De Leon, Leana Mizpah and Ilano, Angellie and Legarde, Charmaine (2014) Apoy sa malamig na bangkay : isang pag-aaral sa taong necrophiliac. Undergraduate thesis, De La Salle University-Dasmarinas.
Text (Full-text)
DeLeonIlanoLegarde ... - Necrophliac.pdf Restricted to Registered users only Download (4MB) |
|
Text (Abstract)
PSY 1156 2011.pdf Download (88kB) |
Abstract
Pangalan ng Institusyon De La Salle University - Dasmarinas Lugar Cavite Pamagat Apoy sa Malamig na Bangkay : Isang Pag-aaral sa Taong Necrophiliac Mga May Akda Leana Mizpah De Leon Angellie Ilano Charmaine Legarde Taga Pondo Magulang Halaga PhP 33, 000 Petsa ng Magsimula Hunyo 2010 Petsa ng Pagtatapos Marso 2011 Saklaw at Limitasyon Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa mga partisipante na nagtatrabaho bilang embalsamador sa isang morge o punerarya. Nililimitahan ang pag-aaral na ito sa lugar na nasasakupan ng Cavite City. Pamamaraan Snowball Sampling vii Kongklusyon Ang mga nagawang kongklusyon ng mga mananaliksik para sa pagaaral na ito ay ang sumusunod: 1. Ang kasong Necrophilia ay nabubuo sa pagkatao ng isang indibidwal bunsod na din ng iba’t ibang sirkumstansya at hindi malilimutang karanasan sa kanyang kabataan. 2. Hindi lamang nakasentro ito sa mga embalsamador o mga taong nagtatrabaho na may kaugnayan sa mga patay. 3. May mga karamtang therapy at counselling upang maalis ang pagkakaroon ng Necrophiiac. Rekomendasyon Sa isinagawang pag-aaral na ito, ang mga mananaliksik ay nagbigay ng sumusunod na mga rekomendasyon: 1. Para sa mga naging kalahok ng pag-aaral na ito, nawa’y magkaroon ng kaliwanagan ang inyong kaisipan upang mapiligan ang mga di pangkaraniwang gawain na inyong ginagawa. Magkaroon ng mas matiwasay na buhay upang viii makapiling ang pamilya ng bawat isa na may kasiyahan. 2. Para sa mga susunod na mananaliksik na magsasagawa ng kaparehong pag-aaral, inirerekomenda na maglaan ng mas mahabang panahon sa pagkuha ng datos upang makakuha sila ng mas madaming bilang ng tao na gumagawa ng ganitong kaso. Hindi lang sa mga embalsamador gayon din sa ibang trabahong may kaugnayan sa patay na magbibigay pa ng mas maraming impormasyon sa pag-aaral na ito. 3. Para sa mga awtoridad, kailangan ng sapat na aksyon upang mapigilan din ang pagdami ng bilang ng tao na bumabastos sa mga patay. At upang matulungan din nila ang mga taong ito na pigilan ang ganitong malalaswang gawain.
Item Type: | Thesis (Undergraduate) |
---|---|
Additional Information: | PSY 1156 2011 |
Subjects: | B Philosophy. Psychology. Religion > BF Psychology B Philosophy. Psychology. Religion > BJ Ethics |
Depositing User: | Users 4 not found. |
Date Deposited: | 12 Nov 2015 08:10 |
Last Modified: | 22 Feb 2022 02:52 |
URI: | https://thesis.dlsud.edu.ph/id/eprint/109 |
Actions (login required)
View Item |