What makes Pinoy a Pinoy? : [electronic resource] pag-aaral tungkol sa relasyon ng demograpik profayl sa Filipino identity ng mga balikbayan sa Silang, Cavite [computer file].

Briz, Ruby Jane P. and Roderno, Leigh Ann S. and Tabios,, Romulo Carlo T. (2008) What makes Pinoy a Pinoy? : [electronic resource] pag-aaral tungkol sa relasyon ng demograpik profayl sa Filipino identity ng mga balikbayan sa Silang, Cavite [computer file]. Undergraduate thesis, De La Salle University-Dasmariñas.

[thumbnail of Abstract] Text (Abstract)
PSY 903 2008.pdf

Download (71kB)
[thumbnail of Full text] Text (Full text)
FilipinoIdentity - BrizRodernoTabios.pdf
Restricted to Registered users only

Download (3MB)

Abstract

ABSTRAK Pangalan ng Institusyon: De La Salle University – Dasmariñas Address: Dasmariñas, Cavite Pamagat: What makes Pinoy a Pinoy? Pag-aaral tungkol sa Relasyon ng Demograpik Profayl sa Filipino Identity ng mga Balikbayan sa Silang, Cavite May Akda: Ruby Jane P. Briz Leigh Ann S. Roderno Romulo Carlo T. Tabios Pinagmulan ng Gastos: Mga magulang Halaga: 15,000 Sinimulan: August 2007 Natapos: February 2008 Layunin ng Pag-aaral A. Pangkalahatan Ito ay naglalayong malaman ang estado ng pagka Pilipino ng mga balikbayan gamit ang piling populasyon sa Silang, Cavite. B. Partikular • Ito ay naglalayong malaman kung may epekto ang pagkalayo ng mga balikbayan na taga Silang, Cavite sa kanilang pagka Pilipino. • Ito ay naglalayong malaman kung anong mga kaugaliang Pilipino ang nagbago sa kanilang pagkalayo sa sariling bayan. Saklaw at Limitasyon Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pag-aaral ng lebel ng identidad ng pagiging Pilipino ng napiling kalahok na balikbayan sa Silang, Cavite. Tatalakayin lamang ang epekto ng tagal ng pamamalagi sa ibang bayan at ang identidad ng mga balikbayang Pilipino sa pamamagitan ng demograpikong profayling. Ang mga kategoryang ginamit sa demograpik profayl ay ang kanilang edad, kasarian, bilang ng taon ng pamamalagi sa ibang bansa at kasamahan sa trabaho. Ang pagaaral na ito ay nakatuon lamang sa deskriptibong korelasyonal na pagaaral at hindi naglalayong magbigay ng panibagong teyorya sa isyung pagiging Pilipino ng mga balikbayang Pilipino. Hakbangin sa Pagkuha ng Datos Ang mga naging hakbangin ng mga mananaliksik sa pagaaral na ito ay ang mga sumusunod: Una, isinagawa ng mga mananaliksik ang pag-aaral na ito sa kadahilanang maraming mga Pilipino ang umaalis sa bansa at bumabalik lamang pagkatapos ng maraming taon. Ang mga mananaliksik ay nagkaroon ng interes na malaman kung ano na ang identidad ng mga balikbayang Pilipino pagkatapos ng maraming taong pananatili sa ibang bansa. Pangalawa, nagtanong ang mga mananaliksik sa iba’t ibang tao kung sila ay may mga kakilalang balikbayan na pwedeng maging kalahok para sa pag-aaral na ito. Ang mga naging kalahok ay nakuha sa pamamagitan ng sa mismong kalahok, mga kakilala o kaya naman ay dahil may kakilala ang mga kaibigan. Pangatlo, gumawa ang mga mananaliksik ng talatanungan na susukat sa identidad ng mga balikbayang Pilipino. Ang mga naging katanungan ay ibinase ng mga mananaliksik sa mga literaturang nakalap. Pang-apat, gumawa rin ang mga mananaliksik ng sulat na magbibigay pahintulot sa mga mananaliksik na kumalap ng mga