Perez, Ma. Rodessa C. and Vinzon, Michelle J. (2008) Konsepto ng sarili at saloobin ng mga piling lalaking maybahay ng General Mariano Alvarez, Cavite. Undergraduate thesis, De La Salle University-Dasmariñas.
Text (Abstract)
PerezVinzon ... - LalakingMaybahay_Abstract.pdf Download (220kB) |
|
Text (Full text)
PerezVinzon ... - LalakingMaybahay.pdf Restricted to Registered users only Download (4MB) |
Abstract
ABSTRAK Pangalan ng institusyon: Pamantasang De La Salle – Dasmariñas Lokasyon: Dasmarinas, Cavite Pamagat: Konsepto ng Sarili at Saloobin ng mga piling Lalaking maybahay ng General Mariano Alvarez, Cavite Mga Mananaliksik: Perez, Ma. Rodessa C. Vinzon, Michelle J. Pinagkunan ng Pondo: Magulang Halaga: P 8, 000 Nagsimula: Hunyo 2007 Natapos: Pebrero 2008 Layunin: Sa panahon natin ngayon, marami na ang mga misis ang s’yang nagtatrabaho para sa pamilya habang ang kanilang mga mister ay nananatili sa bahay upang asikasuhin ang pamilya. Dahil sa pangyayaring nabanggit, naging interesado at umusbong ang kuryosidad ng mga mananaliksik sa konsepto ng pagiging lalaking maybahay ukol sa Konsepto ng kanilang Sarili at Saloobin na siyang naging paksa ng pag-aaral na ito. Naisip ng mga mananaliksik, bukod sa kuryosidad ang nag udyok sa nasabing paksa na gagawaan ng pag- aaral, parang isang malaking pagsubok ang gawin ito. Bakit? Dahil kinikilala natin na ang mga lalaking ito ay may dignidad na inaalagaan sa pagtaguyod ng kanilang pamilya. At kung kakausapin sila sa ganitong klaseng sitwasyon, sa pagiging lalaking maybahay, maaaring hindi sila umusbong kung sila man ay nasa nasabing sitwasyon. Maaaring mahiya sila na pag-usapan ang ganitong bagay dahil nga sa naturing pagkalalaki na dapat siya ang padre de pamilya at hindi ang misis ang nahihirapan magtrabaho para sa buong pamilya. Saklaw at Delimitasyon Ang pag-aaral na ito ay umikot sa pagtalakay sa konsepto ng Sarili, at Saloobin ng mga piling lalaking maybahay sa General Mariano Alvarez, Cavite, batay sa mga datos na nakuha mula sa mga kalahok na may kaalaman upang magbigay ng mga ideya tungkol sa paksa. Napili ng mga mananaliksik ang paksang ito batay na rin sa dumaraming populasyon ng mga kalalakihang walang trabaho. Gayundin, dahil sa limitado lamang ang lugar ng pinag-ganapan ng pananaliksik na ito, ang resulta ng pag-aaral ay magiging representasyon lamang ng mga tao sa naturang lugar at hindi maaaring ituring na pangkalahatang pananaw ng mga naturingang lalaking maybahay. Disensyo ng Pananaliksik Ang uri ng pananaliksik na ginamit sa pag-aaral na ito ay ang descriptive case study. Ayon kay Yin (2003), ang descriptive o paglalarawan ay paraan ng pananaliksik sa pamamagitan ng pagkulekta ng mga impormasyon na magagamit sa pangkasalukuyang pag-aaral. Ito ay upang masagot ang mga katanungan sa pag-aaral na ito. Ayon naman kay Flyvjerg (2006), ang case study ay naglalayong magbigay ng sistematikong paraan ng pagkalap ng mga mahahalagang datos o pangyayari, pag-a-analisa ng mga impormasyon, at pagtalakay ng mga resulta, na magbibigay ng sapat at matibay na impormasyon upang lalong malinawan ang suliranin na kinaharap ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito. Pangunahing Natuklasan Batay sa mga nakalap na datos, kapag nakasanayan na ang ganitong baliktaran ng sitwasyon, natatanggap na din ng lalaki sa bandang huli ang pagpasok sa biglaang pagpalit ng responsibilidad. Napapamahal din sila sa kanilang gawaing bahay sapagkat nakakapiling nila ang kanilang mga anak. Nasusubaybayan nila ang paglaki ng mga anak na sa karamihan ng mga lalaking nagtratrabaho, lalo na ang mga nangingibang bansa, ay hindi nagagawa. Nasisiyahan din sila na kaya pala nilang tapatan ang kanilang misis sa pamamahala ng bahay, pag- aaruga ng mga anak, at sa iba pang gawaing bahay. Mayroong nag-aasam pa rin na makahanap sana ng magandang trabaho para naman makapahinga ang misis at siya naman ang muling makapagtrabaho. Ngunit kahit pa man lalaking maybahay ang sitwasyon, hindi nila ito ikinakaila sapagkat sa