Velarde, Regine C. and Yumol, Ysabel Bernadette S. (2014) Paggamit ng larong pinoy sa pagpapabuti ng antas ng sosyalisasyon ng batang may autismo. Undergraduate thesis, De La Salle University-Dasmarinas.
Text (Theses)
VelardeYumol ... - LarongPinoy.pdf Restricted to Registered users only Download (1MB) |
|
Text
PSY 1155 2014.pdf Download (260kB) |
Abstract
PAGGAMIT NG LARONG PINOY SA PAGPAPABUTI NG ANTAS NG SOSYALISASYON NG BATANG MAY AUTISMO Regine C. Velarde at Ysabel Bernadette S. Yumol Pamantasan ng De La Salle-Dasmariñas Departamento ng Sikolohiya Ang pag-aaral na ito ay sumuri kung ang larong pinoy ay isang mabisang paraan upang mapagbuti ang sosyalisasyon ng batang may autismo. Ito ay kinabilangan ng isang batang may edad na pitong taong gulang na nagtataglay ng mild autism. Gumamit ang mga mananaliksik ng small N A-B experimental design, ito ay nahahati sa dalawang bahagi. Ang phase A ay ang baseline phase samantala ang phase B ay ang bahagi na ibinigay ang interbensyon na larong pinoy. Ang mga larong ginamit sa interbensyon ay ang “Hipuin ang Kulay†at “Aling Mariaâ€. Minodipika ito ng mga mananaliksik upang mas umayon ito sa pangangailangan ng batang may autismo. Isinagawa ang interbensyon sa isang play house. Tatlong aspekto ng sosyalisasyon ang sinuri, ito ay ang eye contact, physical contact at berbal na komunikasyon. Nakita sa baseline na walang tinataglay ang batang may autismo na eye contact, physical contact at berbal na komunikasyon. Matapos maisagawa ang limang sesyon ng interbensyon, napag-alaman na ang mga larong pinoy na ginamit ay nakapagpabuti ng sosyalisasyon ng isang batang may autismo. Bagama’t naging pabago-bago ang resulta masasabi pa rin na nakatulong ang interbensyon at ito ay naipamalas sa pamamagitan ng mga positibong pagbabago sa interaksyon ng bata.
Item Type: | Thesis (Undergraduate) |
---|---|
Additional Information: | PSY 1155 2014 |
Subjects: | B Philosophy. Psychology. Religion > BF Psychology G Geography. Anthropology. Recreation > GT Manners and customs G Geography. Anthropology. Recreation > GV Recreation Leisure |
Depositing User: | Users 4 not found. |
Date Deposited: | 12 Nov 2015 08:06 |
Last Modified: | 02 Jun 2021 02:34 |
URI: | https://thesis.dlsud.edu.ph/id/eprint/108 |
Actions (login required)
View Item |