Ching, Joyce Ann M. and Tirona, Jose Paulo T. (2014) Ang konsepto ng lungkot ng matatandang naninirahan sa tahanan ni Maria. Undergraduate thesis, De la Salle University-Dasmarinas.
Text (Theses)
ChingTirona ... - Kosepto.pdf Restricted to Registered users only Download (993kB) |
|
Text
PSY 1212 2014.pdf Download (27kB) |
Abstract
ABSTRAK Ang pag-aaral ng mga mananaliksik ay tumatalakay sa Konsepto ng Lungkot ng Matatandang Naninirahan sa Tahanan ni Maria. Matatanda ang napiling maging kalahok na may lubos na kaalaman at karanasan sa lungkot. Gamit ang katutubong pamamaraan ng pananaliksik ni Virgilio Enriquez: (Pepua 1982) pagdalaw-dalaw, pagtatanong-tanong, pakikipagkwentuhan at pakikipagpalagayang-loob, nabigyang kasagutan at linaw ang mga katanungan na nailahad sa suliranin. Ang mga pananaliksik na ito ay layuning malaman ang konsepto ng lungkot, mga salitang katumbas o kahalintulad ng salitang lungkot at mga dimensyon ng lungkot. Mula sa pakikipagkwentuhan may anim na konsepto ng lungkot ang mga kalahok. Ito ay sa tuwing naaalala ang pamilya, mga problema sa buhay, pansamantala lamang at kusang naglalaho, mga kabiguan sa nakaraan, tuwing nagiisa, at dulot ng pagkamatay ng mga kasamahan. Ang mga salitang katumbas o kahalintulad ng salitang lungkot ay ang namimingaw at napupungaw. May dalawa namang dimensyon ang lungkot ayon sa mga kalahok. Ito ay ang relasyon sa pamilya at kasamahang matatanda at nakaraang karanasan sa lungkot. Layunin ng Pag-aaral: Layunin ng mga mananaliksik na alamin ang konsepto ng lungkot, alamin ang iba pang salita na may katumbas o kahalintulad ng salitang lungkot at pati na rin ang dimensyon ng lungkot ayon sa matatandang naninirahan sa isang institusyon. Metodolohiya: Gumamit ang mga mananaliksik ng kwalitatibong pagsusuri at makaPilipinong pamamaraan bilang basehan sa paglikom ng datos. Ang kwalitatibong pananaliksik ay isang uri ng panukat ng antas ng mga nagawang kilos bilang panukala, mga layunin at mga resulta. Ito ay isang pamamaraan na nakapokus sa mga salita kaysa sa mga numerikong datos. Ito ay dumidipende sa mga sariling pahayag ng ideya o idinetalyeng karanasan, alaala, nararamdaman at kaalaman o opinyon ng mga kalahok sa isang paksa (Myers at Hansen, 1995). Samantala, layunin ng pamamaraang kwalitatibo ang pagkalap at paglalahad ng subhetibong interpretasyon sa mga datos kaysa subukin ang isang teorya (Harris, 1995) Sa pamamagitan ng pagdalaw-dalaw, pagtatanong-tanong, pakikipagkwentuhan at pikikipagpalagayang-loob ng mga mananaliksik sa mga kalahok, makakakalap ng mga datos ang mga mananaliksik tungkol sa kalungkutan ng mga nasabing matatandang naninirahan sa isang institusyon. Ito ay isang kwalitatibong pamamaraan na tumutukoy sa makasikolohiyang Pilipinong pag-aaral upang makakuha nang sapat na impormasyon sa pamamagitan ng ibibigay na sagot ng mga kalahok. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng purposive sampling bilang pamamaraan sa pagpili ng mga kalahok sa pag-aaral. Ang purposive sampling ay isang uri ng non-probability method at tinawag din itong judgmental sampling (Blaike, 2000). Ito ay ang pagpili ng mga kalahok na sumasaklaw sa kinakailangan ng pag-aaral (Myers at Hansen, 2006). Ito rin ay kapakipakinabang sa isang pag-aaral na ang target na respondent ay tama sa hinihiling na pamantayan ng mga mananaliksik (Reyes at Saren, 2004). Konklusyon: Ang lahat ng mga kalahok ay nakararanas ng lungkot at ito ay isang bagay na hindi maiiwasang dumaan sa kanilang buhay. Ang lungkot na kanilang nararanasan ay dulot ng nakaraan at kasalukuyang karanasan o pangyayari sa kanilang buhay. Hiwalay at malayo silang namumuhay sa kanilang pamilya o minamahal sa buhay na dapat ay unang-unang nagbibigay sa kanila ng kalinga at pagmamahal. Ang pagkawala ng ugnayan sa pamilya ang kadalasang dahilan o sanhi ng kanilang lungkot. Mahalagang bagay sa mga kalahok ang pagkakaroon ng mabuting ugnayan at relasyon sa kanilang kapwa o maging sa pamilya at kasamahan sa institusyon. Bagamat ang kanilang mga kasamahan ay hindi nila kadugo ay importante ang pakikipagkapwa upang magbigay daan at tulong sa kanila sa mabuting relasyon at pagkakaroon ng ugnayan sa isa’t isa. Ang pakikipagkapwa ay isa ring mabisang paraan upang malunasan ang lungkot at mailabas ang bigat na nadarama sa kanilang kalooban.
Item Type: | Thesis (Undergraduate) |
---|---|
Additional Information: | PSY 1212 2014 |
Subjects: | B Philosophy. Psychology. Religion > BF Psychology H Social Sciences > HQ The family. Marriage. Woman H Social Sciences > HT Communities. Classes. Races |
Depositing User: | Users 4 not found. |
Date Deposited: | 23 Jan 2016 01:14 |
Last Modified: | 01 Jun 2021 07:40 |
URI: | https://thesis.dlsud.edu.ph/id/eprint/1110 |
Actions (login required)
View Item |