Ang konsepto ng kulam sa sikolohiyang panlipunan sa Kabite.

Alicio, Ma. Teresa Ruby M. and Donor, Ana Maria Jeresa G. and Mijares,, Andrea B. (2009) Ang konsepto ng kulam sa sikolohiyang panlipunan sa Kabite. Undergraduate thesis, De La Salle University-Dasmariñas.

[thumbnail of Abstract] Text (Abstract)
AlicioDonorMijares ... - Kulam_Abstract.pdf

Download (310kB)
[thumbnail of Full text] Text (Full text)
AlicioDonorMijares ... - Kulam.pdf
Restricted to Registered users only

Download (6MB)

Abstract

ABSTRAK Pangalan ng Institusyon: De La Salle University- Dasmariñas Address: Dasmariñas, Kabite Pamagat: Ang Konsepto ng Kulam sa Sikolohiyang Panlipunan sa Kabite May Akda: Alicio, Ma. Teresa Ruby M. Donor, Ana Maria Jeresa G. Mijares, Andrea B. Pinagkuhanan ng pondo: Mga magulang at sariling ipon Halaga: P10,000.00 Petsa ng simula: Hulyo 2008 Petsa ng Pagsumite: Marso 2009 Objektibs ng Pag-aaral Ang pag-aaral na ito ay may hangaring tukuyin ang konsepto ng kulam sa Sikolohiyang Panlipunan sa Kabite. Ito ay may layunin ding sagutin ang inilahad na mga suliranin ng pag-aaral. Ang Konsepto ng Kulam sa Sikolohiyang Panlipunan sa Kabite Saklaw at Limitasyon Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa pagtukoy ng kulam batay sa konsepto ng mga taong sangkot dito. Ang sakop ng kasalukuyang pag-aaral ay nakasentro sa lalawigan ng Kabite na may kabuuang populasyon na 1,852,396 base sa 2000 sensus. Sa karagdagan, ang pag-aaral na ito ay nangailangan ng humigit kumulang na sampung kalahok mula sa Kabite na nakaranas ng pagkakulam. Samakatuwid, ang nakuhang datos mula sa mga nasabing kalahok ay ginamit bilang karagdagang impormasyon ng mga mananaliksik upang mas makapagbigay ng malawak at malinaw na konsepto ng kulam partikular sa lalawigan ng Kabite. Metodolohiya Ang mga mananaliksik ay gumamit ng Pamamaraang Kwalitatibo ng Pananaliksik sa pag-aaral ng konsepto ng kulam sa Sikolohiyang Panlipunan sa Kabite. Sa karagdagan, ang ikalawang iskala ay siyang ipinatupad ng mga mananaliksik sa kasalukuyang pag-aaral sa pagnanasang matuklasan o masiyasat ang anumang bagay na nauukol sa diwang Pilipino sa pamamagitan ng partisipasyon ng kalahok. Ang Konsepto ng Kulam sa Sikolohiyang Panlipunan sa Kabite Gumamit din ang mga mananaliksik ng snowball sampling bilang paraan ng pagpili sa mga hinahangad na kalahok sa kasalukuyang pag-aaral. Bilang panghuli, gumawa ang mga mananaliksik ng mga gabay katanungan upang makakuha ng datos mula sa mga kalahok. Mga Kasagutan Unang Suliranin. Ano Ang Demograpiya ng Pananaliksik? Sa unang suliranin ay isinasalarawan ang ilang impormasyon mula sa pitong kalahok na nagbahagi ng kanilang karanasan at saloobin para sa isinasagawang pag-aaral. Kabilang na rito ang kanilang edad, kasarian, lugar na pinangyarihan ng pangungulam at maging ang kanilang relihiyon. Ang mga kalahok ng isinagawang pag-aaral ay ang pitong residente mula sa Kabite. Apat o 57.14% buhat sa pitong kalahok ay napapabilang sa edad mula 41 hanggang 50. Habang tig-iisa lamang o tig14.29% ng kalahok ang na nakakwentuhan ng mga mananaliksik na nasa pagitan ng edad 51-60, 71-80 at 81-90. Mula sa mga naganap na pakikipagkwentuhan ay napansin ng mananaliksik na ang mga kalahok sa naturang edad ay mas may higit na paniniwala sa mga pamahiin at tradisyon na hanggang sa kasalukuyan ay kanilang tinatangkilik. Ikalawang Suliranin. Ano ang Konsepto ng Kulam sa mga Kabitenyo? Ang Konsepto ng Kulam sa Sikolohiyang Panlipunan sa Kabite Ang ikalawang suliranin naman ay tumutukoy sa Inilahad sa iba’t-ibang konsepto ng kulam ng mga Pilipino partikular na ang mga kalahok mula sa Kabite. Nakapaloob sa bahaging ito ang mga pananaw at paniniwala ng mga kalahok batay sa pakahulugan at pinagmulan ng konsepto ng kulam sa kanilang lalawigan. Upang mas