datos. Ito ay pinapirmahan sa kanilang thesis adviser, sa chair ng Behavioral Science Department at sa Dekano ng College of Liberal Arts. Panlima, pinuntahan ng mga mananaliksik ang mga kalahok sa pag-aaral upang masagutan ang ginawang mga katanungan ng mga mananaliksik. Pagkatapos mapasagutan, tinanong ng mga mananaliksik kung mayroon pa silang pwedeng irekomenda para maging kalahok din sa pag-aaral na ito. At ang pinakahuli, pagkatapos na mapasagutan ang talatanungan sa mga kalahok sa pag-aaral na ito ay pinagsama-sama ito ng mga mananaliksik upang makalap ang mga datos na nakapaloob sa sinagutan nilang mga katanungan. Ang mga naging resulta sa pagpapasagot sa mga kalahok sa talatanungan ay itinala ng mga mananaliksik at sinuring mabuti upang malaman ang identidad ng mga balikbayang Pilipino. Resulta Walang relasyon ang mga demograpik profayl sa identidad ng mga balikbayang Pilipino sa Silang, Cavite. Konklusyon Sa resulta ng pag-aaral na ito, nabuo ang mga sumusunod na konklusyon ng mga mananaliksik: 1. Walang relasyon ang demograpik profayl ng mga balikbayang Pilipino sa kanilang identidad. Sa pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik, maraming impormasyon sa identidad ng mga balikbayang Pilipino sa Silang, Cavite ang natuklasan. Kabilang na rito ang mga nabago at nanatili nilang mga ugali, pagkilos, valyus at kung anu-ano pa. 2. Lumalabas sa pag-aaral na ito na karamihan sa mga balikbayan sa Silang, Cavite ay nananatiling mataas ang lebel ng identidad ng pagka Pilipino kahit pa sila ay matagal na nanirahan sa ibang bansa at nagkaroon ng mga dayuhan na katrabaho kung kaya’t ang demograpik profayl ng mga balikbayan ay walang relasyon sa lebel ng kanilang identidad. 3. Bilang mananaliksik, masasabi na dahil sa pag-aaral na ito ay nalaman ang lebel o lalim ng pagiging Pilipino ng mga balikbayan sapagkat napagtanto ng mga mananaliksik ang kahalagahan ng pagsasapuso ng pagiging Pilipino sa pagbuo ng isang matatag na bansa. Rekomendasyon Sa pag-aaral na ito ay inirerekomenda ng mga mananaliksik ang mga sumusunod: 1. Para sa mga susunod na mananaliksik, kumuha o maghanap ng mas maraming kalahok upang mas mapalalim at mapagtibay ang pagaaral na gagawin. Ipagpatuloy ang pananaliksik na ito upang magkaroon pa ng mas malalim na pagsusuri tungkol sa lebel ng identidad ng balikbayang Pilipino. 2. Para sa mga kalahok, sila ay dapat magbigay ng kanilang taospusong kooperasyon sa mga mananaliksik upang mas maging maayos at mabisa ang pag-aaral na gagawin ng mga mananaliksik. 3. Para sa mga Psychologist, Guidance Counselor, makakatulong ang pag-aaral na ito sa paggawa ng mga programang makatutulong para sa mga balikbayang Pilipino upang lubusang maunawaan ang kanilang identidad.

Item Type: Thesis (Undergraduate)
Additional Information: PSY 903 2008
Subjects: B Philosophy. Psychology. Religion > BF Psychology
H Social Sciences > HN Social history and conditions. Social problems. Social reform
H Social Sciences > HT Communities. Classes. Races
H Social Sciences > HV Social pathology. Social and public welfare
Depositing User: Users 4 not found.
Date Deposited: 23 Jan 2016 03:30
Last Modified: 04 Oct 2024 01:58
URI: https://thesis.dlsud.edu.ph/id/eprint/1152

Actions (login required)

View Item View Item