang din ang kultura ng urban at rural partikular ng mga nasa kasibulang edad na pumupunta sa mga bar pati na rin ang kanilang kasarian at demograpiko, kabilang dito ang lugar ng kapanganakan o kinalakihan at iba pang demograpikong impormasyon na makatutulong sa pagbuo ng isang komprehensibong pagsusuri. Gagamitin ang metodong pakapa-kapa na angkop sa pag-aaral na maka-Pilipino na nangangailangan ng abilidad sa pakikisama, pakikipagkwentuhan, pagtatanong-tanong at ilan pang metodo na ipinakilala ni Pe-pua. Bibigyangdiin ang konsepto ng pakikibagay sa pag aaral na ito at susubuking tukuyin ang paraan ng pakikibagay ng mga kabataan sa kasalukuyang panahon. Ang tatalakayin lamang na kultura ay ang mga nasa kasibulang edad na nakatira sa urban at rural na karaniwang pumupunta sa bar. Sa kabilang banda, hindi na saklaw ng pag aaral na ito ang mga taong bumibisita sa bar na hindi kabilang sa nasabing edad. Hindi rin bibigyang importansya ang kasarian ng mga kalahok at ang mga kabataang bumibisita sa mga bar na hindi sakop ng Maynila at Dasmariñas. Metodolohiya Isinagawa ng mga mananaliksik ang pag-aaral na ito sa pamamagitan ng kwalitatibong pananaliksik, participant observation at interbyu gamit ang purposive sampling sa pagkuha ng sampung kalahok mula sa Maynila gayun din sa Dasmariñas. Ginamit din sa pag-aaral na ito ang Metodong Pakapa-kapa na isa sa mga metodong ginagamit sa Sikolohiyang Pilipino. Konklusyon Batay sa mga nakalap na datos sa pag-aaral na ito, nalaman ng mga mananaliksik ang mga sumusunod: 1. May pagkakatulad at pagkakaiba ang estilo ng pakikibagay sa bar sa Maynila at Dasmariñas dahil na rin sa pagiging urban at pagiging rural ng mga lugar na ito. Mayroon mang epekto ang pagiging rural o urban ng isang lugar sa klase ng kabataang matatagpuan dito, hindi malayong sa mga lugar na katulad ng Dasmariñas, na maging isang modernong lugar katulad ng Maynila. Naniniwala ang mga mananaliksik na sa kaunting panahon, unti unti na ring matatabunan ang pagka rural ng mga kabataan pagdating sa pamumuhay at paniniwala. Sa kaunting panahon, hindi na magkakalayo ang mga interes ng mga kabataan mula sa Maynila at Dasmariñas. 2. Ang iba’t ibang estilong ito ay nahahati sa dalawang kategorya; ang flirting o paglalandi at ang pakikipagkaibigan. Ang mga estilong ito ay parehong nagaganap sa Maynila at Dasmariñas ngunit mas naisasagawa ang paglalandi sa Maynila kaysa sa Dasmariñas. Ang pagkakaiba naman ay nakabatay sa pananamit, paggalaw at pagkilos sa loob ng bar pati na din sa kaunting pagkakaiba ng dalawa sa pakay ng pagpunta sa mga bar. Rekomendasyon Ang pag-aaral na ito ay lubos na makakatulong sa pang-uunawa ng mga tao laban sa mga kasibulang edad na nagpupunta sa bar. Ito rin ay magiging daan upang magkaroon ng ideya sa mga nagaganap sa loob at labas ng bar. Ang sumusunod ang naging rekomendasyon ng pag-aaral: Sa susunod na mananaliksik. Mapalawak pa ang pag-aaral na ito sa pamamagitan ng paggamit pa ng teorya mula sa Sikolohiya at gamitin ang ibang grupo ng edad na gagawing kalahok. Maaari rin naman na gumawa ng paghahambing ng ibang lugar bukod sa Maynila at Dasmariñas. Lipunan. Maging alerto sila sa mga maaaring mangyari sa bar. Magkaroon din ng curfew na magsisilbing paraan upang maituwid ang direksyon ng mga kasibulang edad na napapalihis ng landas dahil sa hindi tamang persepsyon at pakay sa pagpunta sa mga bar. Kasibulang edad. Upang magkaroon sila ng ideya sa mga nangyayari o nagaganap sa bar. Magulang. Upang lumawak pa ang kanilang pang-unawa sa kanilang mga anak at sa mga kabataan na nagpupunta sa bar. Barhoppers. Upang malaman nila ang limitasyon nila sa tuwing nagpupunta sila sa bar. Maaari rin itong makatulong sa kanila upang malaman nila ang wastong paggalaw sa loob ng bar.
Item Type: | Thesis (Undergraduate) |
---|---|
Additional Information: | PSY 951 2009 |
Subjects: | B Philosophy. Psychology. Religion > BF Psychology H Social Sciences > HS Societies secret benevolent etc H Social Sciences > HT Communities. Classes. Races |
Depositing User: | Users 4 not found. |
Date Deposited: | 26 Jan 2016 02:20 |
Last Modified: | 08 Jun 2021 03:42 |
URI: | https://thesis.dlsud.edu.ph/id/eprint/1199 |
Actions (login required)
View Item |