maipaliwanag ng husto ang mga datos na nakalap mula sa mga kalahok patungkol sa kanilang pakahulugan sa kulam, gumamit ang mga mananaliksik ng isang figyur na hinati sa apat kategorya base sa dalas ng tugon ng kalahok. Ang mga kategoryang kabilang ay: (1) Masamang Espiritu, (2) Mahiwaga, (3) Itim na Salamangka at (4) Naloloka. Ikatlong Suliranin. Ano ang mga naging Karanasan ng mga Kalahok ukol sa Kulam? Ang Ikatlong Suliranin ay tumatalakay sa iba’t-ibang karanasang inilahad ng mga kalahok sa panayam na ginawa ng mga mananaliksik patungkol sa kulam. Ang pitong kalahok ng pag-aaral na ito ay nagbahagi ng kanilang mga sariling pinagdaanang karanasan batay sa paksa ng ginawang pagsasaliksik. Ang tinutukoy na karanasan ng mga kalahok sa kulam ay kinabibilangan ng mga inilahad nilang mga pagbabago o pangyayari sa kanilang kilos o ugali, pisikal na kaanyuan at pakiramdam na ginamit ng mga mananaliksik bilang matibay na basehan Ang Konsepto ng Kulam sa Sikolohiyang Panlipunan sa Kabite na ang mga nasabing kalahok ay nabiktima ng kulam. Ito ay ikinategorya sa tatlong bahagi: Pagbabago sa Kilos, Pagbabago sa Pisikal na Kaanyuan, at Pagbabago sa Pakiramdam. Ikaapat na Suliranin. Ano ang Implikasyon ng Konsepto ng Kulam sa Sikolohiyang Panlipunan? Tinukoy dito ang implikasyong dulot ng konsepto ng kulam sa Sikolohiyang Panlipunan partikular na sa lalawigan ng Kabite kung saan isinagawa ang pag-aaral pati na rin sa mga mamamayang sakop ng lalawigang ito. Ang implikasyon ng Konsepto ng Kulam sa Sikolohiyang Panlipunan ay nahahati sa tatlong kategorya: (1) Epekto sa kognitibong proseso ng mga Kabitenyo, (2) Epekto sa relasyong sosyal ng mga Kabitenyo, at (3) Epekto sa kultural na konteksto ng mga Kabitenyo. Konklusyon Ang bahaging ito ay inilalahad ang konklusyong nabuo ng mga mananaliksik sa ginawang pagsasaliksik. Ang mga konklusyong nabuo ay ibinase ng mga risertsers sa apat na suliraning inilahad sa pag-aaral na ito. Ayon sa mga datos na nakalap, ang mga tugon ng mga kalahok patungkol sa kahulugan at pinagmulan ng kulam ay mayroong mga Ang Konsepto ng Kulam sa Sikolohiyang Panlipunan sa Kabite 7 pagkakaiba. Ang mga inilahad na pagkakaiba sa pakahulugan ng mga kalahok ay kinapapalooban ng: masamang gawain, mahiwaga, itim na salamangka at naloloka na ibinatay ng mga kalahok sa kanilang kanya-kanyang paniniwala at pananaw. Samantala, ang kanilang mga tugon sa pinaniniwalaan nilang pinagmulan ng kulam ay batay sa impluwensyang dulot ng kanilang karanasan at personalidad na inugnay ng mga mananaliksik sa teoryang ni Sigmund Freud tungkol sa id, ego at superego Ang naging karanasan ng mga kalahok patungkol sa kulam ay kinapalooban ng iba’t ibang mga pagbabagong naranasan ng mga ito sa kanilang kilos, pisikal na kaanyuan at pakiramdam. Kaugnay nito, sa ginawang pagsasaliksik nabatid din na ang kadalasang sanhi ng pagkakulam ay inggit o galit mula sa isang taong maapit o kilala rin mismo ng biktima na binibigyan ng lunas sa pamamagitan ng mga dasal, ritwal o gamot na gawa ng isang albularyo o eksperto sa kulam. Ang mga kalahok ay may kanya-kanyang pagsasalarawan sa mga epektong dulot ng kanilang karanasan sa kulam sa mga salik sa lipunan na bumubuo sa sikolohiyang panlipunan. Ang mga epektong nabanggit ay kinapapalooban ng epekto sa kognitibong proseso, relasyong sosyal at kultural na konteksto ng mga kalahok.

Item Type: Thesis (Undergraduate)
Additional Information: PSY 944 2009
Subjects: B Philosophy. Psychology. Religion > BF Psychology
G Geography. Anthropology. Recreation > GR Folklore
H Social Sciences > HT Communities. Classes. Races
Depositing User: Users 4 not found.
Date Deposited: 26 Jan 2016 00:31
Last Modified: 08 Oct 2024 07:35
URI: https://thesis.dlsud.edu.ph/id/eprint/1192

Actions (login required)

View Item View Item