Liwag, Anne Malyn R. and Umali, Alexa R. (2014) Isang paghahambing: konsepto ng paghahanapbuhay sa sariling lugar at sa ibang lugar ng mga piling Aeta mula sa Bayan ng Zambales. Undergraduate thesis, De La Salle University-Dasmarinas.
Text (Theses)
LiwagUmali ... - Aeta.pdf Restricted to Registered users only Download (776kB) |
|
Text
PSY 1160 2014.pdf Download (29kB) |
Abstract
Pangalan ng Institusyon: Pamantasang De La Salle -Dasmarinas Lokasyon: Lungsod ng Dasmarinas, Cavite Pamagat: Isang Paghahambing: Konsepto ng Paghahanapbuhay sa Sariling Lugar at sa Ibang Lugar ng mga Piling Aeta mula sa Bayan ng Zambales Mga Mananaliksik: Anne Malyn R. Liwag Alexa D. Umali Pinagkuhanan ng pondo: Mga Magulang Nagsimula: Hunyo 2013 Natapos: Marso 2014 Halaga: P30, 000 PAGLALAHAD NG SULIRANIN Ang sumusunod na mga katanungan ay ang mga suliranin na naglalayong hanapan ng kasagutan ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito. 1. Demograpikong profayl a. Pangalan b. Edad c. Dating hanapbuhay/ Kasalukuyang hanapbuhay 2. Ano ang konsepto ng mga piling Aeta sa hanapbuhay sa kanilang sariling lugar? 3. Ano ang konsepto ng mga piling Aeta sa hanapbuhay sa ibang lugar? De La Salle University – Dasmariñas 4. Ang paghahambing sa konsepto ng hanapbuhay ng mga Aeta sa kanilang sariling lugar at ang konsepto ng hanapbuhay ng mga Aeta sa ibang lugar. SAKLAW AT LIMITASYON Ninanais ng pag-aaral na ito na paghambingin ang konsepto ng mga piling Aeta sa hanapbuhay sa kanilang sariling lugar at ang konsepto ng mga Aeta sa hanapbuhay sa ibang lugar. Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito ay nilimitahan lamang sa sampung (10) piling Aeta na may batayang edad na dalawampu (20) hanggang apatnapung (40) taong gulang. Ang mga napiling kalahok ay nangangailangan ring nakaranas nang maghanapbuhay o kasalukuyang may hanapbuhay. METODOLOHIYA Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng kwalitatibong uri ng pananaliksik at partikular na ang deskriptibong disenyo. Ito ay hindi gumamit ng anumang estadistika, bagkus ito ay may layuning magsalarawan ng konsepto mayroon ang mga Aeta ukol sa hanapbuhay sa sariling lugar at sa ibang lugar. Ang mga mananaliksik ay nagtala ng kanilang mga kasagutan na tinatawag ring transcript na nagpapatunay rin na ang pag-aaral na ito ay kwalitatibong uri ng pananaliksik. Ang mga kasagutan ng mga napiling kalahok ay sumailalim sa pagrerekord, pag-aanalisa at sa pagbibigay interpretasyon kung kaya’t masasabi na ang deskriptibong pamamaraan ay tunay na angkop para sa pag-aaral na ito. De La Salle University – Dasmariñas Ang Purposive Sampling ay ginamit ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito sapagkat mayroon itong pamantayan sa pagpili, at ito ay ang edad at ang kasalukuyang hanapbuhay o kung may karanasan nang maghanapbuhay ang mga kalahok. Ang mga materyales at kagamitan tulad ng video camera o voice recorder, papel at panulat ay kinailangan rin sa pagsasaayos ng mga datos na nakuha. KONKLUSYON NG PAG-AARAL Ang sumusunod na mga konklusyon ay nabuo mula sa pananaliksik na naganap. (a) Ang hanapbuhay ng mga kalahok na Aeta ay makikitang tunay na may kauganyan sa bulubundukin o sa lupa katulad ng pagtatanim ng gulay at prutas. Masasabing ang pamamaraan ng kanilang pamumuhay ay tradisyunal at hindi pa moderno. Ang uri ng pamumuhay na ito ay sinasabing natutuhan nila mula pa sa kanilang mga ninuno. Ang kanilang paraan ng pamumuhay ang nagpapakita ng kanilang pagiging katutubo, ang tradisyon at ang kanilang mga paniniawala ay tunay na may