Forca, Maika G. and Prudente, Reysielen M. and Soriano, Shangrilla C. (2014) Sa bingit ng kamatayan : isang paglalatag pakahulugan sa karanasan. Undergraduate thesis, De la Salle University-Dasmarinas.
Text (Theses)
ForcaPrudenteSoriano ... - Kamatayan.pdf Restricted to Registered users only Download (1MB) |
|
Text
PSY 1209 2014.pdf Download (35kB) |
Abstract
ABSTRAK Pangalan ng institusyon: De La Salle University-Dasmariñas Adres: Brgy. Sta. Fe, Bagong Bayan, Lungsod ng Dasmariñas Pamagat: Sa Bingit ng Kamatayan: Isang Paglalatag Pakahulugan ayon sa Karanasan May Akda: Maika G. Forca Reysielen M. Prudente Shangrilla C. Soriano Pinagkunan ng pondo: Mga magulang at kapatid Halaga: 6,000.00 Petsa ng simula: Hunyo 2013 Petsa kung kalian natapos: Marso 2014 Layunin: Ang layunin ng pag-aaral na ito ay alamin ang mga konsepto sa bingit ng kamatayan, makalap ang mga katutubong katawagan na pumapaloob rito at ang katumbas na kahulugan ng mga ito, mailahad ang mga dimensyon, at mabigyang pansin ang sikolohikal na impak sa pag-iisip, damdamin, at pagkilos ng mga indibidwal na may mga karanasan. Saklat at limitasyon: Ang pag-aaral na ito ay may pitong (7) kalahok kung saan manggagaling ang mga ito sa iba’t ibang lugar na may sari-sariling pinagmulang kultura o lahi na naglalayong: malaman ang pagkakaunawa ng mga kalahok tungkol sa bingit ng kamatayan; malaman ang mga katutubong katawagan nito; malaman ang mga dimensyon ng bingit ng kamatayan; at, alamin ang sikolohikal na impak kung saan nakaaapekto sa pag-iisip, damdamin, at pagkilos ng kalahok. Metodolohiya: Ang kwalitatibong pananaliksik ay isang uri ng pamamaraan na hindi nangangailangan ng istatistikal na metodo, kundi, ito ay pag-aanalisa sa mga makamundong pangyayari. Ito ay nagpapahayag ng isang nakahihikayat na proseso na ang mga kategorya at suliranin ay lilitaw sa pamamagitan ng mga nakalap na impormasyon o datos katulad ng interbyu, obserbasyon, videotapes, at case studies. Gumagamit din ito ng mga detalyadong deskripsiyon na nagmula sa mga perspektibo ng mga kalahok bilang pag-aaral ng spesipikong problema na pinag-aaralan (Marlow, 1993). Ang mga mananaliksik ay gumamit ng kwalitatibong pagsusuri sapagkat nakatuon ang pananaliksik na ito sa pagkalap ng mga pahayag, datos, at nararamdaman ng mga kalahok. Gumamit din ng Snowball Sampling, ito ay isang metodo kung saan ang mga mananaliksik ay magtatanong sa isang kalahok na may karanasan sa bingit ng kamatayan kung mayroong kakilala o nalalamang mga indibidwal na may karanasan o posibleng maging isa sa mga kalahok hanggang sa makamit ng mga mananaliksik ang bilang na kinakailangan para sa pag-aaral. Ito rin ay isang pamamaraan kung ang pag-aaral ay bihira o limitado lamang sa maliit na grupo ng populasyon (Explorable.com, 2009). Ang mga kalahok ay manggagaling sa iba’t ibang lugar na may kanya-kanyang lahi o pinagmulang kultura o kinaugalian. Habang maka-Pilipinong pananaw ang isa sa pamamaraan ng pagkalap ng mga datos sa kadahilanang ang mga mananaliksik ay nais makakuha ng mga impormasyon ayon sa paniniwala, perspektibo at karanasan ng mga kalahok tungkol sa bingit ng kamatayan sa pamamagitan ng pakikipagkwentuhan at pakikipanayam na ginamit sa pag-aaral na ito. Pangunahing resulta: Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pitong (7) kalahok na may iba’t ibang kultura at pananaw. Ang konsepto na inilahad ng mga kalahok tungkol sa bingit ng kamatayan ay ang pagkakaroon ng karanasan na ang isang taong malalagay dito ay malapit nang mamamatay dahilan sa kanilang sariling karanasan tulad ng aksidente, pagkakaroon ng sakit at iba pa. Ang pagbibigay ng konsepto ng mga ito ay nakalaan sa sariling kapalaran ng taong nalagay sa bingit kung ito ay mamamatay o mabubuhay pa. Ito ay maaaring mahati sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga dimensiyon na maaaring kahinatnan ng isang tao habang nasa bingit ng kamatayan. Ang mga dimensyon na ito ay ang dimensyon ng kabilang buhay kung saan sinasabing doon mapupunta ang tao pagkatapos mamamatay at ang dimensyon sa panaginip na nakikita ng isang taong nalalagay sa bingit ng kamatayan ang mga iba’t ibang uri ng daan patungo sa kabilang buhay tulad ng tunnel, liwanag, at mga malalapit na kakilala. Nagbigay-linaw din ang pag-aaral na ito sa pamamagitan ng pagkuha ng iba pang katutubong katawagang katumbas ng salitang bingit ng kamatayan. Isa sa mga nabigay na katutubong katawagan dito ay ang “harani ng kamatayan†na ang ibig sabihin ay malapit sa kamatayan. Binigyang-linaw ng mga mananaliksik ang mga sikolohikal na impak sa mga indibiwal na nakaranas ng