Bhe, bes, betsy: ang papel ng tawagan sa magkaibigan

Dee, Marie Joanna A. and Valerozo, Maria Alexis T. (2015) Bhe, bes, betsy: ang papel ng tawagan sa magkaibigan. Undergraduate thesis, De La Salle University-Dasmarinas.

[thumbnail of Full-text] Text (Full-text)
DeeValerozo ... - TawaganMagkaibigan.pdf
Restricted to Registered users only

Download (1MB)
[thumbnail of Abstract] Text (Abstract)
PSY 1231 2015.pdf

Download (262kB)

Abstract

Ang pagkakaroon ng tawagan ay madalas na naoobserbahan sa mga magkaibigan. Sinuri ng mga mananaliksik ang maka-Pilipinong pagtingin sa papel ng tawagan sa magkaibigan. Ang tawagan bilang isang pangalan na binigyang-kahulugan na isang salitang ginagamit upang ipamalit sa pangalan ng isang tao at may kahulugan batay sa pinag-ugatan ng relasyon. Ito ay may pinakamalapit na pagsasalin sa wikang ingles na call sign at endearment. Ang mga kalahok ay binubuo ng walong pares sa pagitan ng edad na 17 hanggang 53 taong gulang. Ginamit ang pakikipagkuwentuhan bilang pamamaraan sa pagkalap ng datos. Ang ginagampanang papel ng tawagan sa magkaibigan ay ang pagbibigay-halaga, indikasyon na may taong maaasahan, taong pinagkakatiwalaan, nagsisilbing koneksiyon at palamuti sa pagkakaibigan. Hinihikayat na pagaralan ang papel ng tawagan sa pagitan ng iba’t ibang relasyon at makita ang pagkakaiba nito. Keyword: tawagan, magkaibigan

Item Type: Thesis (Undergraduate)
Additional Information: PSY 1231 2015
Keywords: Subjects : Terms of endearment; Friendship.
Subjects: B Philosophy. Psychology. Religion > BF Psychology
Depositing User: Users 4 not found.
Date Deposited: 29 Jul 2015 03:35
Last Modified: 21 Feb 2022 03:47
URI: https://thesis.dlsud.edu.ph/id/eprint/1128

Actions (login required)

View Item View Item