ganitong paraan, naipapakita din ang pagmamahal para sa pamilya dahil nagagampanan ang tunay na trabaho para sa tamang pagsubaybay at pag- alaga sa sariling pamilya. Konklusyon Ang pananaliksik na ginawa ay hindi naging madali para sa isang pag-aaral. Kailangang makahanap ka ng kalahok na papayag sa pakikibahagi ng sariling impormasyong at ipakita sa kanila na mananatiling pribado ang lahat ng napagusapan sapagkat maselan ang mga bagay na tinalakay sa ginawang pananaliksik. Marami sa kalalahikan ngayon ang hindi nakapagtapos ng kanilang pag-aaral na nagiging sanhi ng pagkawala ng trabaho. Samantalang ang mga babae naman ang may mas magandang oportunidad lalo na sa pangingibang bansa.Batay sa mga kalahok na nakapanayam, halos lahat sa mga lalaking maybahay na ang sa una ay hindi matanggap ang ganitong klaseng sitwasyon. Hindi sila sanay na matigil sa bahay at sila ang mag- aruga sa mga anak. Sadyang nagkakaroon ng pangungutya sa mga lalaki sapagkat nakasanayan na nga na ang lalaki dapat ang magtataguyod sa pamilya at hindi ang babae ang magkakayod upang buhayin ang buong pamilya. Sa mga nagaganap na ganitong sitwasyon, napapatunayan din na nagkakaroon na ng equalidad sa kababaihan at kalalakihan. Nagkakaroon ng oportunidad na makapagtrabaho ang babae tulad ng mga lalake. Nakakayanan gampanan ng babae ang pagiging madre de familia at haligi ng tahanan sa pagsuporta at pagtaguyod ng sariling pamilya. Kaya na ng babae ang maraming bagay na noong panahon ay para sa lalake lamang. Ngunit pakakatandaan na meron pa ding sariling kakayahan ang kalalakihan na di kaya ng babae at naaakma lamang sa lalake at ganun din para sa mga kababaihan. Rekomendasyon Batay sa mga nakalap na datos ng mga mananaliksik sa kanilang ginawang pag- aaral, nakabuo ng rekomendasyon sa mahahalagang puntos na dapat ay hindi isawalang-bahala ninu man. Ito ay ang sumusunod: 1. Para sa mga lalaking maybahay, dapat ay mahalin ang ganitong klaseng trabaho dahil mas mahirap pa ito kaysa sa aktuwal na pamamasukan sa mga kompanya sapagkat dito na nakasalalay ang totoong paraan ng pamumuhay at dito napupunta ang pamamahala ng isang pamilya. 2. Para sa mga babaing nagta-trabaho para sa pamilya, kinakailangan na mataas ang kanilang pagtingin sa sarili sapagkat nakatutulong sa pagsuporta ng pamilya at hindi lang sila pang taong bahay. 3. Dahil nga sa naglipanang suliranin na kakulangan sa edukasyon kung kaya’t dumarami ang nawawalan ng trabaho na mga kalalakihan kailangang matanggap na sa lipunan ang umuusbong na sitwasyong lalaking maybahay at iwaksi ang negatibong pag-iisip. 4. Para sa lahat, nararapat na mabuwag na ang kulturang masochismo upang maiwasan ang mga bulung- bulungan patungkol sa aspetong hindi nararapat ang pagkakapalit ng reponsibilidad sa mag-asawa. Mas mahalaga ang maitaguyod ang buong pamilya sa mas naaayon na paraan, ang babae man o lalaki ang maghahanap-buhay. 5. Para sa ating pamahalaan, nararapat lamang na pag-ukulan din ng ibayong pansin ang dumadaming kalalakihan na walang trabaho. 6. Para sa mga susunod na mananaliksik, ang mga impormasyon na nakasulat dito ay maaaring gawing future reference dahil ito ay batay sa mga kalahok na mayroong tunay na kalagayan sa pagiging isang lalaking maybahay. At pinapayuhan din sila na mangalap ng mga impormasyon sa ibang lugar at kumuha ng mas malaking populasyon ng mga naturingang lalaking maybahay.Kailangang maisiguro nila sa mga kalahok na lahat ng ginagawang pananaliksik ay para sa pormal na pag- aaral lamang at mananatiling pribado lahat ng makakalap na mga datos.
Item Type: | Thesis (Undergraduate) |
---|---|
Additional Information: | PSY 938 2008 |
Subjects: | B Philosophy. Psychology. Religion > BF Psychology H Social Sciences > HQ The family. Marriage. Woman H Social Sciences > HT Communities. Classes. Races |
Depositing User: | Users 4 not found. |
Date Deposited: | 25 Jan 2016 08:09 |
Last Modified: | 04 Oct 2024 00:46 |
URI: | https://thesis.dlsud.edu.ph/id/eprint/1188 |
Actions (login required)
View Item |