bingit ng kamatayan. Ang pag-iisip ng tao ay isang kamalayan sa tao na nagbibigay ng pananaw sa buhay. Ang mga kalahok ay nagkaroon ng takot at pangamba matapos makaranas ng bingit ng kamatayan. Ito ay dahilan upang maging emosyonal at bigyang pansin ang kanilang damdamin na nagkakaroon ng impak sa kanilang pag-iisip. Ang damdamin ng tao ang nagbibigay ng emosyonal na pananaw sa tao na maaaring makaapekto sa pang-araw-araw nitong pagkilos. Ang mga kalahok ay nagbigay ng pananaw tungkol sa kanilang damdamin na naghahalo-halo dahilan sa paglagay sa bingit ng kamatayan. Ang pagkilos ng mga kalahok ay nagkaroon ng malaking pagbabago sa kanilang buhay. Ang ilan sa mga kalahok ay nagkaroon ng limitasyon sa pagkilos dahil sa naranasan. Kongklusyon: Ang pag-aaral ng mga mananaliksik ay nagkaroon ng saysay sa pamamagitan ng paglahad ng mga iba’t ibang karanasan ng mga taong nalagay sa bingit ng kamatayan. Nalaman ng mga mananaliksik na ang bingit ng kamatayan sa Sikolohiyang Pilipino ay may pakakaiba at pagkakatulad sa kanluraning pag-aaral. Naging malaki ang impak ng pagkakaroon ng bingit ng kamatayan sa mga taong nakaranas nito. Marahil ang ilan sa mga Pilipino sa panahon ngayon ay hindi naniniwala sa pagkakaroon ng mga kakaibang konsepto at dimensyon sa likod ng bingit ng kamatayan. Ito ay pinaniniwalaan lamang ng mga taong nagkaroon ng karanasan ngunit kung lalalahatin ang pagkilala sa ganitong karanasan, mayroong hindi maniniwala hanggat hindi nila nararanasan ang pagharap sa bingit ng kamatayan. Nakadepende sa tao ang magiging pananaw at paniniwala patungkol sa bingit ng kamatayan. Tungkol sa sikolohikal na impak sa mga kalahok, napansin ng mga mananaliksik na malaki ang maaaring pagbabago sa buhay ng taong nakaranas ng bingit ng kamatayan. Marahil, ang isang taong nalagay sa bingit ng kamatayan ay maaaring maging malungkot, masaya, matakot, matuwa, maging sensitibo at iba pa matapos ang pagkakaroon ng ganitong karanasan. Ang ganitong pangyayari ay hindi biro dahil malaking pagsubok ang kakaharapin ng mga ito lalo na sa kanilang pag-iisip, damdamin at pagkilos. Rekomendasyon: Inirerekomenda ng mga mananaliksik sa mga kalahok na matapos ang napakahirap na pagharap sa bingit ng kamatayan ay mas lalong pahalagahan at bigyang-pansin ang buhay. Walang nakakaalam kung hanggang kailan matatapos ang buhay ng isang tao. Ang oras ay mahalaga at dapat bigyang-importansya lalo na kung ang isang tao ay nalagay na sa malapitang kamatayan at binigyang-pagkakataon pa upang mabuhay. Para sa mga magulang, kaanak at kaibigan ng mga kalahok na bigyan ng halaga at ipadama ang importansya sa mundo. Kailangan ng mga kalahok ng kausap at magpapadama ng buong pagmamamahal at atensyon dahil ito ang magbibigay ng lakas ng loob para sa mga kalahok at mga taong nakararanas ng bingit ng kamatayan. Labis na makatutulong ang pagbibigay ng pang-unawa at gabay sa mga taong may karanasan. Inirerekomenda para sa mga mambabasa na mas lawakan ang pang-unawa sa mga taong nakaranas sa bingit ng kamatayan. Bigyang-pansin ang mga mahahalagang detalye at impormasyon patungkol sa bingit ng kamatayan. Unawain ang mga dahilan ng pagkakaroon ng bingit ng kamatayan at bigyang-pansin ang mga mananaliksik na nagbigay-halaga sa pag-aaral na ito. Inirerekomenda na huwag mamintas at bigyang-pansin ang kahalagahan ng buhay sa mga tao lalo na sa mga nakaranas ng bingit ng kamtayan. Iwasan ang maging subhetibo sa mga komento at paniniwala ng bawat inbidwal. Ito ay makatutulong upang lubos na maunawaan ang pag-aaral sa bingit ng kamatayan. Inirerekomenda ng mga mananaliksik sa mga nagsusulong ng Sikolohiyang Pilipino na magsagawa ng mas malawakang pag-aaral na bigyang-pansin ang pag-aaral tungkol sa bingit ng kamatayan na isinagawa ng mga mag-aaral ng De La Salle University – Dasmariñas. Bigyang-halaga ang mga impormasyong nakapaloob sa pag-aaral na ito at magsagawa ng mas malawakang pag-aaral tungkol sa bingit ng kamatayan. Maging kritikal sa paggamit ng mga metodo at iskalang gagamitin sa pag-aaral at magsuri ng mga kalahok na may potensyal na makatutulong sa hinaharap na pag-aaral. Muling bigyang-halaga ang mga may akda at mga mananaliksik ng mga naunang pag-aaral upang mabigyang-linaw ang mga mambabasa sa hinaharap.
Item Type: | Thesis (Undergraduate) |
---|---|
Additional Information: | PSY 1209 2014 |
Subjects: | B Philosophy. Psychology. Religion > BF Psychology |
Depositing User: | Users 4 not found. |
Date Deposited: | 23 Jan 2016 00:42 |
Last Modified: | 01 Jun 2021 08:00 |
URI: | https://thesis.dlsud.edu.ph/id/eprint/1108 |
Actions (login required)
View Item |