kauganayan rin sa kanilang pamumuhay. Masasabing sila ay hindi pa bukas sa mga makabagong teknolohiya kung kaya’t mapapansin na lamang katulad ng kanilang pagtingin sa panahon o sa paparating na kalamidad, ito ay ginagamitan pa rin nila ng katutubong pamamaraan. De La Salle University – Dasmariñas (b) Ang pananaliksik na ito ay nagpapakita na ang mga Aeta ay tunay na simple lamang ang paraan ng pamumuhay, sila ay kuntento na sa mga bagay na mayroon sila, ang pagkakaroon ng pang-arawaraw na pagkain, ang mga bagay na kailangan ay nasa paligid lamang at ang makasama ang pamilya ay ang mga bagay na tunay na nagsasabing ang mga kalahok ay hindi na humihiling pa na maghanapbuhay sa ibang lugar. Marahil para sa kanila, ang paghahanapbuhay o ang paglipat sa ibang lugar ay isang malaking pagsubok na hindi nila kayang lampasan dahil sa mga kakulangan na mayroon sila, ang kakulangan sa edukasyon, ang kaalaman ukol sa mga makabagong teknolohiya, ang kanilang tradisyon at kaugalian o ang kanilang paraan ng pamumuhay ay makikitang isa sa mga nagiging hadlang upang sila ay makipagsapalaran sa ibang lugar o sa ibang kapwa Pilipino. At masasabi rin na ang hanapbuhay sa ibang lugar ay itinuturing nilang mahirap o malapit sa gulo. Ang kanilang pangkatutubong uri ng pamumuhay ay tunay na nagpapakita na mula noon hanggang sa kasalukuyan sila ay naka angkla pa rin sa tradisyunal na pamamaraan at ito ay nakalagpas na ng ilang libong taon ng hindi nagbabago at hindi nangangailangan pang maimpluwensyahan ng ibang paraan ng pamumuhay. (c) Ang kahalagahan ng lupa para sa mga Aeta ay makikitang may malaking kaugnayan sa kanilang pamumuhay. Ito ay itituring nilang panginoon na nagbibigay sa kanilang ng lahat ng kanilang pangangailangan. Para sa kanila ang lupa ay bahagi na ng kanilang buhay at sa pagkakataong mailayo ang mga katutubong Aeta sa kanilang lupang kinagisnan ay masasabing De La Salle University – Dasmariñas tinanggalan na rin sila ng karapatan na mamuhay at maituturing itong pagaalis sa kanila sa pagiging isang katutubo. REKOMENDASYON Ang sumusunod na mga rekomendasyon ay nabuo base sa mga resultang nakalap sa pananaliksik na ito. (a) Mga Aeta. Inirerekomenda ng mga mananaliksik na panatilihing buhay ang kanilang kinagisnang pamamaraang ng pamumuhay, tradisyon at ang pagkakakilanan ng kanilang pangkat. (b) Gobyerno/ Lokal na tagapangasiwa. Pinapayuhan na ang lokal na mga tagapangisawa ay maging maingat sa pagbibigay ng mga proyekto at hakbanging makakaepekto o maaring magkatapak sa paniniwala, kinagisnan at tradisyon ng mga katutubong Aeta. (c) Sa susunod na Mananaliksik. Para sa mga susunod na mananaliksik na gagawa ng pag-aaral na may kaugnayan sa pananaliksik na ito. Ang karagdagang dami ng kalahok ay inirerekomenda upang sa gayon ay magkaroon ng mas malalim na basehan ang mga datos, ang pagpili ng kalahok base sa edad o hanapbuhay at ang mismong kalahok ay inirerekomendang baguhin, maaring ibang pangkat ng katutubo naman ang piliin bilang kalahok o maaring ibang konsepto naman ang hanapin sa pag-aralan, upang sa gayon ay magkaroon ng naiibang perskpektibo ang gagawing pananaliksik.
Item Type: | Thesis (Undergraduate) |
---|---|
Additional Information: | PSY 1160 2014 |
Subjects: | B Philosophy. Psychology. Religion > BF Psychology G Geography. Anthropology. Recreation > GT Manners and customs |
Depositing User: | Users 4 not found. |
Date Deposited: | 13 Nov 2015 02:09 |
Last Modified: | 02 Jun 2021 02:30 |
URI: | https://thesis.dlsud.edu.ph/id/eprint/113 |
Actions (login required)
View Item |